Comelec: BSKE premature campaigning, parurusahan

0
356

Nagpa alala ang Commission on Elections (Comelec) kahapon sa mga aspirante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ipinagbabawal ang maagang pangangampanya mula Hulyo 8 hanggang Oktubre 18, at nagbabala ito na ang mga lalabag ay mahaharap sa matinding parusa.

“We will charge you and will surely disqualify you since you have already filed your Certificate of Candidacy (COC) and are engaging in premature campaigning, which is prohibited,” ayon kay Comelec chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, kapag naghain na ng COC ay maikokonsidera ng kandidato kaya aniya ilalapat nila ng buong pwersa ng batas, ang Section 18 ng Omnibus Election Code (OEC) kung saan hindi maaaring mag-ikot, mangampanya, magbigay ng anumang bagay.

Itinakda ang apat na araw na paghahain ng COC mula Hulyo 3 hanggang 7,2023.

Binanggit ni Garcia na ang pagtatakda ng maagang paghahain ng COC ay magbibigay-daan sa poll body na managot sa mga sangkot sa iligal na pangangampanya.

“This would be better as they have already filed their COC and are considered as candidates. Therefore, we can already file cases against them. We will disqualify you and file election offense cases against you,” sabi ni Garcia.

Nauna dito ay itinakda ng Comelec ang campaign period para sa botohan sa Oktubre 30 mula Oktubre 19 hanggang 28, habang ang election period ay mula Hulyo 3 hanggang Nob. 14.

Sa ilalim ng OEC, labag sa batas na makilahok sa election campaign o partisan political activity maliban sa panahon ng kampanya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.