Itinakda ni PBBM ang limit ng presyo ng bigas sa buong bansa

0
195

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon na magpapatupad ng “mandated price ceilings” sa bigas sa buong bansa. Layon nito na tiyakin na resonable o makatuwiran ang presyo at may “conveniently accessible staple food” ang mga Filipino sa gitna ng naka-aalarmang pagtaas ng retail prices sa mga pamilihan.

Nauna rito, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 39, araw ng Huwebes, nakasaad na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang joint recommendation ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade of Industry (DTI) na magtakda ng price ceilings sa bigas sa bansa.

Ipinalabas din ito kasunod ng sectoral meeting noong Agosto 29, kung saan ipinaalam kay Pangulong Marcos ang kalagayan ng inisyatiba ng pamahalaan na tiyakin ang suplay ng bigas sa bansa.

Sa ilalim ng EO 39, ang ‘mandated price ceiling’ para sa regular milled rice ay P41.00 per kilogram habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay P45.00 per kilogram.

“The mandated price ceilings shall remain in full force and effect unless lifted by the President upon the recommendation of the Price Coordinating Council or the DA and the DTI,” ang nakasaad sa executive order, magiging epektibo sa oras na ilathala sa Official Gazette, o sa anumang pahayagan na may general circulation.

Ang rekumendasyon ng DA at DTI na magpatupad ng price ceilings sa bigas ay nag-ugat mula sa kasalukuyang pagsirit ng retail prices ng bigas sa bansa na nagresulta ng malaking “economic strain” sa mga Filipino, partikular na sa mga “underprivileged at marginalized.”

Sa sectoral meeting, iniulat ng DA ang projection nito na ang rice supply para sa second semester ay umabot ng 10.15 million metric tons (MMT), 2.53 MMT nito ay ending stock mula sa first semester habang 7.20 MMT ay ang inaasahang ani mula sa lokal na produksyon at tanging 0.41 MMT ay imported rice.

“The total supply would be more than enough to cover the current demand of 7.76 MMT and will yield an ending stock of 2.39 MM that will last up to 64 days,” ayon sa DA.

Base pa rin sa projection, nakasaad sa EO 39 na ang DA at DTI “have reported that the country’s rice supplies have reached a stable level and are sufficient owing to the arrival of rice imports and expected surplus on local production.”

Gayunman, nakasaad pa rin sa EO na “despite steady supply of rice, the DA and DTI have also reported widespread practice of alleged illegal price manipulation, such as hoarding by opportunistic traders and collusion among industry cartels in light of the lean season, as well as global events taking place beyond the Philippines’ control, such as the Russia-Ukraine conflict, India’s ban on rice exportation, and the unpredictability of oil prices in the world market, among other factors, have caused an alarming increase in the retail prices of this basic commodity.”

“As of Aug. 28,” iniulat ng DA na ang local regular milled rice sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) ay mula P42.00 per kilogram hanggang P55.00 per kilogram habang ang local well-milled rice ay nananatili sa P48.00 per kilogram hanggang P56.00 per kilogram.

Iniulat naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang rice inflation rate ay tumaas mula sa 1.0% noong January 2022 at naging 4.2% noong July 2023, “which could be attributed to the rising demand and tight supply due to, among others, efforts of other countries to buffer their supply in anticipation of El Niño and the above-mentioned international developments” ayon sa NEDA.

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DTI at DA na tiyakin ang mahigpit na implementasyon ng “mandated price ceilings, monitor at investigate abnormal price movements” ng bigas sa pamilihan at magbigay ng tulong sa mga apektadong retailers sa tulong ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Inatasan din niya ang Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang nagpapatuloy na inspeksyon at pagsalakay sa mga rice warehouses para labanan ang hoarding at illegal importation ng bigas sa bansa, at pangasiwaan at pabilisin ang “confiscation, seizure, o forfeiture” ng smuggled rice “as may be warranted by law” sa tulong ng DA.

Ibabahagi naman ng DA sa BOC ang mahahalagang impormasyon gaya ng inventory ng rice stocks, listahan ng accredited rice importers, at lokasyon ng rice warehouses.

Inatasan din ng Pangulo ang Philippine Competition Commission, sa pakikipagtulungan sa DA at DTI, na ipatupad ang hakbang at batas laban sa cartels o iyong mga umaabuso sa kanilang dominant position sa pamilihan para tiyakin ang “fair market competition” at paninidigan ang “consumer welfare and protection.”

Binigyan naman ng mandato ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies na tulungan ang DTI at DA na siguruhin ang agaran at epektibong pagpapatupad ng price ceilings sa bigas sa bansa.

Sa ilalim ng Section 7 of the Republic Act No. 7581, “the President, upon the recommendation of the implementing agency, or the Price Coordinating Council, may impose a price ceiling on any basic necessity or prime commodity in compliance with the conditions set by the law.”

“RA 7581, or the Price Act was enacted in 1992, allowing the state to provide effective and sufficient protection to consumers against hoarding, profiteering and cartels.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo