Kasisimula pa lamang ng Mass Vaccination Program ay nagdeklara na sina San Pablo City Mayor Amben Amante, City Administrator Vicente Amante at City Health Officer James Lee Ho na ang Pasko 2021 ay magiging masaya sapagkat magiging matagumpay ang programang ito.
Marso 15, 2021 ang petsa ng unang araw ng pagbabakuna ng lokal na pamahalaan. Ang naging recipients ng programa ay A1 priorities o healthcare workers mula sacpampubliko at pribadong sektor.
Aaminin ko na ako man ay nag alinlangan kung maisasakatuparan nga ba ang sinabi ng tatlong opisyales ng San Pablo?
Noon ay wala pang katiyakan ang supply ng covid-19 vaccines na kailangang maiturok sa 70% populasyon ng lungsod upang maabot ang herd immunity. Kahit may inilaan na pondo na pambili ng vaccines ay hindi pala pwedeng makabili dahil kontrolado ito ng World Health Organization at mga national government. Bukod pa dito ang katotohanang napakaliit ng ating annual budget at hindi naman ganon karami ang tauhan ng City Health Office. Sa isip ko ay para yatang suntok sa buwan ang pangarap na ito.
Ngunit lahat ng pag aalinlangan ko ay napawi. Dahil sa husay ng paghahanda at pakikipag ugnayan sa national government ay umanod ang sapat na supply upang agad mabakunahan ang A1, A2 at A3 priorities. Nakiisa ang lahat ng pribado at publikong pagamutang sa lungsod, ang mayoryang mamamayan at kalaunan pati religious sectors ay nakilahok na rin.
Nalampasan ang ibang mauunlad na lungsod sa Laguna kung bakunahan ang pag uusapan. Dahil nasanay agad ang vaccination teams ay nagtatag ng ordinary at ultra-low freezers upang gamiting cold storage ng vaccines. Dito tayo unang nakaungos sapagkat mas maraming natatanggap na vaccine supplies kung may kumpletong cold storage at kung may sapat na kahandaan ang isang local government unit.
Napakarami kung babanggitin lahat ang kapuri puring nagawa ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City. Dahil dito ay makararanas ng tunay na Maligayang Pasko 2021 ang kanyang mamamayan. Ang tanging kong masasabi ay salamat, salamat, salamat po!
Kung walang magpapa-bully, walang mambu-bully, ayon sa konseptong napalawig mula sa kaisipan ni Jose Rizal. Ang mga Kastila, mga Amerikano, at mga Hapon ay may kasaysayan ng makalumang pambu-bully o pagmamaltrato at pagmamalabis laban sa mga Pilipino sa paraang mapanakop. Ngunit sa makabagong panahon, hindi alintana na mapanakop na rin ang mga galaw ng Tsina sa Pilipinas at iba pang bansa.
Walang press freedom sa Tsina, sapat para mapaniwala ang mga Tsino na inaapi sila ng iba. Sila ngayon ang numero unong agresibo sa mapansakop na aktibidad. Binabalasubas na nila ang teritoryo ng Pilipinas sa pagpapalawak nila ng kapangyarihang pang ekonomiya at pang militar sa West Philippine Sea. Sakop daw ito ng South China Sea, isang lantarang pambabastos sa UNCLOS at sa desisyon ng tribunal nito na pumabor naman sa Pilipinas. Dagdag pa sa problema ang kawalan o hindi malinaw na independent foreign policy dahil sumobra sa pakikipagkaibigan sa Tsina si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Saligang Batas, ang Estado ay dapat mag obserba ng amity (tamang timpla ng pakikipagkaibigan) sa lahat ng bansa. Kung bakit sobrang paborable ang administrasyon niya sa Tsina ay walang nakakaalam. Paano na ang ugnayan sa ibang bansa?
Hindi naman pakikinggan ng gobyerno ni Xi Jinping ang malayang mamamayan ng Pilipinas kundi yung counterpart niya lang na lider. Ganoon din ang gagawin at ginagawa ng Chinese fishers at ng Haijing. Sa kasawiang palad, nalalahat o generalized na mapang sakop ang Mainland China at mga tao nito. Nanganganak naman ng samo’t sari ngunit lehitimong usapin sa kagutuman, agrikultura, at mismong soberanya ng Pilipinas ang agresibong pamamalakad ni Xi. Kung may barumbadong tugon man kamakailan si Pangulong Duterte, huli na ang lahat dahil malinaw ang defeatism o talunan na mentalidad ng Pangulo sa pakikisalamuha kay Xi. Patuloy na lalabanan sa mga pahina ng dyaryo at sa pag-ere ng opinyon sa TV, radyo, at social media ang Tsina, ngunit hindi basta-basta maisasalba ng malayang Pilipino ang soberanya ng bansa kung talo na agad sa palakad ng nagpapaapi at nagpapalokong administrasyong Duterte.
Kilala mang masisipag at masasayahin sa mundo, ang mga Pilipino’y nasa bingit ng alanganin sa dusa sa ekonomiya. Palala ng palala ang datos sa kagutuman at kawalan ng maayos na hanap-buhay ang mga tao. Naungusan ng mga karatig-bansa ang Pilipinas sa pagnenegosyo, pagpapaunlad, at reporma sa pamamalakad ng pamahalaan, dahilan upang umutang nang umutang ang bansa mairaos lang ang mga programa sa ekonomiya at pagpapaunlad. Pinakahuling ebidensya ng pagiging kulelat ay kitang kita sa government’s COVID-19 response (o kawalan nito). Huling nakatanggap ng bakuna, huling nagsara ng border, huling huli sa siyensya at medisina. Pati ang pananalapi sa pampublikong kalusugan, pinadapa ng tila walang kasanayan na mga tao sa DOH at IATF. Ang mga pag-ere sa gabi at hatinggabi ni Presidente Duterte ay tinututulan ng communication scholars at bandang huli, napakaliit ng kontribusyon ng mga briefing niya kumpara sa kalituhan sa implementasyon na dulot ng kanyang kawalan ng mataas na pamantayan sa komunikasyon sa madlang humaharap sa napakalalang kagutuman, pagkakasakit, at pagkamatay.
Bunsod ng 911 attacks, pinaigting ng Estados Unidos ang kampanya laban sa terorismo. Nagsunuran dito ang iba’t ibang mga bansa, kabilang ang Pilipinas. Naging madali sa mga mamamayan ang maunawaan ang kahalagahan ng anti-terror activities ng militar at pulisya. Naramdaman din ng security guards ng mga pribadong institusyon ang kooperasyon ng mga tao sa pangangapkap at limitadong paghahalughog ng kanilang pribadong gamit bago papasukin. Ngunit dumating ang panahon ng complacency at maraming bala ang nasayang, dugong dumanak, at pamilyang nasira. Upang hindi maulit ang mga ito, minarapat ng Kongreso ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020 at dalawampung taon matapos ang pinakamalalang pag-atake ng Al-Qaeda, ang ATA ay inaasahang magpapatahan sa mga terorista at mga kahanay na organisasyon na maghasik ng lagim. May problemang legal: May dalawang probisyon ang ATA na labag sa Saligang Batas sa bagong deklarasyon ng Korte Suprema nito lamang Disyembre 2021. Kung tutuusin, dahil sa masigasig na press, may ideya na ang Kongreso na problemado ang ATA noong panukalang batas pa lamang ito. Palibhasa, namumuo ang awtoritaryanismo na populistang punong ehekutibo sa Malakanyang, pinilit pa rin ang ATA at nilagdaan niya rin noong nakaraang taon. Ito’y isa sa polisiyang maituturing na hindi napag-aralan nang husto at sa hindi inaasahang pagkakataon, ang delay sa pagpapatahimik sa terorismo sa loob ng dalawampung taon ay lalo pang na-delay. Madaling sabihing may police power naman ang Estado, ngunit hindi sapat ang mga pinanghahawakan mandato ng ibang ibang ahensya ng pamahalaan sapagkat, si Pangulong Duterte na mismo ang nagsabi noong 2016, nawalan na ng mataas na pagtitiwala ang mga tao sa pamahalaan. Mistulan nga siyang bayani kung gayon sa kanyang pananalita, ngunit hindi rin ito nakita ng taumbayan sa gawa. Ang pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra-droga ay di naglaon idineklara rin ng Pangulong hindi matagumpay noong 2020 at nauulit pa ang mga kahanay na pronouncement ng bigong “tagapagligtas” ng mga botante ng 2016 sa taong ito. Mabuti na lamang daw na sa mga pangako ng dating matagal na alkalde ng Davao City, “marami namang natupad.”
Matapos ang makasaysayang rebolusyon sa EDSA noong 1986, naipagmalaki na naman ng bansa sa buong mundo ang mapayapang paraan ng pakikipaglaban sa inaakala nitong tama nang panigan ito ng UNCLOS sa pag-angkin sa West Philippine Sea at talunin sa desisyon ang malaki at makapangyarihang bansa – Tsina pa rin bago maluklok na Pangulo si Mayor Duterte. Naging mahinang mahina naman ang brand of leadership ng chief architect ng foreign policy at hindi lang iyon, talagang mas gusto daw niyang makipag transaksyon sa Tsina at unti-unting ayawan, huwag papormahin, at huwag pansinin ang Amerika sa kabila ng napakagandang relasyon nito sa Pilipinas sa mahabang panahon. Ang Pilipinas ngayon, sa katauhan ng Pangulo, ay merong hindi magandang pagtingin sa pandaigdigang komunidad dahil mismong prosecutor sa International Criminal Court ang nakakita ng dahilan para siyasatin ang madugong giyera sa droga ng pamahalaan na yumurak sa karapatang pantao ng libo-libong mamamayan nito. Nagma Manifesto ang extrajudicial killings (EJK) sa problema ng hindi sapat na police power. Pinalawig man ng mga batas, nagpaka barumbado man ang Commander in Chief, bigo ang Pilipinas sa Declaration of Principles and State Policies nitong magbigay ng full employment, papataas na pamantayan ng pamumuhay, at pinahusay na kalidad ng buhay; sa maikling salitang konstitusyunal, bigo itong “palayain sa kahirapan ang mga mamamayan.”
Sumisimbolo naman ng pag-asa ang Nobel Peace Prize ni Maria Ressa, kauna-unahan sa Pilipinas, pag-asang darami pa ang world-class na talento at mapagkakatiwalaang tagapagtaguyod ng katotohanan basta’t mabigyan lamang ng pagkakataon sa kanyang mga karapatan at kalayaan. Mahirap pag-usapan ang kahirapan, kapayapaan, at paglaban sa karahasan, kung hindi malaya (na may responsibilidad at akawntabilidad) ang mga mamamayan lalo na ang mga mamamahayag. Alam ito ng mga lider ng iba’t ibang paniniwala. Nais ng Diyos na makilala Siya bilang Diyos ng Katarungan at Pagbabalik-loob. Gumagamit Siya ng mga indibidwal at institusyon upang ang mga walang boses ay mapakinggan, ang mga naaapi ay madepensahan, ang mga naghihikahos ay maiahon, ang mga apektado ng kaguluhan ay maging mapayapa sa Kanya at para sa Kanya. Bagamat pinag-uutos Niya ang pagsunod at kooperasyon sa pamamalakad ng mga hari, pangulo, prime minister at sinumpaang governing authority, nais din Niyang Siya ang sundin sa oras na may mali sa kanilang pamamalakad. Ilang rehimen na ng mga pangulo at ilang indibidwal na ang sumobra sa paghahari-harian na mismong Diyos ang nagbigay-daan sa kanilang pagguho at huwag nang maalipusta ang kanilang mga nasasakupan.
Kaya napakahalaga ng karunungan at ang pagpapalalim nito. Sagot ito sa isa na namang makabagong paraang mapanakop o hegemonic Western knowledge. Sila lamang daw sa dakong kanluran ang magagaling at matatalino batay sa bilang ng mga scholarly journals at sa bilang ng mga manunulat. Taliwas ito sa tunay na diwa ng pagkakapantay-pantay. Hindi na nga mapaiksi ang puwang ng mayayaman sa mahihirap, ganoon pa rin ba sa mahihirap na mga bansa at sa maliliit na salapi kontra dolyar ng Amerika at euro sa mga bansa sa Europa? Kung idaragdag diyan ang “karunungan” nila, iyo’y maituturing na mapanakop. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang lengguwahe, nababalewala ang kultura at karunungan ng mga katutubo o indigenous people, natatabunan ang natural na ganda ng kanilang lahi at ang mga kinakatawan ng kanilang lahi. Katuwang ang Philippine International Studies Organization ng mga mulat na indibidwal at institusyon sa pagpapamulat sa mundo na ang lahat ng sulok, hindi lang West, ay may angking dunong ngunit kapos sa pagkakataon. Ang pagwawakas ng dominasyon sa mapanakop na karunungan ng mga nasa kanluran ay isa sa pinakabagong adbokasiyang akademik. Bagamat malayo pa, mismong ang akademik ay may mga pag aalinlangan na kayang gawin ito sa malalaking bansa at malalaking pangalan ng mga pamantasan at iskolar, may pag-asa pang maisulong ang pagwawakas nito nang sa gayon, kikinang ang local knowledge, maririnig, at madarama ng mga tao sa aplikasyon ng dunong nila mismo.
Juan Luna, Spolarium. Wikimedia Commons, the free media repository.
Iniulat ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang dalawang imported na kaso ng Omicron (B. 1.1.529) na Variant of interest na nakita mula sa 48 na mga sample na na-sequence kahapon, Disyembre 14, 2021.
Bukod sa dalawang kaso ng Omicron na ito, mayroong 33 na positibo para ng Delta variant (B.1.617.2) habang 13 ang walang lineage na itinalaga. Ang pinakahuling sequencing run ay binubuo ng mga sample mula sa 21 Returning Overseas Filipinos (ROFs), isang dayuhan, at 26 na lokal na kaso mula sa mga lugar na may mga cluster ng kaso.
Mga kaso ng Omicron variant:
Ang dalawang kaso ng variant ng Omicron ay mga incoming travellers at kasalukuyang nasa isolation facility na pinamamahalaan ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Ang isa ay isang Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating mula sa Japan noong Disyembre 1, 2021 sakay ng Philippine Airlines flight number PR 0427. Ang sample ay nakolekta noong Disyembre 5, 2021. Ang kanyang positibong resulta ay inilabas noong Disyembre 7 at na-admit sa isang isolation facility sa parehong petsa. Siya ay kasalukuyang asymptomatic ngunit may mga sintomas ng sipon at ubo pagdating.
Ang isa pang kaso ay isang Nigerian national na dumating mula sa Nigeria noong Nobyembre 30, 2021 sakay ng Oman Air na may flight number na WY 843. Isang sample ang nakolekta noong Disyembre 6, 2021 at ang resulta ay inilabas noong Disyembre 7, 2021. Pagkatapos ay ipinasok siya sa isang isolation facility sa parehong petsa. Ang kanyang kasalukuyang katayuan ay asymptomatic din.
Tinutukoy ng DOH ang posibleng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa pasahero sa mga flight ng dalawang kaso na ito.
Bineberipika ng DOH ang mga resulta ng pagsusuri at katayuan sa kalusugan ng lahat ng mga pasahero ng mga flight na ito upang matukoy kung may iba pang kumpirmadong kaso o mga pasahero na naging symptomatic pagkarating. Ang mga manlalakbay na dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga flight na ito ay maaaring tumawag sa DOH COVID-19 Hotlines sa (02) 8942 6843 o 1555, o sa kani-kanilang LGUs para iulat ang kanilang status.
Sa pagtuklas ng mga imported na kaso ng variant ng Omicron, hinihimok ng DOH ang lahat na sumunod sa minimum public standards at maayos na magsuot ng face mask, madalas maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o alkohol, obserbahan ang physical distancing, tiyakin ang maayos na bentilasyon, at iwasan ang siksikan. mga lugar. Bukod dito, ngayong holiday season, dapat iwasan ng publiko ang pagdaraos ng mass gatherings para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Hinihimok din ng DOH ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna sa panahon ng National Vaccination Days upang makatanggap ng karagdagang proteksyon na ibinibigay ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Nakipagsanib-pwersa ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), sa Cignal TV, TV5, at iba pang MVP Group of Companies sa pagpapasigla ng taunang “Tuloy Pa Rin Ang Pasko” Movement sa misyon nitong palaganapin ang pagmamahal at saya sa kapwa Pilipino ngayong kapaskuhan sa kabila ng mga umiiral na hamon ng buhay.
Ang mga tsuper ng pambansang simbolo na Jeepney ay isa sa mga pinaka matinding naapektuhan ng mga pinsalang dala ng kasalukuyang pandemya. Hanggang ngayon, marami pa rin ang walang kabuhayan. Ngayong taon, pinili ng MPT South ang mga miyembro ng Paliparan-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association (PABODA), na tumatawid sa Dasmarinas, Cavite hanggang Paranaque, Metro Manila sa pamamagitan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), bilang mga benepisyaryo ng mga aktibidad na ito ng CSR, ayon sa report.
Namahagi ng 50 Noche Buena packs ang MPT South sa PABODA jeepney drivers at operators noong Biyernes, Disyembre 10, sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng mga nabanggit na kompanya. Ang bawat pakete ay naglalaman ng mga staple ng Noche Buena tulad ng spaghetti pack, keso, at fruit cocktail, pati na rin ang mga de lata.
“Noche Buena has been a symbol of hope and joy of the Filipino family during Christmas eve. With these small Christmas packages, we hope that the families of PABODA members get to enjoy the festive holiday season and imbibe the spirit of togetherness despite being affected by the year-long pandemic,” ayon kay Arlette V. Capistrano, MPT South Spokesperson and AVP for Communication and Stakeholder Management.
Noong nakaraang taon, nagsagawa ang MPT South ng ‘Drayberks’ road safety program, isang social advocacy para isulong ang road safety sa mga expressway sa mga driver at operator ng PABODA para ipakita ang suporta ng mga kumpanya sa pagpapatuloy ng operasyon ng Jeepney.
Ang kilusang Tuloy Pa Rin Ang Pasko, na pumukaw ng diwa ng Bayanihan, ay naglalayong maabot ang mga komunidad na apektado ng pandemya at iba pang kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng Noche Buena goods at iba pang mahahalagang bagay para sa isang masayang Pasko. Ito ay pinasimulan ng MVP group of companies at foundations sa pamumuno ng chairman nitong si G. Manuel V. Pangilinan.
Ang MPTC ang pinakamalaking tagabuo at operator ng tollway sa Pilipinas. Bukod sa CAVITEX, may hawak din ang MPTC ng concession rights para sa CAVITEX C5 Link, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.
Majayjay, Laguna. Kinilala ng Philippine Red Cross (PRC) at ginawaran ng Heroes of the Pandemic Award si incumbent Vice Mayor Ariel A. Argañosa dahil sa katangi tanging pagsuporta sa lahat ng programa ng PRC.
“Maraming Salamat po sa parangal na ito. Sa ngalan po ng bumubuo ng Red Cross Majayjay Branch, akin po ang karangalan bilang inyong Municipal Chairman na tanggapin ang parangal na ito para sa mga taong nasa likod ng bawat programa ng RC Majayjay Municipal Branch. Sa lahat ng Officers, volunteers, donors at sponsors, samahan nyo pa rin po kami sa tuloy-tuloy na programa ng Red Cross Majayjay upang marami pa tayong matulungan,” ayon sa mensahe ni Argañosa.
Ang nabanggit na vice mayor ay aktibo sa paghahatid ng tulong sa mamamayan ng Majayjay sa pamamagitan ng masusing pagpapatupad sa mga programa ng PRC sa panahon ng pandemya.
Trece Martirez, Cavite. Nadakip kamakailan sa bayang ito ang number one most wanted person sa listahan ng Police Regional Office-Region 4A (PRO-Region 4A).
Ang inarestong suspek na rapist na dalawang taong nagtatago ay kinilala ni Brig. Gen. Gilbert Cruz ng PRO Region 4A na si Chris John Diaz, 41 anyos at residente ng Cavite City.
Si Diaz ay kinasuhan ng rape sa isang biktimang 11 taong batang babae na anak ng kasama niya sa trabaho sa isang construction company.
Ayon sa rekord ng korte, dinadayo ng inuman ng suspek ang ama ng biktima. Naganap ang apat na beses na panggagahasa tuwing makikitulog ito sa bahay ng biktima.
Hindi agad nakapagsumbong ang bata sa takot sa banta ng suspek na “papatayin ang kanyang ama kapag nagsumbong siya.”
Si Diaz ay nadakip ng pinagsamang pwersa ng Calabarzon Intel Division at Cavite PNP. Nakatakda niyang harapin ang kasong rape na isinampa laban sa kanya.
Veteran Journalist, Rene M. Alviar, will begin to grace the pages of Tutubi News Magazine starting tomorrow, December 15, 2021. Share this news with those who have followed Rene’s columns throughout the years.
Renato M. Alviar, better known as Rene M. Alviar, began his storied career as a journalist in 1976 as a reporter for the Philippine News Agency (PNA) after graduating from Adamson University with an AB Economics degree. He quickly achieved Senior Reporter status while working at PNA until 1981.
Having a background in Economics, he became an excellent Business Reporter for the Manila Evening Post after leaving PNA. He saw a better opportunity at Bulletin Today and worked there from 1982 to 1988 then in 1989 worked for Malaya, also as a Business Reporter, through 1990.
Rene always wanted to be in the forefront of where the action is. Having worked as a Reporter, he missed the excitement that it brought. In order to get his blood pumping again, he became a correspondent for the Philippine Daily Inquirer where he was assigned to cover the Southern Tagalog Region. There he covered politics, law enforcement, and other areas that allowed him to cover a broader range of news items from 1990 to 1998. From 1998 to 2005, he worked for the Philippine Star also as a correspondent covering the same region and the same beat.
Having worked as a correspondent for nearly 15 years, Rene decided that he had enough excitement and needed to slow down. So, he worked as an assistant business editor for the Manila Standard Today from 2005 until he retired in 2008.
No sooner than the ink on the last article he wrote dried, Rene realized that he could not give up writing just yet. He went back to PNA where he began his career to work as a Senior Editor for another 10 years, from 2008 to 2018.
As fate would have it, you just can’t keep a good man down. After a three-year hiatus, the seasoned journalist, Rene M.Alviar, is back. He will write for Tutubi News Magazine on topics and issues of his own desire. We are happy to have Rene as part of our news team as he brings with him a lot of experience, insight and skills.
Antipolo City, Rizal. Idinaos ang groundbreaking ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa People’s Plan Community Teamwork Homeowners’ Association, Inc. (PEPCOTEK), sa Antipolo City noong Nobyembre 27, ang seremonyal na pagsisimula ng pagtatayo ng isang socialized housing initiative na makikinabang ang mahigit na 1,100 pamilya.
Ang proyekto ay inuri sa ilalim ng programang High Density Housing (HDH) ng ahensya, isang slum redevelopment strategy kung saan ang mga informal settler family (ISF) na nakatira sa tabi ng mga daluyan ng tubig at mga danger zone ng National Capital Region ay tinatanggap sa maraming palapag na mga gusali upang matiyak ang ligtas at permanenteng solusyon sa pabahay.
Ang pasinaya na ginanap sa Sitio Palanas sa Barangay San Juan ay pinangunahan nina SHFC President Atty. Arnolfo Ricardo Cabling, Mayor Andrea Ynares at Department of Human Settlements and Urban Development Usec ni Marylin Pintor. DUmalo sina SHFC Board of Director Ronald Barcena, SHFC Legal Affairs, Asset Management, at Partners Cluster Senior Vice President Atty. Sina Leo Deocampo, at SHFC Settlements Management Group Vice President Philip Robert Flores.
“This is a testament to SHFC’s commitment to helping low-income Filipinos get access to safe, affordable, and resilient housing. I am hoping that as we see the progress of this project our partner-homeowners will continue to practice solidarity and actively contribute to the success of this undertaking,” ayon kay Cabling.
Pinasalamatan naman ni Ynares ang SHFC sa pakikipagtulungan sa pamahalaang lungsod at sa pagpapatupad ng isang komprehensibong programa sa pagpapaunlad ng pabahay sa Antipolo upang maiangat ang kalagayan ng pamumuhay ng mga ISF.
Ang PEPCOTEK ay binubuo ng 1,158 pamilya mula sa kalapit bayang Marikina City na may kabuuang halaga ng pautang na P648 milyon para sa pagkuha ng lupa at pagpapaunlad ng site. Ito ay pinakilos ng Lupang Kalinga Development, Inc. at kasalukuyang pinamumunuan ni Rodrigo Tadalan.
Ang SHFC ay ang nangungunang ahensyang tumutulong sa mga mahihirap na komunidad sa pag-secure ng tenure ng lupa sa pamamagitan ng shelter financing at mga solusyon sa pagpapaunlad ng Building Adequate, Livable, Affordable, and Inclusive (BALAI) Filipino communities. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (+632) 7750-6337 o bisitahin ang www.shfc.dhsud.gov.ph
Nagpapaalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kagabi sa publiko na maghanda sa mga posibleng epekto ng binabantayang bagyong si Odette na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility mamayangg gabi.
Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Odette sa bahagi ng Eastern Visayas o Caraga sa Huwebes nang hapon o gabi.
Maaaring umabot hanggang signal no. 3 ang Tropical Cyclone Wind Signal na itataas sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Magdadala ito nang malalakas na hangin at pag ulan sa Visayas, malaking bahagi ng Mindanao, at ilang probinsya sa Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, posibleng itaas ang signal no. 1 sa bahagi ng Eastern Visayas at Mindanao mamayang hapon o gabi.
Pinag-iingat ang mga apektadong lugar sa banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, at mga panganib na dulot ng malakas na hangin at bagyo.
Inaabisuhan din ang mga mangingisda at mga sasakyang pandagat na huwag nang pumalaot dahil sa mapanganib na kondisyon ng dagat.
Tuloy-tuloy naman ang pag antabay ng NDRRMC at Regional DRRMCs sa sitwasyon kaugnay ng bagyong Odette.
Sa isinagawang pagpupulong ngayong araw, tinalakay ang iba’t ibang paghahanda sa mga apektadong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at agarang mga aksyon sa epekto ng bagyo.
Patuloy na pag-iingat, pag-antabay sa ulat panahon at pagsunod sa mga abiso ng awtoridad ang paalala sa publiko.
Sta. Rosa City, Laguna. Pinangunahan ni Senator Joel Villanueva ang pay-out at orientation briefing ng mahigit na 600 mamamayan ng Biñan at Santa Rosa sang Laguna para sa TUPAD emergency employment program kahapon ng umaga.
Ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa Sta Rosa ang TUPAD uniform, personal protective equipment at kagamitan para sa kanilang 10 araw na trabaho.
Ayon sa mensahe ni Villanueva, “nais pa niyang palakasin ang TUPAD emergency employment program sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas upang iyo ay maging regular na programa ng gobyerno. Dahil dito, ayon sa kanya ay inihain niya ang Senate Bill No. 1456.”
Si Villanueva ang chairman ng labor committee ng senado. Ang payout sa mahigit na 400 na Lagunense na lumahok sa 10-araw na trabaho sa ilalim ng TUPAD emergency employment program ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Laguna 1st District Representative Len Alonte.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat Cong. Alonte kay Villanueva dahil ayon sa kanya “kailan man ay hindi siya nabigo sa paghingi ng suporta dito para sa mga programang makabubuti sa kapakanan ng mga Lagunense noon pa mang sila ay magkasama pa sa kongreso.”
Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang assistance program ng Department of Labor and Employment.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.