Lulubha ang kahirapan sa bansa sanhi ng epidemyang Covid-19 at ito ay mabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng financial inclusion, ayon kay Margarita Debuque-Gonzales, senior research fellow sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), na nagharap ng PIDS study na may pamagat na “Understanding and measuring financial inclusion in the Philippines” sa isang research forum na binuo ng PIDS at ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Coauthor nito si PIDS Supervising Research Specialist John Paul Corpus.
Ang financial inclusion ay isang paraan ng pagbibigay ng basic financial services sa lahat ng miyembro ng lipunan ng hindi titingnan ang kita at ipon. Nakapokus ito sa pagbibigay ng solusyon sa pananalapi sa mga bansa na may mahinang ekonomiya.
“Financial inclusion helps individuals and small businesses invest for the future. It helps smooth consumption. It helps households and small businesses manage their finances. Therefore, it can help enhance productivity and long-term grow Tth, and potentially help reduce poverty and inequality,” ayon kay Debuque-Gonzales.
Ganun pa man, ang financial inclusion sa Pilipinas ay kailangan pang pagbutihin sa ilang aspeto. Tinuran Debuque-Gonzales ang datos mula sa Global Microscope Economist Intelligence Unit na nagsabi na ang Pilipinas ay nangunguna sa mga bansa na may potensyal para sa financial inclusion sa Asya kabilang ang China, India, Malaysia, Thailand, Indonesia, Viet Nam, Cambodia at Myanmar. Ngunit ayon sa kanya, ang Pilipinas ay may kasalukuyang pang problema sa payment infrastructure, internet connectivity, digital identification at credit information.
Ayon sa World Bank Global FIndex 2017, ang Pilipinas ay naiiwan sa bilang ng Pilipino na nagmamay ari ng financial account. Sa report ding ito ay nakasulat na ang mga dahilan kung bakit ang bansa ay financial excluded ay ang malaking gastos sa dokumentasyon at layo sa mga kaukulang tanggapan.
Kasama din sa natuklasan sa pag aaral na ang mga financial inclusion particular ang account ownership at paggamit ng credit ay para sa mayayaman lamang, mga nakapag aral at may trabaho.
Nagrekomenda si Debuque-Gonzales ng mga rekomendasyon partikular sa account ownership, isa dito ang pagbibigay ng financial education. Ayon sa kanya ay kailangang lumikha ng mga programa na maka pagpapabuti sa Math at financial literacy.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo