Thursday, April 24, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 606

Unang full electric security vehicle, inilabas ng CALAX

0

inilabas ng MPCALA Holdings Inc. (MHI), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), ang kauna-unahang fully electric security vehicle ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX).  

Hakbang ito ng toll road company tungo sa layunin nitong gawing ‘green highway’ ang CALAX. Plano ng  kompanya ang palitan ng electric vehicle (EV) ang lahat ng service vehicles nito sa CALAX. Nauna na rito ang paggamit ng MHI ng electric bus bilang pang araw-araw na shuttle service ng mga empleyado nito. Nakatakda ring mag lagay ng EV charging stations ang MHI sa kahabaan ng CALAX para na rin sa mga naanggit na electric vehicles.  

“Ang mga lumang security at patrol vehicles sa CALAX ay unti-unti naming pinapalitan ng electric vehicles. Ito ay sa dahil ang EV ay naglalabas ng mas mababang carbon footprint kumpara sa tradisyonal na internal combustion engine vehicles. Ito ay isa sa mga hakbang na aming isinasagawa bilang aming bahagi sa pagde-decarbonize ng transport sector ng bansa. Ito rin ay alinsunod sa  hangarin ng bansa na mabawasan ang ating fossil fuel consumption kasabay ng sustainable development,” ayon kay Christopher C. Lizo, Metro Pacific Tollways Chief Finance Officer and Senior Executive Sponsor for Sustainability.  

Ang bagong EV ng CALAX ay mula sa eSakay, isa sa mga subsidiary ng Meralco na gumagawa ng end-to-end EV at charging infrastructure solutions.

Visitor-ready tourism circuits sa Calabarzon, binuksan ng DOT

0

Inilunsad noong Sabado ng Department of Tourism (DOT) ang inaabangang Green Corridor Initiative (GCI) na mag-uugnay sa mga nangungunang “visitor-ready” na mga destinasyon sa rehiyon ng Calabarzon (4-A).

Limang tourism circuits sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon ang ipinakilala ng DOT Region 4-A.

Sa Cavite, itatampok sa Metro Tagaytay Tourism Circuit ang Tagaytay City, Silang, Alfonso, at Maragondon, na may pagtutok sa kalikasan, kalusugan at kagalingan, at farm tourism.

Ang SaRiLiNa Tourism Circuit ng Laguna, sa kabilang banda, ay nagtatampok sa mayamang ecotourism na inaalok ng lalawigan mula sa maringal na talon, protected forest areas hanggang sa mineral at cold springs. Kasama sa circuit na ito ang San Pablo, Rizal, Nagcarlan, at Liliw.

Kinumpleto naman ng Nasugbu, Calatagan, Taal, at San Juan ang Bayside Tourism Circuit ng Batangas na nakasentro rin sa nature at adventure ngunit may pagtuon sa mga kakaibang bayan sa tabing-dagat ng lalawigan at magagandang dive spots.

Samantala, ang circuit ng Rizal ay naghahangad na mag-alok sa mga turista ng pananampalataya, pagkain, sining, nature at adventure. “Sa pamamagitan ng pagbisita sa Antipolo, Angono, Taytay, at Cainta, sinabi ng DOT na ang mga bisita ay magkakaroon ng “touch base with nature without losing touch with the finer points of urban living.”

Ang REINA Tourism Circuit ng Quezon ay isang adventure detination, kung saan ang Real, Infanta, at General Nakar ay nangangako ng mga atraksyon para sa lahat ng uri ng manlalakbay maging ito ay isang nature tripper, adrenaline junkie o history buff. Sa Real pa lamang ay makakaranas na ang mga bisita ng river tubing o surfing sa Tignoan Beach, isa sa pinakamalapit na surfing spot sa Metro Manila.

“We really want to help destinations that are ready to receive guests. We are ready that’s why we invited local tour operators to craft packages that are affordable to domestic tourists,” ayon kay DOT Calabarzon director Marites Castro sa isang interview.

“Ang kaibahan nito sa ibang (Its difference to other) tourism product is it’s really a combination that has nature, history, culture, and adventure. Since the tourism circuits that we identified have outdoor destinations, it really is safe for tourists,” dagdag pa niya.

Mula sa mahigit 61 milyon noong 2019, bumaba sa 12.02 milyon noong nakaraang taon ang pagdating ng mga turista bilang epekto ng pandemya sa industriya ng turismo sa rehiyon.

Umaasa si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sa kanyang bahagi na ang GCI ay magtutulak sa leisure travel at magsisimula sa pagbangon ng rehiyon.

“The DOT is repositioning the Philippines as a safe, fun, and competitive tourism destination following the pandemic. The Provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon are certainly prime examples of exciting destinations that are easily accessible from the National Capital Region,” ayon sa kanya.

Sinabi ng DOT na lahat ng mga bayan na tinukoy sa GCI ay bukas para sa lahat ng edad basta’t sila ay nabakunahan na.

PH umutang ng $100-million sa Korea para sa pagbabakuna laban sa Covid-19

0

Nilagdaan ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sa ngalan ng Pamahalaan ng Pilipinas, at Country Chief Representative Jaejeong Moon ng Export-Import Bank of Korea-Economic Development Cooperation Fund (KEXIM-EDCF), sa ngalan ng Gobyerno ng Korea, ang US $100-million ng ikalawang yugto ng Program Loan para sa COVID-19 Emergency Response Program-Vaccination Program (PLCERP II).

Kasama nina Secretary Dominguez at KEXIM-EDCF Country Chief Representative Moon sina Ambassador of Korea to the Philippines Kim In-chul, Finance Undersecretary Mark Joven, at Finance Assistant Secretary Ma. Edita Tan.

Tutulungan ng PLCERP II na matiyak ang pananatili sa pananalapi at punan ang kakulangan sa badyet sa pagpapatupad ng pambansang programa ng pagbabakuna sa COVID-19 ng Department of Health (DOH). Ang loan ay idinisenyo upang suportahan ang pagpapatupad, pagsubaybay, at pamamahala ng patuloy na inoculation drive.

OFW, nagbigiti matapos malamang may kalaguyo ang asawa

0

Victoria, Laguna. Nagbigti ang isang OFW matapos malamang may kalaguyo ang kanyang asawa sa Sitio Lobo, Barangay San Roque, bayang ito.

Kinilala ng mga imbestigador ng Victoria Police Station ang biktima na si Lenylyn Herradura Obiniana, 36 anyos, may tatlong maliliit na anak, anim na taon ng OFW at regular na nagpapadala ng pera sa pamilya.

Ayon sa panayam ng Tutubi News Magazine sa pamilya ng OFW, diumano ay matagal ng alam nito ang katotohanang may kalaguyo ang kanyang mister ngunit ipinagsasa walang bahala nito upang huwag maapektuhan ang kanyang trabaho.

Kahapon ay inaya nito ang asawa na mananghalian sa bahay ng mga magulang ngunit diumano ay nakita doon ng OFW ang kalaguyo ng kanyang asawa. Nagkaroon ng matinding pag aaway ang dalawa hanggang sa umalis at umuwi si Lenylyn sa kanilang bahay at nagkulong sa kwarto. Bandang 6:00 ng hapon ay inutusan niya ang kanyang mga anak na bumili ng meryenda ngunit pagbalik ng mga bata ay nakita nilang nakabitin na ang ina at wala ng buhay, ayon sa report.

Si Lenylyn ay nakatakdang sanang bumalik sa kanyang trabaho sa Dubai sa Enero 11, 2022.

Binatilyo hinabol ng aso tumalon sa ilog, nalunod

0

Silang, Cavite. Nalunod sa ilog ang isang 14 anyos na binatilyo matapos siyang mag dive dito sa pag iwas na kagatin ng aso, sa Brgy. Litlit, bayang ito.

Kinilala ang biktima na si John Emerson Basilan,estudyante sa Grade 9 at residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Menervin Castillo ng Silang Police Station,  bandang 6:00 ng hapon kamakalawa ay nakikipaglaro ng taguan ang biktima sa kanyang mga kapitbahay ng aksidenteng malapitan nito ang isang nakataling aso. Nakawala ang aso at hinabol ang binatilyo at sa pag iwas ay tumalon ito ilog at nalunod.

Sinagip ng kanyang lolo ang biktima at isinugod ito sa ospital ngunit habang ginagamot ay binawian ito ng buhay.

MPTC launches ‘2022 Happy Holideals’ holiday promo

0

Here’s another reason why you must travel via any Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) toll roads this holiday season!

MPTC, the toll road development arm of Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), today launched the ‘2022 Happy Holideals’ holiday promo for all Easytrip RFID account holders, with up to P4-million worth of raffle prizes to be given away. 

Registered individual Easytrip RFID account holders plying MPTC’s toll roads — North Luzon Expressway (NLEX); Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX C5 Link, and the Cavite-Laguna Expressway (CALAX) — during this holiday season will have a chance to take home one of two brand-new Geely Okavango Urbans.  Twenty winners will also win Php 100,000 each. 

“In spite of the challenges that the pandemic brought to us over the past year, we hope to give our motorists a delightful holiday experience by providing this ‘holideals’ with extravaganza-full prizes,” said MPTC president and CEO Rodrigo Franco, adding that, “this is also our way of encouraging toll road users to use our Easytrip RFID for faster transactions and, it being cash-less, help stay protected against the emerging COVID-19 variants”.

To qualify, motorists must ensure that their RFID accounts are registered.  They may visit  https://mptc.outsystemsenterprise.com/EasytripRegistration/SeRF to check their registration status. Motorists are also required to have at least one passage in any of the MPTC toll roads starting 12:00 AM of December 20, 2021, up to 11:59 PM of January 1, 2022, and must maintain a positive Easytrip RFID load balance during the promo period.

Cash payers are encouraged to install Easytrip RFID stickers in any Easytrip station, in order to qualify for the promo.

MPTC clarified that each motorist is eligible to win only once. The raffle draw will be held on January 3, 2022 and winners to be announced on January 06, 2021 in MPTC’s Facebook accounts (@NLEXexpressways, @cavitexpressway, @OfficialCALAX) and Easytrip Services Corporation (@easytripPH) official Facebook account. 

Visit https://www.easytrip.ph/2022happyholideals/ for complete details. Promo runs from Dec. 20, 2021 – Jan. 1, 2022. Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-133862 Series of 2021.

MPTC is the biggest tollway builder and operator in the Philippines. Aside from NLEX, SCTEX, CAVITEX, CAVITEX C5 Link, and CALAX, it also holds the concession for the upcoming Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) in Cebu. 

DTI-Laguna, Vista Mall Santa Rosa nagbukas ng OTOPasko Atin ‘To! Grand Provincial Trade Fair

0

Sta. Rosa City, Laguna. Nakipagtulungan ang Department of Trade and Industry-Laguna sa Vista Mall Santa Rosa at nagpasimula ng OTOPasko: Atin ‘To! Grand Provincial Trade Fair na bukas publiko mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 19, 2021.

Tinipon ng grand trade fair ang pinakamahusay at mga kampeon na mga produkto ng Laguna mula sa mga produktong pagkain, wearables, handicrafts at mga wellness products. May kabuuang tatlumpu’t dalawang MSMEs na natulungan sa ilalim ng OTOP Next ang magpapakita ng mga produkto at mga prototype na binuo sa ilalim ng ng Gen Program sa ilalim ng nabanggit na programa mula Batch 2017 hanggang 2021.

Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga natatanging panauhin na sina Senator Cynthia Villar, Santa Rosa Mayor Arlene Arcillas, na ikinakatawan ni City Administrator Atty. Leonardo Ragaza, Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office OIC Ms. GinaAustria, DTI-ROG Asec.  Dominic Tolentino, DTI-EMB Dir. Christopher Arnuco, DTI-4A RD Marilou Q. Toledo, DTI-Laguna PD Clarke Nebrao, DTI Office of the Secretary consultant, G. Jorge Wieneke at Ms. Jenny Wieneke, G. Danzel Fernandez. Ipinakita rin ng mga provincial directors mula sa ibang probinsya ng CALABARZON ang kanilang suporta. Dagdag pa rito, nasaksihan ng mga kaugnay na stakeholder ang pagbubukas ng nasabing trade fair kasama ang mga negosyante na naging bahagi ng 2021 Batch para sa OTOP Next Gen Program.

 “I believe that entrepreneurship is the key to economic freedom,” ayon sa mensahe ni Senator Villar.

Ang OTOPasko: Atin ‘To Grand Provincial Trade Fair ay bahagi ng promosyon sa kalakalan at mga aktibidad sa marketing ng DTI Laguna sa pakikipagtulungan sa City Government of Santa Rosa at sa Vista Mall Santa Rosa.

Layunin ng  OTOP Next Gen Program na ilantad ang mga MSME sa lokal na pamilihan at palawakin ang kanilang mga negosyo upang makamit ang mas progresibong ekonomiya ng Pilipinas.

Betting station ng online sabong, hinoldap

0

Magallanes, Cavite. Hinoldap ang isang betting station ng online sabong na Pitmaster sa bayang ito kamakailan at natangay ag halagang Php 270,000.

Ang suspek na holdaper na kinilalang s Michael Hernandez ay kasalukuyang tinutugis ng mga miyembro ng Magallanes Police Station.

Ayon sa paunang report ng Magallanes PNP investigations division, diumano ay nagbibilang ng pera ang kahera ng nabanggit na betting station na kinilalang si Jezza Luna ng biglang pumasok sa cashier’s booth ang suspek at tinutukan siya ng baril. Ayon sa salaysay ni Luna, inutusan pa siya nitong ilagay sa isang eco bag ang pera.

Paglabas ng suspek ay nasalubong nito ang supervisor ng online sabong na kinilala namang si Ebenezer Lazarte na tinutukan din ng baril at kinuha ang bag na dala nito na naglalaman ng kabuuang kita ng sabong sa araw na iyon.

Batay sa mga salaysay ni Lazarte, humigit kumulang na Php 270,000 ang kabuuang halaga ng perang natangay ni Hernandez. 

Si Hernandez ay regular na mananaya sa hinoldap na betting station at diumano ay madalas itong matalo, dagdag pa ni Lazarte.

Photo credits: Putakputak.com

San Pablo City, nakapagbakuna ng 15,196 doses sa tatlong araw na NVD Part 2

0

San Pablo City, Laguna. Nakapagbakuna ng 15,196 na indibidwal ang lungsod na ito sa katatapos lang na ikalawang National Vaccination Days (NVD) noong Disyembre 15-17, 2021.

Sa kabila ng mga pag ulan na dulot ng bagyong si “Odette,” nalampasan ng nabanggit na lungsod ang 1,800 vaccinees kada araw na itinakda ng Department of Health (DOH).

Ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho, nagtakda ang DOH sa nabanggit na lungsod na hindi bababa sa 1,800 na indibidwal ang dapat mabakunahan kada araw sa loob ng tatlong araw na NVD Part 2.

“Magpapatuloy pa rin ang ating walang humpay na pagbabakuna upang makamit ang hangad na population protection o herd immunity laban sa bantang panganib ng iba’t ibang variants ng Covid. Sa atas po ni Mayor Amben Amante ay hindi po tayo titigil at lalong hindi magsasawang magsakripisyo para sa kaligtasan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Dr. Lee Ho.

Calamba National Highway: binaha, mahigpit ang daloy ng trapiko

0

Binaha ang kahabaan National Highway sa Purok 6 Brgy. Bucal sa Calamba City dahil sa patuloy na malakas na pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong si Odette.

Mabagal ang daloy ng trapiko sa nabanggit na national highway. Pinapayuhan ang mga motorista na mag ingat o magpatila muna ng ulan bago maglakbay patungong Calamba City o Metro Manila.