CREATE MORE Act nilagdaan ni PBBM: Pagpapalakas ng Pilipinas bilang investment destination

0
220

MAYNILA. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes, Nobyembre 11, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act o Republic Act (RA) 12066, isang hakbang upang itaguyod ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination sa Asya.

Ang CREATE MORE Act ay naglalayong itaguyod ang mga reporma sa ekonomiya na nagtatakda ng mas “globally competitive, investment-friendly, predictable, at accountable” na tax incentives regime para sa bansa. Sa seremonya sa Malacañang, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng batas sa pagpapaunlad ng lokal na negosyo at ekonomiya.

“We cannot emphasize enough the important role of the business sector in shaping this law. Your feedback has been essential in our efforts to craft policies that make our country truly competitive on the global stage,” ani Pangulong Marcos.

Dagdag pa niya, “As we open new doors of opportunity, we drive businesses to reinvest their capital, build upon the workforce, and initiate a ripple effect that will be felt across generations.”

Itinuturing ni Pangulong Marcos na ang CREATE MORE Act ay “reflection of the government’s resolve to foster a climate where businesses will flourish and continue to meaningfully contribute to the Philippine economy.”

Ayon sa bagong batas, ang maximum duration ng tax incentives availment ay pinalawig mula 17 taon hanggang 27 taon upang makahikayat ng mga “strategic at high-quality investments.” Bukod dito, ang mga Registered Business Enterprises (RBEs) ay makikinabang sa binababang corporate income tax rate na 20%, at magkakaroon ng 100% karagdagang deduction sa power expenses para sa sektor ng manufacturing.

“It also further streamlines the value-added tax (VAT) refund process by limiting the documentary requirements and addressing the VAT concerns raised by export-oriented enterprises,” ayon sa RA 12066.

Isa pa sa mga reporma ng CREATE MORE Act ay ang pagpapadali ng mga proseso ng incentives upang tugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga mamumuhunan at lumikha ng mas maayos na kapaligiran para sa pamumuhunan. Kabilang dito ang pag-simplify sa local taxation, kung saan ipapataw ang isang lokal na buwis sa RBEs kapalit ng lahat ng iba pang lokal na buwis, fees, at charges.

Pinalawak din ng batas ang mandato ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at investment promotion agencies (IPAs), at pinahintulutan ang flexible work arrangements para sa mga negosyo sa loob ng economic zones at freeports nang hindi naapektuhan ang kanilang mga tax incentives.

Sinabi rin ni Pangulong Marcos na makikinabang ang mga mamamayang Filipino sa CREATE MORE Act sa pamamagitan ng mga bagong oportunidad sa ekonomiya at de-kalidad na trabaho.

Ang CREATE MORE Act ay bahagi ng 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos na naglalayong paunlarin ang ekonomiya ng bansa at itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo