DepEd: School year 2024-2025 tatapusin sa Marso

0
190

Sa isang sulat na ipinadala sa Tanggapan ng Pangulo, inirerekomenda ng Department of Education (DepEd) na tapusin na sa Marso 2025 ang School Year 2024-2025. Layunin nito ang agarang pagbabalik sa dating June-March school calendar, na batid na hinihiling ng marami.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, “In response to the recent clamor for a more immediate reversion to the April-May school break, the department has already submitted a letter to the Office of the President presenting other option,  including a more aggressive alternative of ending SY 2024-2025 in March 2025,”

Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinangunahan ni Sen. Sherwin Gatchalian, ipinaliwanag ni Bringas na bagaman agresibo ang hakbang na ito, mayroon itong posibleng epekto sa mga estudyante at guro. “Definitely the aggressive approach that would end this coming school year by March 2025 would have several implications… We are looking at 165 days full in person if we do it aggressively,”

Dagdag pa niya, “It will have an implication on the school break for teachers because we all know that teachers to a proportional vacation pay (PVP) that is 2 months after each school year, and the PVP is computed based on the number of school days in a given school year, so there has to be a compromise there.”

Nauna dito, sinabi ng DepEd na dapat unti-untiin ang pagbabalik sa dating akademikong kalendaryo upang hindi maapektuhan ang pahinga ng mga mag-aaral at guro. Ngunit, sa kabila ng itinakdang dalawang-taong timeline ng DepEd para dahan-dahang lumipat sa June-March calendar, ang mga panawagang madaliin ang pagbabalik ay nagtulak sa kanila na mag-alok ng mas maikling alternatibong timeline para sa SY 2024-2025.

Nilinaw rin ni Bringas na hindi kasama sa panukalang ito ang mga pribadong paaralan sa bansa.

Sa kasalukuyan, nananatiling nakabinbin ang desisyon ng Tanggapan ng Pangulo hinggil sa rekomendasyon ng DepEd. Subalit, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagtitiyak ng pamahalaan sa edukasyon at pagpapatibay ng kakayahan ng bansa na mag-alok ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng mga hamon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo