Tumaas na ang presyo ng krudo.
Bumulusok ang presyo ng langis sa kagulat gulat na 60% sa loob ng isang araw lamang. Ito ay dahil Russia ang second biggest exporter ng krudo at ang pinakamalaking exporter ng natural gas sa mundo na ginagamit sa heating ng mga bahay, gatong ng mga eroplano at mga sasakyan.
May mga takot na maaaring “gamitin” ni Vladimir Putin ang mga likas na yaman nito sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga suplay ng gas sa Europe bilang ganti sa mga sanctions. Kung ang isang bansang umaasa sa mga supply ng Russia ay tumatanggap ng mas kaunting gas, kailangan nilang kunin ito sa iba at ito ang makakaapekto sa mga supply ng gas ng ibang mga bansa kagaya ng Pilipinas.
Inaasahang tataas pa ang presyo ng langis dahil sa giyera.
Nagbanta si Martin Young, isang analyst sa banking group na Investec, na ang mga singil sa gasolina sa UK ay maaaring umabot sa £3,000, habang ang mga grupo ng motoring ay nagsabi na ang average na presyo ng petrolyo ay umabot na sa record high na halos 149.5p noong Miyerkules, ang diesel ay umabOt sa 152.83p.
Sa Germany, nananawagan ang mga pulitiko na magbuo ng isang “national gas reserve” para tulungan ang mga mamimili sa biglang pagtaas ng presyo.
Kung ipapasa ng mga airline sa mga pasahero ang pagtaas ng halaga ng aviation fuel, tiyak na tataas din ang mga presyo ng tiket sa eroplano.
Ang ripple effects mula sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay maaari ding magka epekto sa food supply ng buong mundo.
Ang Russia at Ukraine, na dating tinawag na “the breadbasket of Europe,” ay nag-e-export ng humigit-kumulang 1/4 ng trigo sa mundo at kalahati ng mga sunflower products gaya ng buto at langis. Nagbebenta rin ang Ukraine ng mais sa mga bansa sa buong mundo.
Nagbabala ang mga analyst na ang giyera ay maaaring makaapekto sa produksyon ng grains at baka madobleng presyo ng trigo sa buong mundo.
Pwedeng maapektuhan nang husto sa mga bansang bumibili nito tulad ng Egypt, Turkey at maraming bansa sa North Africa na umaasa sa trigo at mais ng Russia.
Sa Pilipinas, posibleng tumaas ang presyo ng harina at magmamahal ng tinapay.
Ang Russia ay isa rin sa pinakamalaking exporter ng mga fertilizer sa mundo. Ang mga magsasaka ay maaaring bumili ng mahal upang makakuha ng kapalit na supply.
Russia din ang isa sa pinakamalaking supplier ng mga metal na ginagamit sa manufacturing ng sasakyan, gaya ng nickel o palladium.
Ang nickel, halimbawa, ay ginagamit sa mga baterya ng lithium-iron, at palladium sa mga catalytic converter.
Ang industriya ng sasakyan ay dati ng nahihirapan dahil sa kakulangan ng chip at mga problema sa supply chain sa panahon ng pandemya. Sa UK, isa sa limang medyo bagong kotse ang ibinebenta na ngayon dahil tumaas na ang value nito, ayon sa Auto Trader.
Kung megdedesisyon ang Russia na putulin ang mga supply ng mga metal na ito bilang paghihiganti sa mga sanctions, ang mga problema sa supply ay maaaring lumala. Kung ang mga kumpanya ng kotse ay maghahanap ng mga alternatibong supplier, malamang na mas mataas ang presyo nito.
Ang mga bansa tulad ng South Africa at Zimbabwe ay gumagawa din ng malaking bulk ng palladium, ngunit tumataas ang demand kaya matagal ng kulang ito.
Sentro din ng mga manufacturing hub ang Russia para sa mga brand na Stellantis, Volkswagen at Toyota. Ang production ng mga pabrika ito ay maaaring maapektuhan ng sanctions at pwedeng magkulang ang supply ng mga bagong sasakyan.
Ilan lang ito sa mga posibleng epekto ng conflict sa Ukraine. Nawa ay madaan pa sa mabubuting usapan ang lahat at ng matapos agad ang giyera.
Marius Myrone S Zabat Jr
Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.