Mga ‘nagbitiw’ na opisyal ng PNP, sasailalim sa lifestyle check

0
135

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ang mga opisyal ng pulisya na nagsumite ng kanilang courtesy resignation ay sasailalim sa lifestyle check.

Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag noong Martes, sinabi ni Azurin na ang panukala ay bahagi ng imbestigasyon na isasagawa ng five-man committee na inatasang sumuri sa kanilang courtesy resignations at maglalabas ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung tatanggihan o tatanggapin ang mga opisyal.

“As of now we need to ask the members of the committee about the other procedures to be undertaken, but definitely that would be part of the investigation or inquiry that will be conducted by the committee to assess and evaluate all third-level officers,” ayon kay Azurin.

Ang mga tauhan ng PNP ay sumasailalim sa taunang lifestyle check alinsunod sa Republic Act 3019 o ang “Anti-Graft and Corruption Practices”, at Republic Act 6713 o ang “Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

Samantala, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na nasa 70 porsyento na ng lahat ng police generals at colonels ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.

Inaasahan niyang tataas pac ang bilang habang hinihintay nila ang mga opisyal na naka-deploy sa malalayong rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Fajardo na sinusuri pa nila kung nagsumite na ng courtesy resignation ang 10 police officials na sinasabing sangkot sa illegal drug trade.

“Sa ngayon ay wala pa tayong information doon sa mga sinasabi at nababanggit ni Chief PNP na less than 10 na tina-target ng investigation kung kasama na sila doon sa more or less 70 percent at aalamin natin yan at magbibigay tayo ng update kapag nakakuha na tayo ng datos,” ayon kay Fajardo.

Samantala, inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jonnel Estomo na lahat ng 76 third-level officers ay nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Pinangunahan ni Estomo ang paglagda ng courtesy resignation kasama ang mga third-level commissioned officers ng NCRPO gayundin ay sumailalim sila sa sorpresang drug test na nagresulta sa positibong feedback mula sa media, mamamayan at komunidad.

Iniutos din niya ang sorpresang drug test sa 30 station commander na may ranggong Lieutenant Colonel, 16 mula sa Quezon City Police District (QCDP) at 14 mula sa Manila Police District (MPD).

“The conduct of this drug test to the station commanders of QCPD and MPD is to show their subordinates that their officers are not involved in illegal drug use. As a matter of fact, it is on record that out of 72 full colonels and up who underwent drug test, all tested negative for illegal drugs,”dagdag niya. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.