Corn crop para sa livestock feed, may magandang potensyal

0
1045

Ngayong buwan ng Marso ay ipinagdidiwang natin ang International Women’s Day. Mahalaga talaga na mabigyan ng pagkilala  ang ambag at kahalagahan ng kababaihan sa ating henerasyon. Ang sabi nga ay it’s time for women to step into the spotlight and claim their true power. Ang lakas at kakayahan ng kababaihan ay hindi pwedeng tawaran. 

Noong 2019, nakilala namin ni Myrna si Ms. Julieta Bariuan Rashid, isang Pilipina na may kabiyak na Pakistani. Taga Maynila si Ms Juliet at may bukid sa Cagayan. 

Naging bisita namin ang pamilya nya sa farm. Isang karangalan na nakilala namin siya.Sa aming mga kwentuhan, nasambit nya na walang hindi kayang gawin ang lalaki na hindi kayang gawin ng babae.

Si Juliet ay dumaan sa isang matinding depression dahil sa pagpanaw ng kanyang 10 years old na anak. Sa impluwensya at inspirasyon  ng isang babaeng kaibigan ay nakagiliwan niya ang pagtatanim para maibsan ang matinding kalungkutan. Hanggang sa nakita nya na pwedeng maging additional na income ang farming. 

Noong 2017 noong magdesisyon siya na bumili ng 10 ektaryang lupa sa Cagayan valley, bukod sa kanyang minana. Ito ay pinamahalaan niyang mag isa. Mula sa Maynila ay 10 oras siyang nagmamaneho para marating ang kanyang bukid. Kaha nga hanga talaga ang kanyang determinasyon, dedikasyon at tatag. 

Nakita niya ang potensyal ng corn plantation. Nagpatanim siya ng 10 hectarya ng Yellow corn upang gawin ingredient ng animal  feeds. Ito yung mais na  ginigiling na kung tawagin ay crack corn para sa feeds. Hindi ito yung mais na nabibili natin sa palengke na kinakain ng tao. 

Sa pagtatanim ng corn, sadyang mainam na pumili ng mahusay na binhi. Pioneer ang brand ng binhi na kaynag ginamit dahil ito ay matibay ito sa baha o sa tagtuyo. 

Nagsisimula  sa tag-ulan ang panahon ng pagtatanim ng mais. Mula June hanggang July basta umuulan na. Apat na buwan o 120 days bago umani.  Sa isang puno ng mais ay may 2 bunga. Pagkatapos ng ani ng Agosto ay, pwede na uling magtanim sa Nobyembre o Disyembre. Napakaganda dahil sa loob ng isang taon ay dalawang beses mag aani.

Sa isang ektarya ay 2 bags  na may timbang na 22 kilos na binhi ang kailangan. Pagkatapos maitanim ay bibilang ng 15 araw bago simulan ang pag aabono.  Sa sampung ektarya ay humigit kumulang na 50 sako ang kinakailangang abono. 

Ayon kay Ms. Julieta sa isang ektaryang maisan ay kumikita sya ng humigit kumulang na 25K hanggang 35K. Kung maganda ang presyo, sa sampung ektarya ay maaaring kumikita ng kalahating milyong piso sa loob ng 4 na buwan. 

Bagyo ang karaniwang problema sa maisan. Pero ang sabi niya ay normal naman sa magsasaka ang aapektuhan ng bagyo.Tama nga naman dahil ang pagsama o pagbuti ng panahon ay bahagi na ng buhay ng farmers. At ito naman nakasanayan na nating paghandaan.

Ibinahagi ni din Ms Julieta na kagaya ng anumang negosyo, hindi dapat ipagkatiwala sa ibang tao ang farm. Mas mabuti, sabi niya kung personal at hands on tayo sa pamamahala. 

Kahanga hangang babae si Ms. Julieta dahil nakaya niyang pangasiwaan at naging matagumpay ang kanyang maisan. Kaya naman ngayong Women’s Month ay nais ko siyang batiin at parangalan, saluduhan at papurihan. At nawa ay maging inspirasyon siya ng mga kababaihan sa lakas ng loob, sipag at katatagan bilang isang babaing magsasaka.

Handa na ba ang kababaihan sa pagbubukid? Tara! na samahan nyo kami!

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.