Dissolving a homeowners association: Why or why not

0
614

May dalawang estratehiya na pinagagana sa pagpapaunlad, mas kalimita’y patungkol sa badyet, pati na rin sa pagpoproseso ng impormasyon: bottom-up (ibaba-pataas) at top-down (itaas-pababa). May binabagayan ang dalawa; ibig sabihin, kung ano ang mas maganda batay sa mahabang karanasan, iyon ang gagamiting approach ng isang lipunan, pamahalaan, o organisasyon. Sa kaso ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas, sa ilalim nito’y merong mga lokal na pamahalaan – panlalawigan, panglungsod o pambayan at pambarangay sa pinaka ilalim. Ang isang pinunong nagpapahalaga nang lubos sa mababang hanay ng mga barangay ay kalimitang nagtatagumpay nang matagalan sa pwesto at napagtitiwalaan pa nga sa mas mataas na posisyon. Mag bottom-up tayo sa pagtalakay ng imbentong barangay. Huwag mag-alala, hindi ito Barangay Ginebra.

Likhain natin ang isang barangay sang-ayon sa Local Government Code of 1991 at iba pang kahanay na panuntunan. Tawagin nating Barangay Maharlika. Meron akong alam na ganitong pangalan ng tatlong local government unit (LGU) sa City of San Jose Del Monte, Bulacan, sa Taguig City, at bagong likhang barangay sa City of San Pedro, Laguna. Muli, imbento ito; malapit man sa katotohanan ay wala tayong partikular na barangay na tinutukoy. Sa ganda ng pangalan, sa Barangay Maharlika na tayo bumuo ng kaisipan, at maikling pagtalakay na may pag-asang magamit ito sa pagbubuo ng kaisipan ng isang lugar at ng mga tao rito sa hinaharap.

Kung ang Maharlika ay isang bagong likhang barangay sa makabagong pulitika, malamang na nanggaling ito sa isang malaking barangay na hinati para makabuo ng dalawa o higit pang barangay. Dahil bago ito, malaki ang potensyal ng Maharlikang maging huwarang barangay – huwaran sa pagkakaisa, sa paglilingkod, sa pagpapaunlad ng lugar at ng mga naninirahan dito – dahil inaasahang magsisimula ito sa magagandang gawi, panuntunan, pagpapahalaga. Merong alam ang Maharlika sa mga kapwa nito barangay na dahilan ng kanilang pagbagsak at pagdurusa, o kaya nama’y pag-asenso at paglago ng kanilang kabuhayan. Bentahe ng bagong likhang Barangay Maharlika na wala pa itong dungis; ibig sabihin, masasabing mapangangalagaan nito ang pangalang Maharlika at anumang kumakatawan sa barangay.

Kung meron nang mga middle-class na mga subdibisyon ang barangay – kalimitan pa nga sa makabagong panahon ay “gated subdivisions” – sa aking pananaw na nakabatay sa lawak ng pagkakaunawa ko sa pag-aaral ng ekonomiyang pulitikal ng barangay, mahalagang huwag mabale-wala ang bottom-up approach sa kabuuan ng mas malawak na setting: sa mas matataas na LGUs pati na ang pambansang pamahalaan. Sa anumang mithiin ng barangay, dapat ito’y may pakikipagsangga sa mas nakatataas sa kanila. Maaaring mali ang mga nasa itaas, kaya nag-iibang landas ang pagpapatakbo ng isang barangay ngunit kadalasan, hindi nagiging sustainable ang kanilang goals. Kaakibat ng suliran dito ang hindi mabala-balanseng overall governance ng lungsod o bayan at ng lalawigan. Dahil dito, nagiging pabigat lang ang ganitong klaseng barangay sa pambansang pamahalaan na meron ding pinakikilos na mga kagawaran na dapat sana’y nakatatanggap ng malalim na kooperasyon sa hanay ng mga nasa baba. Kung ang Maharlika Village ay napag-iiwanan ng Brgy. A, Brgy. B, at Brgy. C, sa pagpapaunlad at panlipunang paglilingkod, paano, sino, at hanggang saan babalansehin ang apat na barangay na nabanggit? Sang-ayon sa Saligang Batas, merong overall supervision ang pangulo ng bansa, hindi overall control, kaya may kahirapan ang pagbabalanseng gagawin. Isa na rito, hindi natin maiaalis na sa iba, wala tayong tibay na aasahan dahil baka may plano nang lumipat ng ibang lugar bunga ng kinaharap at kinakaharap nilang kawalang-balanse sa paglilingkod at pagpapaunlad.

Ang isang homeowner association (HOA) sa ilalim ng isang barangay ay dapat magpasailalim sa kapangyarihan ng pamahalaang barangay na sumasakop dito. May mabuting ganti naman ang barangay sa lahat ng uri ng serbisyo, mas malaki man ang kinikita ng HOA sa barangay o mas malaki ang kinikita ng barangay sa HOA. Ito’y presumption sa kalakaran ng dalawa, maging sa relasyon nila. Paano naman kung salat sa badyet ang isang barangay? Kailangan bang manatili sa ganitong kalagayan habang nasa maayos na kalagayan ang kaban ng HOA?

Kapangyarihang magbuwag

Sa website ng Alburo Alburo and Associates Law Offices, may ganitong gabay:

“Please take note that a homeowners’ association may also be dissolved by shortening its corporate term. In such a case, a voluntary dissolution may be made by amending the articles of association to shorten the term of the existence of the association. A copy of the amended articles of association shall be submitted to the Regional Office of the HLURB. Upon approval by the Regional Office of the amended articles of association or expiration of the shortened term, as the case may be, and upon such terms as may protect the rights of creditors whose claims against the association may be affected, the association shall be deemed dissolved without any further proceedings.

“Also, the association may be dissolved by the Regional Office of the HLURB upon the filing of a verified complaint and after proper notice and hearing on the grounds provided by existing laws, rules and regulations.”

Kung wala namang masyadong usapin sa mga pag-aari ng HOA, at mga singilin at utang nito, mas nakaiigi pang maglaan ng oras, pagod, at expertise ang mga opisyal nito patungo sa pang malawakang pagpapaunlad ng barangay sa pamumuno ng Kapitan at Sangguniang Pambarangay. (Pwede rin silang tumakbo sa halalan at sa elective positions na sila maglingkod.) Ang kanilang asosasyon na rehistrado sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ay maaari nang buwagin upang magbigay-daan sa bago at masiglang pamumuno sa barangay, dahil doon mismo sila maglilingkod sa halip na sa HOA. Aanhin pa ang suportang teknikal ng HLURB kung ang barangay ay huwaran na ng katatagan at katalinuhan sa serbisyo at katuwang sa pagpapalaganap ng mas malawak o inklusibong kaunlaran?

Maaaring tingnan ng mga tumatandang asosasyon ang kahalagahan ng pagpapanatili o existence nila kasabay ng corporate existence naman ng barangay na may obligasyon ding pang-administratibo at tuwirang tumutulong at may pananagutan sa mga nakatataas na LGUs at sa pambansang pamahalaan. Baka naman mas matamasa natin ang bunga ng pagkakaisa sa barangay mismo, at dahil doon, maaari na nating isiping tapos na o malapit na tayong matapos sa katwiran o justification ng existence ng asosasyon. Binuo natin ito, pero binuo rin natin ang barangay. Ang barangay ay may mahabang prosesong tatahakin bago mabuo at kapag nabuo na, meron ding mahabang panahong gugugulin para ito’y natututo o nagiging learning barangay, kumpara sa HOA (minsa’y hindi lang isang asosasyon sa nag-iisang barangay) na sa umpisa’y alam naman nating pwede nating likhain at buwagin hindi lang sang-ayon sa batas, kundi sa malalim na dahilan kung bakit merong existence. Tanungin natin ang mga naninirahan: Hasn’t the association served its purpose? Mithiin naman ng barangay ang ating suportahan kahit umabot sa puntong bubuwagin na natin ang asosasyong napaglipasan na ng panahon na hindi naman sinasabing hindi naging kaagapay sa pag-unlad habang ito’y buhay ng makailang dekada.

May pulitika ng pagdaragdag, meron din namang para sa pagbabawas. May kapangyarihan tayong mamili, at sa kaso ng inimbento nating Maharlika, ang buong barangay ay tatanaw naman ng utang na loob sa mga pinagmulan nitong mabubuting pagsasamahan sa asosasyon. Samantala, tolerable pa ba sa ating barangay ang pagpapangkat-pangkat? Manghinayang nawa tayo sa mga potensyal ng barangay.

Author profile
DC Alviar

Professor DC Alviar serves as a member of the steering committee of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He was part of National University’s community extension project that imparted the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities in a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with a master’s degree in development communication from the University of the Philippines Open University in Los Baños. He recently defended a dissertation proposal for his doctorate degree in communication at the same graduate school under a Philippine government scholarship grant. He was editor-in-chief of his high school paper Ang Ugat and the Adamson News.