Mandatory face mask rule ipinatupad sa Quezon

0
426

LUCENA CITY, QUEZON. Ipinatupad ni Quezon Governor Dra. Angelina Tan ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa buong lalawigan sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 at iba pang sakit tulad ng influenza (ILI) sa buong bansa.

Batay sa kanyang Executive Order No. DHT-60 na inilabas noong Disyembre 27, iginiit ni Gov. Tan na obligado ang lahat na magsuot ng face mask sa loob ng mga gusali at sa mga outdoor na lugar kung saan hindi magagawa ang physical distancing.

Ang memorandum ay naipost ng Quezon Provincial Health Office (QPHO) sa kanilang Facebook page, na naglalaman ng mga detalye hinggil sa mga kondisyon at lugar kung saan kinakailangan ang pagsusuot ng face mask.

Ang hakbang na ito ni Governor Tan ay alinsunod sa ulat ng Department of Health hinggil sa pagtaas ng kaso ng acute respiratory infection, kasama na ang COVID-19, sa panahon Kapaskuhan.

Ang mga residente ng Quezon province ay hinikayat na sumunod sa ipinatutupad na regulasyon para sa kaligtasan ng kanilang komunidad.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.