Mags Ripas, umalis sa corporate world at nagsimulang magbukid

0
592

Bawat tao ay may kanya kanyang istorya na tunay na kapupulutan ng aral maging ito man ay sa pang araw araw na buhay o sa pagsasaka. 

Siguro nakakarinig tayo sa mga Maritess tungkol sa mga  magsasaka na kumita ng maganda at mayroon din namang mga luhaan. Ang ibang magsasaka ay hindi na nag aani. Hinahayaan na lang mabulok sa puno o ibalik sa lupa at gawin ferlizer ang mga gulay dahil matatalo pa sa labor cost kung ito’y kanilang iha-harvest. Minsan ay bagsak na bagsak ang presyo ng gulay kaya nalulugi ang ating mga magsasaka.

Ano nga ba ang dahilan? Kung ating susuriin, maraming dahilan. Ito ang bibigyan natin ng pansin ngayon sa pag asang makakatulong tayo sa kapwa magsasaka. Kaya minabuti natin na mag interview ng isang may mayamang karansasan sa pagsasaka. Siya ay isang kaibigan na agripreneur. Magkukwento siya at magbabahagi ng kanyang journey sa pagsasaka.

Si Maria Magdalena Refran Ripas ay 56 taon gulang na tubong Alaminos, Laguna. Naninirahan siya ngayon sa Dolores, Quezon. Dati siyang Sales and marketing  sa Silicon Valley pero nag focus siya sa pamilya at mga anak niya simula noong 1991.

Maganda ang journey ni Mags sa farming. Nagsimula siya sa farming ang noong 2015. Ito ng taon na natapos ang training sa Kabalikat Sa Kabuhayan Training Program kung saan ang farm ni Mags ay naging demo farm ng SM foundation. May mga naiwan sa kanya ang mga facilities at ito ay ipinagpatuloy niya. Tinawag niya itong Encarnacion Farm na hango sa pangalan ng kanyang lola.

Sa unang yugto ng kanyang buhay magsasaka, naibahagi nya na nagkaroon siya ng pangamba na baka hindi siya umunlad. Una ay dahil kakaiba ang mga tanim niyang gulay at hindi kilala sa market. Noong una ay ipinamimigay lamang niya ang kanyang ani. Dahil sa prinsipyo ng farming walang nagtanim na hindi nag-ani. Nakakatuwa dahil yung mga taong alaga niyang bigyan ng ani noon ay sila ang mga naging mga unang naging customers nya. 

Sa aming kwentuhan nabanggit nya na kapag farmer ka, kalimitan mahirap dahil hindi sapat ang kita. Pag Coconut farmer maghihintay ka ng 45 days bago magbuko. Kung rice farmers 3-4 months. Sa pagitan ng mga buwan na iyon, anong kakainin ng ating mga magsasaka habang hindi pa naghaharvest. Kaya kailangan ay market driven ang pananim kagaya ng Lettuce. 

Ang taniman ni Mags ng Lettuce ay 500 sq. meters na may 15-16 plots. Hinahati nya ito sa apat. Every week ay nagta transplant,  nagpupunla at naga harvest kaya linggo linggo ay may kita. Sa bawat plot kumikita sya ng 2 thousand. Dahil hinati sa apat. Kada linggo may 3 plots syang hinaharvest kaya kumikita sya ng 6 thousand linggo linggo. Sa loob ng isang buwan ay Php24,000 ang kita sa lettuce pa lang.

Bakit may mga magsasaka na nalulugi o mahina kita. Isa sa mga dahilan ay dahil ang ating mga traditional farmer nagtatanim muna sila bago humanap ng market. 

Mahalaga unag i-develop ang market bago magtanim, ito ang payo ni Mags. 

May advantage ang mga makabagong magsasaka natin dahil mas bukas ang isip nila para mag attend ng mga trainings at magkaroon ng mga makabagong kaalaman. Sa aming pag uusap naulit nya ang kahalagahan ng Agro- entrepreneurship. Tungkol ito sa agriculture at entrepreneurship at sa pagnenegosyo. Ang agro-entrepreneurship ay brainchild ng Agrarian Reform at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung saan ang ating mga mga magsasaka ay tinutulungan at tinuturuan ng mga kaalaman sa pagnenegosyo.

Ini-expose ang ating mga farmers sa mga potential buyers o market. Tinutulungan silang maghanap muna ng market. Itinutro sa kanila na huwag munang magtanim hangga’t  wala pang buyer. Ito ay upang maiwasan din ang pambabarat ng mga traders. 

Mahalaga ang collective marketing, sabi pa ni Mags. Sa collective marketing na binubuo ng 10-15 na magsasaka, makakapag demand sila ng presyo. 

Ipinapayo din niya na mahalagang kumuha ng organic agriculture NC2 ang bawat household. Mahalaga ang gulay sa ating katawan para humaba ang ating buhay.Mahalagang magtanim tayo ng mga gulay sa ating bakuran para makatulong tayo sa food supply chain. Kahit talbos lang ng Kamote o talbos ng Sili ay mabuting meron tayong tanim sa tabi ng ating bahay.

Nais niyang gisingin ang “the farmer’s in you” at  ang “the farmer’s in us.” Dahil isa siyang halimbawa ng nagising ang pagkamagsasaka noong umalis siya sa corporate world at pumunta sa pagsasaka at naging matagumpay.

“Mas maaga pa ay simulan na natin habang kaya pa ng tuhod. Alalahanin natin farming is a business and farming is an enterprise kaya kung may lupa din lang tayo, imaximize natin at i-utilze para sa pagkakaroon ng magandang buhay sa pagsasaka,” dagda pa ni Mags.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.