GChat, irarampa ng GCash

0
381

Inilatag ng financial application na GCash ng kumpanyang G-Xchange Inc., ang mga bagong inisyatiba nito kabilang ang messaging feature para hindi na kailanganing mag-screenshot ng users ng resibo bilang proof of transaction.

Tinawag na GChat feature, magagamit ang in-app messenger para makapag-chat at makapag transaksyon ang users sa kanilang contacts at merchants, makapag padala ng resibo, at matukoy ang transaction histories.

Nakatakdang  ilunsad ang GChat sa mga susunod na buwan, kasama ang Gigi chatbot at Advisories features na susuporta naman sa users.

“As a national champion for financial inclusion we want to help and support the nation by truly winning every Filipino whoever and wherever they are. There’s just so much more that we need to do and we can do, especially for the underserved, all towards making Filipinos’ everyday lives better,” ayon kay GCash Chief Executive Officer Martha Sazon sa Futurecast event sa Makati.

Bukod sa GChat feature, sinabi rin ng kumpanya na ilulunsad ang GCash Card sa Hunyo, na makakapagbigay ng access sa VISA network sa mahigit 100 milyong shops sa 200 bansa.

Ang GCash, na kasalukuyang mayroong 79 milyong registered users, ay wholly-owned subsidiary ng Mynt (Globe Fintech Innovations Inc.), isang partnership sa pagitan ng Globe Telecom Inc., Ayala Corp., at Ant Financial.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo