Nagbibigay ng value sa negosyo ang pantay na playing field

0
452

“They (PUV drivers) don’t buy from Petron, Shell, Chevron, if at all they buy a little, perhaps so they can get a receipt. They buy in bulk from the new players because these companies are very ‘efficient’ and have very low overhead cost and are able to sell, on average, P10 cheaper than us. Do’n na sila bumili,” Ito ang sinabi ni Ramon Ang, Chief Executive Officer at Executive Director ng Petron kailan lang.

Inaalok na ni Mr. Ang sa gobyerno na bilhin na nito ang Petron kung sa tingin nito ay pagkakakitaan nila ito. Sa pagitan ng mga linya ay tila sinasabing “kumilos naman kayo at ayusin ninyo ang isyung ito.”

Alam nating lahat na sa commerce, ang level playing field ay isang konsepto ng fairness. Hindi lahat ng player ay may pantay na tsansang magtagumpay pero lahat ay nakabubuting maglaro gamit ang iisang set of rules.

Nalugi ang Petron ng 18B noong isang taon sa panahon ng kalupitan ng pandemic.

Hindi lang si Mr. Ang na boss ng San Miguel Corporation ang tinatalo ng maliliit na players.

Sa food delivery na lamang kung titingnan natin ay talo din ang big players.

Ang kaibigan kong si Sherwin Velasco halimbawa na may ari ng Wen Tan Food Haus ay pumasok din sa online selling ng kanyang restaurant food sa onset ng pandemic. No choice.

Si Sherwin ay nagbabayad ng annual mayor’s permit, monthly BIR report, FDA license at iba pang requirement sa food business. Bukod pa ang gastos sa personalized packaging. Syempre ay kailangan ding bawiin ang ipinagpagawa ng restaurant grade kitchen at mga kitchen equipment.

Mula noong pumutok ang epidemya, dumami ang maliliit na food delivery businesses. Napakaraming mapagpipilian sa online selling ng ulam, meryenda, pulutan, refreshment at kutkutin. Marami dito ay home cooked na pagkain na sa kanya kanyang kusina lang niluluto. Hindi lahat ay sumusunod sa Department of Trade and Industry na mag rehistro ng company name at hindi rin lahat ay kumuha ng mayors permit at iba pang kaukulang permit at higit sa lahat ay mayroon ding mga hindi nagbabayad ng buwis. Lalo na ang mga hindi kasali sa mga buy and sell pages sa Facebook.

Hindi naman natin sila tinutuligsa. Natutuwa naman tayo dahil maraming kumikita kahit may epidemya. Gusto ko lang ipakita na kahit sa hanapbuhay ay talo ni David si Goliath, gaya ng nangyari sa higanteng si Mr. Ang.

Dahil maliit o halos walang overhead ang maliliit na negosyo, nakakapagbaba sila ng presyo laban sa malalaking negosyante na namuhunan ng malaki at tapat sa BIR.

Sa ngayon, ang labanan ng malalaki at maliliit na online food business ay nasa pasarapan na lang. Kung masarap ang tinda mong pagkain, maraming oorder sa iyo. Bukod dito, ay walang proteksyon ang mga legitimate na player sa food industry.

Marahil ay kailangang maging aktibo ang mga kinaukulang ahensya ng pamahalaan sa pagre regulate ng mga negosyo hindi lang sa online selling ng lutong pagkain kung hindi sa lahat ng uri ng industriya. Lahat ay magiging masaya kung gagawing parehas ang mga playing field. Mas gaganda ang takbo ng ekonomiya dahil tataas ang productivity, lalawak ang economic opportunities, lalaki ang tunay na income ng tao at pagagandahain nito ang overall welfare.

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.