Tubig, pagkain at gamot para sa naipit na 430K sibilyan sa Mariupol hindi makapasok

0
401

Dumadanas ngayon ng uhaw, gutom at ginaw ang 430,000 na sibilyan na naipit sa Mariupol habang hindi makapasok ang tulong na tubig, pagkain at gamot dahil sa walang tigil na pambobomba ng Russia sa nabanggit na siyudad.

Ang mga desperadong Ukrainians ay nagsimula ng mag away away para sa pagkain at nagnanakaw na sa mga botika. Ang kasalukuyang sitwasyon sa kinubkob na port ng Mariupol ay “lalong nging kalunos lunos” ayon sa babala ng isang opisyal ng Red Cross noong Huwebes.

Binayo ng bomba ng mga pwersa ng Russia ang Ukrainian port city ng Mariupol kahapon, pinaulanan ng bala ang downtown nito habang nagtatago ang mga residente sa isang iconic na mosque at sa ibang lugar upang makaiwas sa mga bomba. Naganap din ang labanan sa labas ng kabiserang Kyiv, habang patuloy ang pambobomba ng Russia sa ibang mga lungsod sa buong Ukraine.

Tiniis ng Mariupol ang ilan sa pinakamasamang parusa sa Ukraine mula nang sumalakay ang Russia. Ang walang tigil na mga barrage ay humadlang sa paulit-ulit na pagtatangka na magdala ng pagkain, tubig at gamot sa lungsod kung saan ay may naipit na 430,000 sibilyan. Mahigit sa 1,500 katao ang namatay sa Mariupol sa panahon ng pagkubkob, ayon sa opisina ng alkalde, at naabala pa nga ang mga pagsisikap na ilibing ang mga patay sa mass graves.

Nabigo ang mga pag-uusap na naglalayong muling maabot ang ceasefire kahapon, Samantala, sinabi ng U.S. ang mga plano nitong magbigay ng isa pang $200 milyon sa Ukraine para sa mga armas. Nagbabala ang isang senior diplomat ng Russia na maaaring atakihin ng Moscow ang mga deliverty ng military equipment.

Tumutugon ang Red Cross sa mga pinaka-kagyat na pangangailangan sa Mariupol. Sa Mariupol, ang International Committee of the Red Cross (ICRC) ay namahagi ng mga pagkain at mga hygiene items sa mahigit sa 4,000 mga taong naninirahan sa mga shelter. Sinabi ng ICRC na nakita nila ang pagtaas ng away sa mga kalye sa Mariupol, na nagsasabing: “The situation is incredibly tense, dangerous and distressing for people. We see that many people have no water, electricity, and minimal phone connectivity.”
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.