Ika-171 anibersayo ng Kampo BGen Paciano Rizal, ipinagdiwang ng Laguna PPO

0
360

Sta. Cruz, Laguna. Ipinagdiriwang ng Laguna Police Provincial Office ang ika-171 anibersaryo ng kapanganakan ni BGen Paciano Rizal kasama ang Laguna Tourism Culture Arts & Trade Office (LTCATO) at Sta. Cruz Local Government Unit, kanina, Marso 9, sa Camp BGen Paciano Rizal, Brgy Bagumbayan, bayang ito.

Sa programa, ipinahayag ni P/Col. Rogarth B. Campo, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang mainit niyang pagtanggap sa mga dumalo.

Nagbigay ng kanilang mga mensahe sina Melvin Bonza, Municipal Administrator ng Sta Cruz, Laguna at Ms. Pamela Jane Baun, Consultant ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office (LTCATO).

Nag alay ng bulaklak ang Command Group ng Laguna PPO sa pangunguna ni PCOL Campo, mga empleyado ng Sta Cruz provincial office at LTCATO, na sinundan ng gun salute at pagtugtog ng “Pilipinas kong Mahal”.

Idinaos ang seremonya ng wreath laying bilang pagpupugay kay Gen. Paciano Rizal, nakatatandang kapatid ni Dr. Jose Rizal na isang matapang na pinunong rebolusyonaryo na nagsilbing gabay ng magiting na bayani.

“Nararapat lamang na bigyan natin ng halaga ang ating bayani bilang pagtanaw sa kanyang sakripisyo at pakikibaka na nagbunga sa kalayaan na ating tinatamasa ngayon. Ang bayani na nagbigay karangalan sa ating lalawigan at nakipaglaban hindi lamang para sa ating lugar kundi para sa ating bansa,” ayon sa mensahe ni Campo.

Ang Kampo Heneral Paciano Rizal sa Brgy Bagumbayan, Sta Cruz kung saan nakatayo ang Laguna PPO ay ipinangalan kay BGen Paciano Rizal sa ngalan ng kanyang karangalan matapos ang kanyang monumento ay pinasinayaan noong Hunyo 17, 2011.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.