Inilagay sa simbahan ng Maynila ang estatwa ng Japanese martyr

0
562

Inilagay ang bagong estatwa ng martir na Hapones na si Blessed Justo Ukon Takayama sa isang simbahan sa Maynila, kung saan ang karamihan sa mga Katolikong Hapones na ipinatapon sa Pilipinas ay unang nanirahan mga 400 taon na ang nakalilipas.

Binasbasan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang rebulto sa isang misa noong Miyerkules sa San Miguel Church sa loob ng Malacanang Palace complex.

Dumalo sina Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, Japanese Association in Manila President Seiji Takano at mga miyembro ng Filipino movement Prayer Warriors of Blessed Takayama.

Ang estatwa ay isang replika na gawa sa kahoy na nililok at ipinadala sa Vatican at kinomisyon mula sa mismong iskultor na umukit sa opisyal na imahen ni San Pedro Calungsod.

Si Takayama ay isang Japanese samurai at feudal lord na ipinatapon kasama ng mahigit na 300 iba pang mga Japanese Catholic dahil sa kanilang pananampalatayang Kristiyano ng Tokugawa Shogunate 408 taon na ang nakalipas.

Ang exile ship ni Takayama ay nakarating sa baybayin ng Maynila noong Disyembre 21, 1614 kasunod ng isang mahirap na 44 na araw na paglalakbay mula sa Nagasaki, Japan. Namatay siya sa Intramuros noong Peb. 3, 1615 at na-beatify ng Vatican noong 2017.

Bagama’t mayroong mahigit na 30 iba pang mga estatwa na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa at Japan, ang pinakabagong pag-install ay partikular na makabuluhan dahil ang San Miguel ay naging tirahan ng karamihan sa 300 mga destiyero noong sila ay dumating sa Maynila.

Inaasahan ni De Pedro na maglagay ng mas maraming estatwa ng Blessed Takayama sa buong bansa, lalo na ang mga nagho-host ng imahe ni San Pedro Calungsod.

“Anywhere where there is a San Lorenzo statue, Takayama should be there because Takayama and San Lorenzo are the symbols of Philippine Japanese Christianity. Both (are) martyrs, they are the bridge of understanding between our two countries. That’s the only way you can understand Japan, that’s the only way you can understand the Philippines,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Koshikawa na ang pananampalataya ni Takayama na patuloy na nabubuhay sa kanyang mga deboto ay kapansin-pansin at kumakatawan sa “very good friendship” sa pagitan ng Filipino at Japanese people.

“Even after more than 400 years still he’s in spirit and appreciated by the people living here,” he told reporters.I think this also represents the current very good relations or friendship between Japan and (the) Philippines. So (if it is) possible to ask Takayama what do you think of the current good relation between Philippines and Japan –now, the bilateral relation is described as closer than brothers. I think Ukon Takayama would be very much pleased to hear that,” dagdag niya. (PNA)

Si De Pedro at Koshikawa hawak ang maliit na estatwa ni Blessed Takayama. (Photo credits:  Joyce Rocamora)
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.