Nagpaplano ang isang energy solution company na magsagawa ng pilot project na nangangakong maghatid ng 24/7 na serbisyo ng elektrisidad sa mga komunidad sa Bongabong, Oriental Mindoro, gamit ang mga power technology at clean energy.
Nakipagpulong si Bongabong Mayor Elegio Malaluan kay DM-X Technologies Inc. chair at chief executive officer Deodato Reloj Jr. noong Biyernes sa Clark, Pampanga at tinalakay ang posibleng partnership.
Ang core ng DM-X ay nag-aalok ng distributed power generation system (DPGS) na bumubuo ng primary power kumpara sa pagiging standby power generator lang.
Ang kumpanya ay distributor din ng mga lubricants and clean fuel proprietary technology na pag aari ng isang gas company na Amptron Corporation sa Estados Unidos.
Umaasa si Malaluan na ang mga teknolohiya ng DM-X ay magbubukas ng higit pang mga pagkakataon at magbibigay daan para sa pag-unlad ng Bongabong na aniya ay nahahadlangan ng hindi episyenteng serbisyo ng kuryente sa isla.
“Sa Mindoro, parating brownout. Ang pino-propose nila (DM-X) ay magkaroon ng power plant sa Bongabong at Roxas, at ‘yung Bongabong ang magiging model or pilot. Kung magkaganoon, ‘pag naging maayos iyon, sa ibang bayan naman,” ayon kay Malaluan sa isang panayam ng Philippine News Agency.
“The decision was to pilot a one-megawatt project in Bongabong to show the DOE, Transco, and Napocor that DM-X can be a primary source of power. In the future, we would expand to serve more of Bongabong’s constituents and provide them with electricity 24/7,” dagdag pa niya.
