Tuesday, April 22, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 613

Libreng chest X-ray sa Liliw, pangunguhan ng Cullion Foundation

0

Liliw, Laguna.  Bumisita sa tanggapan ni Liliw Mayor Ericson J. Sulibit ang kinatawan ng Culion Foundation Inc. na si Duane Mojica upang talakayin ang mga plano sa pagsasagawa ng libreng chest X-ray project sa bayang ito bukas, Disyembre 1, 2021 sa Calumpang Covered Court sa bayang ito.

Ang Culion Foundation, Inc, ay isang non-stock, non-profit social development organization na may misyon na tumulong sa pagbuo ng kakayahan ng bansa na harapin ang iba’t ibang hamon sa pag unlad ng tao, pangunahin ang pag-iwas at pagkontrol sa mga nakakahawang sakit at iba pang problema sa kalusugan.

Ang Libreng Chest X-Ray Project para sa mga mamamayan ng Liliw ay isasagawa sa pakikipagtulungan sa Department of Health at ng Liliw Rural Health Unit.

5,733 San Pableños, nabigyan ng first dose sa unang araw ng National Vaccination Days

0

San Pablo City, Laguna.  Matagumpay ang unang araw ng nationwide na “Bayanihan, Bakunahan” sa lungsod na ito matapos makapag bakuna ng 7,748 doses sa unang araw ng National Vaccination Days  kahapon, Nobyembre 29, 2021, ayon sa report ni City Health Officer Dr. James Lee Ho kay San Pablo City Mayor Amben Amante.

Sa naireport na bilang, ang 5,734 dito ay first dose, ang 474 ay second dose at 1,540 ay booster dose. 

Isinasagawa ang 3 araw na malawakang pagbabakuna sa walong vaccination site sa  San Pablo City Central School Gymnasium na nakapag bakuna ng 1,464; SM San Pablo, 2,268; MegaVac, 2,095; PPL-San Pablo, 516; Community General Hospital, 731; Immaculate Conception Hospital, 209; San Pablo Doctors Hospital, 296 at San Pablo Medical Center, 219.

Inaasahan ang pagdating ng marami pang first time vaccines sa susunod na dalawa pang araw ng “Bayanihan, Bakunahan” nationwide drive. Samantala, nagpapaalala sina Amante at Dr. Lee Ho sa publiko na sumunod sa minimum public health standards (MPHS).

TESDA Online Program, nagdagdag ng marami pang kursong mapagpipilian

Patuloy na nagpapalakas ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng online training program nito upang madagdagan pa ang online courses sa kanilang platform.

Batay sa report noong Oktubre 2021, 114 na kurso na ang mapa pagpilian sa TESDA Online Program (TOP).

Kabilang sa mga bagong kurso ang International Labor Organization’s (ILO) Job Readiness, English as a Medium of Instruction, Using Educational Technology in the English Language Classroom at Microsoft’s Digital Literacy.

Ang TOP ay isang web-based platform nag nagbibigay ng libreng Massive Open Online Courses (MOOCs) para sa technical education and skills development ng Pilipinong manggagawa.

Sa pamamagitan ng paggamit ng information and communication technologies, ang TOP ay nagbibigay ng mabisa at mahusay na paraan upang maihatid ang technical education and skills development at mapaunlad ng mga kasanayan ng mga Pilipino. Palalawakin nito ang mga pagkakataong makakuha ng trabaho o mapagkukunan ng kabuhayan.

“I invite the public, especially those who have lost their jobs or those trying to venture into a new livelihood, to try enrolling in our online classes. This is offered for free. I’m sure you can find a course from the many options that will best suit your need,” ayon kay TESDA Secretary Isidro S. Lapena.

Para sa mga interesadong mag register o tumingin sa listahan ng mga kurso, bumisita sa web page na ito:

https://e-tesda.gov.ph/

Magbakuna ng 1 milyon sa isang araw: Target ng DOH CALABARZON sa 3 araw na National Vaccination Days

0

Target ng Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na makapag bakuna ng isang milyon kada araw sa 3-araw na National Vaccination Days mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021, ayon kay DOH CALABARZON Regional Director Ariel M. Valencia.

Tiniyak ni Valenica na ang lahat ng paghahanda at plano ay maayos na naisagawa na ang lahat ng vaccination teams ay handa at magsisikap sa mga lugar kung saan mayroong mababang coverage ng pagbabakuna.“We will endeavor to reach GIDA (Geographically isolated and Disadvantaged Areas) including island communities to personally assess the situation at the ground level to enable us to provide the needed interventions including providing the proper information on Covid-19 and importance of vaccination to residents. Together with the local government units, our target is to vaccinate 1 million a day. We have a total of 174 vaccination teams strategically located in various provinces where people can get their vaccine,” ayon kay Valencia.

“We will strengthen our efforts and health promotion activities in these areas at kung kailangang magbahay-bahay upang kumbinsihin ang mga residente na magpabakuna ay gagawin namin upang maibigay ang proteksiyon kinakailangan nila laban sa Covid virus,” ang pagbibigay diin ni Valencia.

Binigyang-diin din ni Valencia na lahat ng brand ng bakuna ay ligtas. “Huwag na po tayong mamili pa ng brand ng vaccine dahil lahat ng ito ay ligtas gamitin. Ang mga bakunang ito ay magpoprotekta sa iyo at sa iyong pamilya at hinihikayat kita na pumunta sa iyong pinakamalapit na mga sentro ng pagbabakuna sa loob ng 3-araw na araw ng National Vaccination Days at magpabakuna. Gawin natin ang ating bahagi sa pagtulong sa pagpuksa sa Covid-19,” ayon sa kanya.

Ang mga bakuna na gagamitin ay Sinovac, Moderna, Gamaleya Sputnik V, Pfizer at AstraZeneca.

Kabilang sa mga target na kwalipikadong populasyon na mabakunahan sa mga lalawigan ay ang mga sumusunod: Batangas na may 596, 193 residente, Cavite na may 722, 217, Laguna na may 604,698, Quezon na may 396,732, Rizal na may 616,581 (o 205,527, Lucena City na may 57963.

Ang 3 araw na bakunahan ay isasagawa sa pagtutulungan ng iba’t ibang regional agencies kabilang ang  DILG, PNP, BJMP, BFP, OCD, DOLE (para sa ecozones) at DEPED. Ipapakalat din ang karagdagang health human resource mula sa mga ospital sa NCR, volunteers mula sa DOH central office kabilang ang mga regional staff.

Magpabakuna at maging handa laban sa Omicron variant, ayon kay Dr. Cristeto Azucena

0

San Pablo City, Laguna.  Mariing nananawagan si Dr. Cristeto Azucena, pangulo ng San Pablo City Medical Society (SPCMS) sa publiko na hikayatin na magpabakuna ang mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, kaopisina, kamag anak at kakilala na wala pang proteksyon laban sa Covid-19, sa post vaccination monitoring ng Covid booster rollout sa San Pablo Doctors Hospital kanina, Nobyembre 29, 2021.

“Gawin po natin ang lahat ng ating magagawa para mahikayat natin silang magpabakuna upang lahat tayo ay maging protektado laban sa Covid-19. Huwag ng hintayin na mahawa, magkasakit at maospital dahil pag na ICU sila ay milyong piso ang kakailanganin at maaaring maubos ang kanilang savings at ang pinakasama ay baka hindi sila makaligtas sa mga nakamamatay na sintomas ng Covid-19, lalong lalo na ang mga may comorbidities . Huwag na po nating hintayin na umabot sa ganon. Buksan po natin ang ating mga isipan at hangga’t maaga at hangga’t may panahon pa ay magpabakuna na ang lahat” ang pakiusap ni Dr. Azucena.

Binigyang diin ni Dr. Azucena na kailangang mabakunahan ang 100% ng populasyon upang maging ganap na ligtas sa Covid-19 ang komunidad.

Sinabi rin ng pangulo ng SPCMS na ayon sa data na nakalap ng Department of Health ay mga walang bakuna ang mga naitalang namatay dahil sa Delta variant bukod sa bilang ng may malalang comorbities.

“Ngayon po ay bago na naman tayong variant, ang Omicron. Pinag aaralan pa po ng mga scientist na maaaring mas mabilis makahawa ito at mas malubha ang mga sintomas. Mas makakabuti po na tayo ay protektado na sakaling makapasok sa ating bansa itong bagong variant na Omicron, dagdag pa ni Azucena.

Samantala, sinimulan sa araw na ito ang National Vaccination Days sa Convention Center, SM City San Pablo, San Pablo Doctors Hospital, Central Gym, Community General Hospital, SPC Medical Center at Immaculate Concepcion Hospital.sa lungsod na ito. Layunin ng malawakang vaccination campaign na ito na mabakunahan ang lahat ng Pilipino upang sila ay mabigyan ng proteksyon at maging ligtas ngayon Pasko.

Dalawang bagong kaso ng Omicron variant, natukoy sa Australia

0

Natukoy ang dalawang bagong kaso ng Omicron variant sa Australia sa dalawang pasahero na bumaba sa Sydney galing sa South Africa, ayon sa mga health officials ng South Wales kanina.

Unang natuklasan ang Omicron  sa South Africa at kasunod nito ay nakapagtala ng mga kaso sa Netherlands, Denmark, Belgium, Botswana, Germany, Hong Kong, Israel, Italy at United Kingdom.

Ang bagong “variant of concern” ay natuklasan noong Biyernes ng World Health Organization, at nagdulot ng pag-aalala na maaaring matalo nito ang mga bakuna at pahabain pa ang halos dalawang taong pandemya ng COVID.

Ang Omicron ay potensyal na mas nakakahawa kaysa sa mga naunang variant, ngunit hindi pa alam ng mga eksperto kung magdudulot ito ng higit o hindi gaanong malubhang COVID-19.

Ipinagbabawal na ng mga bansa ang paglalakbay sa South Africa. Ang Israel ay nagsara na sa para lahat ng turista at muling gagamitin dito ang  counterterrorism phone-tracking technology upang mapigilan ang pagkalat ng bagong variant.

Samantala, ang mga vaccine makers ay kasalukuyang nagsisikap na maghanda laban sa bagong variant sa pamamagitan ng pagsubok ng mas mataas na dosis ng mga booster shot, pagdidisenyo ng mga bagong booster na handa sa strain mutations, at pagbuo ng mga booster laban sa sa omicron variant.

Photo credits: Al Jazeera

Mayor Isko Moreno, nakipagpulong sa mga magsasaka at magniniyog ng San Pablo City

0

San Pablo City. Laguna. Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kahapon sa lungsod na ito ang kanyang “Food Production Strategic Plan” na ayon sa kanya ay gagabay sa kanya sa pagpapalakas ng food security ng bansa sa ilalim ng kanyang pagkapangulo.

“Dahil ang seguridad sa pagkain ay napakahalaga at hindi tayo gumagawa ng sapat na pagkain para sa pinaka pangunahing pangangailangan ng mga tao. Dapat, simula 2022, magkaroon na tayo ng Food Production Strategic Plan na magiging gabay para sa budget ng lahat ng departamento at iba pang ahensya na direktang sangkot sa produksyon ng pagkain,” ayon kay Moreno sa pakikipag pulong nya sa mga magsasaka at magniniyog na ginanap sa isang niyugan sa Brgy. San Antonio sa nabanggit na lungsod.

“Kasi ngayon, kada isang taon, pabago bago ang suporta sa agrikultura. Kailangan may food production plan. Kailangan may direksyon ang pantustos ng pamahalaan. At ito ang pagkukunan ng 5-year medium term spending bilang suporta sa food production. Hindi na pwede yung panaka-nakang mga interventions, tulad nangyari sa hog industry. Hindi naagapan ang pagpasok ng African Swine Fever; nalugmok ang mga magba-baboy, lalo na yung mga backyard hog raisers. Resulta nito, tumaas ng todo-todo ang presyo ng karne ng baboy. Tapos importasyon na naman ang madaliang solusyon,” ayon sa kandidato sa pagka pangulo ng Aksyon Demokratiko.

Kasama ni Moreno sa ginanap na “Listening Tour” ang grupo ng Partido Demokratiko sa nabanggit na lungsod na sina Najie Gapangada at Pamboy Lopez, kandidatong mayor at vice mayor at mga kandidatong konsehal nito na sina Mark Alimagno,  Julius Bragais,  Amben Cabasa, Bernie De Mesa,  Larry Dizon, Michael Exconde at Doods Tan.

Kasama naman ni Moreno ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at mga kandidatong senador na sina Dr  Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison.

DTI at DAR, magtutulungan upang pasiglahin ang paglago ng agro-industriya sa mga kanayunan sa MIMAROPA

0

Magtutulungan ang  Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang magbigay ng malawakang tulong sa pagpapaunlad ng merkado at produkto sa mga agrarian reform communities (ARCs)  (ARCs) at  agrarian reform beneficiaries organizations (ARBO) sa MIMAROPA.

Nakipagpulong si DTI MIMAROPA Regional Director at DTI-Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Program Manager Joel B. Valera sa bagong hinirang na DAR Chief na si Bernie Cruz upang pag-usapan ang mga plano para sa mga grupong agraryo sa bansa. Isa sa mga highlight ng pulong ay ang paigtingin ang roll-out ng Common Service Facilities (CSF), ang probisyon ng farm production, at post-harvest machinery at equipment sa mga agrarian beneficiaries. Ang CSF ay naglalayong i-level up ang produksyon at pataasin ang produktibidad para sa pag-unlad ng ekonomiya sa mga rural na lugar. Bukod dito, ang pinaigting na pakikipagtulungan sa pagitan ng DTI-CARP at DAR ay magbibigay din ng tulong sa marketing na tutulong sa mga benepisyaryo na sumunod sa mga regulasyon ayon sa batas, pagbuo ng produkto, promosyon sa merkado sa pamamagitan ng mga trade fair, market linkages, at capacity development.

“Kailangan tulungan ang mga agrarian reform communities and beneficiaries’ organizations, at small landowners para magkaroon sila ng continuous livelihood opportunities. The development of the country’s agricultural sector plays a big role sa poverty reduction and inclusive growth.” ayon kay Valera sa isang panayam noong Nobyembre 25, 2021.

Iisa ang pananaw ng DTI-CARP at DAR sa pagpapaunlad ng entrepreneurship sa buong bansa na magmumula sa kanayunan at mga magsasaka-benepisyaryo at may-ari ng lupa sa ilalim ng dalawang ahensya.

Pagsisikap na mabakunahan ang 100% ng San Pableño: National Vaccination Days sa Nobyembre 29 hanggang Disyembe 1

0

Mga taga 1st, 2nd at 4th District ng Laguna, lalawigan ng Quezon, Batangas at iba pang lalawigan, bayan at lungsod, mag rehistro upang makapagpabakuna sa San Pablo City vaccinations sites.

“Ang pagprotekta sa ating kalusugan sa pamamagitan ng pagbabakuna ay magdaragdag sa ating kumpiyansa na makalabas at makita ang ating mga mahal sa buhay ngayong Pasko, gayundin ang pagtiyak ng ligtas na pagbalik sa trabaho. Kaya’t hinihikayat namin ang lahat, lalo na ang aming lolo at lola, at ang aming mga mahal sa buhay na may mga kondisyong medikal na hindi pa nababakunahan, na samantalahin ang National Vaccination Days at magpabakuna na,” ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Kaugnay nito, nananawagan ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na buhayin ang tradisyon ng bayanihan at makiisa sa “Bayanihan Bakunahan: Ligtas. Lakas, Buong Pinas,” ng isasagawang National Vaccination Days sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Ang idineklarang National Vaccination Days ay isang malawakang vaccination drive na may layuning mabigyan ng bakuna  ang lahat ng Pilipino upang sila ay mabigyan ng ligtas at maligayang Pasko 2021.

Ayon sa mga report sa US, mahigit na 93% ng mga namatay sa COVID-19 ay kabilang sa mga hindi nabakunahan. Sa Pilipinas, 85% ng mga admission dahil sa COVID-19 ay hindi pa ganap na nabakunahan, ayon sa mga report ng mga ospital sa DOH Data Collect mula Marso 1 hanggang Nobyembre 14.  Bukod dito, 93.4% ng namatay at nagkaroon ng malubhang pagkakasakit ay nangyari sa mga wala pang bakuna, ayon sa report na nakalap ng DOH.

Nananawagan din si Dr. Lee Ho sa publiko na suportahan ang National Vaccination Days sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kaibigan at pamilya na hindi pa nabakunahan na magparehistro para sa kanilang first dose.

Bagama’t pinapayagan ang walk-in lalo na para sa mga senior citizen at mga may comorbidities na taga San Pablo, hinihikayat ang pagpapa rehistro sa link na ito:
Teens and Adults:

tinyurl.com/sanpablo1stdose

Ang mga magpapabakuna ng first dose na taga San Pablo City ay may pagkakataong manalo ng Yamaha Motorcycle, 43 inch flat screen TV at maraming iba pang papremyo sa vaccinaton grand raffle daw na “Doble Panalo Ka! Protektado na May Special Prize Ka Pa.”

Para naman sa mga taga 1st, 2nd at 4th District ng Laguna, lalawigan ng Quezon, Batangas at iba pang lalawigan, bayan at lungsod, mag rehistro dito:

Adults: tinyurl.com/spcvaccinationstep1

Teens: tinyurl.com/spcvaccteenstep1

Ang cut-off time ay 10:00 PM araw araw at ang confirmation email ay hanggang 12:00 ng madaling araw.

MPT South at DILG 4A, lumagda sa kasunduan para sa road safety at pagpapalakas ng turismo sa CALABARZON

0

Nilagdaan Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at Department of Interior and Local Government – CALABARZON (DILG IV-A) para sa pagsasagawa ng road safety education campaign at tourism promotion activities para sa rehiyon.  

Sa bisa ng MOU, magtutulungan ang DILG IV-A at MPT South sa pagbibigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa local governance at social development sa pamamagitan ng Local Governance Resource Center (LGRC) facility. Ito ay isang dynamic, interactive at virtual program na nagsisilbing sentro ng kaalaman sa pagbabahagi sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon ng iba’t ibang impormasyon. Makakatulong ito sa pagpapaunlad ng kanilang mga kapasidad sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga bayan at siyudad.  

Katuwang ang DILG IV-A, inaasahan ng MPT South na mapapaigting nito ang pagsasakatuparan ng iba’t ibang social advocacy projects nito gaya ng ‘Drayberks’ at ‘Bayani Ka’ na pawang mga road safety programs na naghihikayat at nagtuturo sa iba’t ibang motorista at komunidad ng mga alituntunin sa expressway at sa mga pamamaraan upang maituring na road safety advocates.  

Layunin ng “Draybers” road safety seminar na maiwasan ang pagkakaroon ng mga road accidents sa mga mga toll roads ng MPT South: Manila-Cavite Expressway (CAVITEX); CAVITEX C5 Link; at Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Habang ang Bayani Ka naman o Bayani ng Kalsada, ay nagnanais na magbigay ng karagdagang kaalaman hinggil sa batas na Limited Access Facility Act (R.A. 2000).

Kasama rin sa mga nakalatag na proyekto ng MPT South at ng DILG IV-A ang pagsusulong ng turismo sa CALABARZON sa pamamagitan ng paggawa ng mga multimedia materials upang maipagmalaki ang iba’t ibang mga pagkain, lokasyon at tanawin sa rehiyon gamit ang Biyaheng South social media accounts at iba pang programa ng DILG IV-A.