Tuesday, April 22, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 614

Bagong variant of concern na Omicron variant, kinatatakutan na posibleng mas mabilis makahawa, ayon sa WHO

0

Nakita kagabi sa South Africa ang isang bagong Covid variant na tinawag ng World Health Organization (WHO) na Omicron variant. Ayon sa paunang report, ito ay mabilis na lumilipat sa mga kontinente at pinangangambahan ang maraming spike mutation nito. Dahil sa takot ay nag uunahan ngayon ang mga bansa sa pagsususpindi ng air travel.

Ang Omicron (B.1.1.529): SARS-CoV-2 Variant ay may dalang mataas na bilang ng mutation sa spike protein na may malaking kinalaman sa pagpasok ng virus sa cells ng katawan, ayon sa report ng Bloomberg.

Pinag aaralan pa ng mga eksperto kung ang bagong variant na ito ay mas mabilis makahawa at kung mas nakakamatay ito kaysa sa Delta variant.

“ There was an “unusual constellation of mutations And that it was “very different” from the other variants that have circulated. This variant did surprise us, it has a big jump on evolution [and] many more mutations that we expected,” ayon kay Prof Túlio de Oliveira, director ng Centre for Epidemic Response and Innovation in South Africa.

Ayon naman sa paunang ebidensya na nakalap ng (WHO), mas mataas ang panganib na magkaroon ng reinfection dahil sa nabanggit na variant kumpara sa ibang variant of concern.

Samantala, sinabi naman ni US infectious disease chief Dr Anthony Fauci na bagaman at ang bagong variant of concern ay nagbabadya ng panganib, malaki ang posibilidad na ang bakuna ay makakatulong upang makaiwas sa malalang pagkakasakit at pagkamatay. “Until it’s properly tested, we don’t know whether or not it evades the antibodies that protect you against the virus”, ayon kay Dr Fauci.

Nakita ang mga kaso ng Omicron variant sa Botswana, South Africa. Israel, Hong Kong at Belgium. Kaugnay nito, maraming bansa ang nagsuspindi na ng pagpasok ng biyahe ng mga eroplano mula sa mga nabanggit na bansa kasama ang Pilipinas.

Bagong Covid-19 variant B 1.1.529, binabantayan ng DOH: Inbound flights galing sa South Africa at Botswana, sinuspinde na

0

Binabantayan ng Department of Health ang bagong coronavirus variant na B 1.1.529 na may mga kaso na sa South Africa, ayon kay acting Presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles kahapon. Kaugnay nito, sinuspindi na ang pagpasok ng mga byahe ng eroplano mula sa South Africa, Botswana at iba pang bansa na may kaso na ng bagong variant hanggang Disyembre 15.

Ang B 1.1.529 variant ay naiiba, mayroon itong hindi karaniwang constellation ng mutation kagaya ng  sampu ang receptors nito samantalang ang Delta variant ay dalawa lang, ayon kay Tulio de Oliveira, the director of South Africa’s Center for Epidemic Response and Innovation.

“It is spreading very fast and we expect to see pressure in the health system in the next few days and weeks,” ayon kay Tullo.

Photo credits: Cosmo Magazine

Yamaha Motorcycle, first prize sa Vaccination Grand Raffle Draw para sa mga magpapabakuna ng first dose sa San Pablo City

0

San Pablo City, Laguna. Bobolahin sa Vaccination Grand Raffle Draw sa lungsod na ito ang first prize na Yamaha Motorcycle para sa mga magpapabakuna ng first dose sa National Vaccination Days sa Nobyembre 29  hanggang Disyembre 1, 2021. 

Ang “Doble Panalo Ka! Protektado Ka na May Special Prize Ka” raffle draw na hatid ni San Pablo City Mayor Amben S. Amante at ng pamahalaang lokal ng San Pablo ay naglalayong makahikayat ng maraming first time vaccinees na magpabakuna na sa darating na National Vaccination Days.

Maaaring manalo ang mga magpapabakuna ng first dose ng mga sumusunod na premyo: Grand Prize na 1unit Yamaha Motorcycle, major prize na Samsung 43 inch TV (3 winners) at minor prizes na cellphone (2 winners),10 kilo rice pack (30 winners), oven toaster (2 winners) at turbo broiler (2 winners).

Abangan na lamang ang iba pang detalye at mechanics ng raffle draw, ayon sa abiso ng San Pablo City Information Office.

Covid-19 booster shot, pamaskong regalo para sa lahat

Simula na ng pagbibigay ng Covid-19 booster shot sa bansa. Abala na ang Department of Health at ang mga lokal na health offices sa kampanya na magpa booster shot ang lahat.

Parang itong pamaskong laruan na pop fidget toy.  Lahat ay gustong magkaroon. Sa dami ng gustong mag access sa online registration ay nagkaka technical difficulties ang online portal. Nagkukumahog ang mayorya ng populasyon sa pagpaparehistro. Lahat ay gustong mauna.

Pagkatapos nito, malalaos na parang Hello Kitty ang booster shot. Lalangawin na naman ang mga vaccination sites. Maiiwan na naman ang 36% na ayaw magpabakuna. Ayon sa survey na ginawa ng SWS ngayong  Nobyembre 2021, 64% lang ng Pilipino ang gustong magpabakuna.

Kasunod nito ay makikiusap ang mga health at public officials.”Parang awa nyo na po, magpa booster shot na kayo.” Pero tila walang uri ng pakiusap ang makakatinag sa kanila. Kahit may raffle prize na cash at bigas, ayaw pa rin ng iba.

Hanggang ngayon ay isa isa pang hinahabol ng mga health workers ang mga ayaw magpabakuna. Bukod pa dito ang mga misteryosong hindi na kumuha ng second shot.

Malapit na ang Pasko. Magiging abala tayo sa pagbili ng mga regalo at pagdalo sa mga Christmas party. Panahon din ito upang magbalik-tanaw tayo sa nakaraan. Noong panahon na nakikipaglaban tayo sa Covid-19 habang umaatake ito ng walang awa. Alalahanin natin ang mga kaanak, kaibigan, kapitbahay at kaopisina na namatay ng nag iisa sa mga ospital at quarantine facilities. Huwag nating kalimutan kung paano pinabagsak ng malupit na pandemya ang global economy na nagresulta sa pinakamalubhang recession mula noong World War ll.

Kaya ilagay natin ang booster shot sa holiday wish list natin. Libre ito – pamaskong regalo para sa lahat.

DOH: Nasa ‘low risk’ na ang Pilipinas, new Covid-19 cases bumaba ng 28%

0

Bumaba na ng 28% ang bilang ng new Covid-19 cases sa buong bansa nitong mga nakaraang linggo, ayon sa report ng Department of Health (DOH).

“Our epidemic curve shows that the current average of daily cases have further decreased by 550 cases this week. We have the daily average reported cases in the country at 1,436,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum.

Bumaba ng 28% ang bilang ng new cases kaysa sa naitalang 1,986 na kaso noong Nobyembre 8 hanggang 14.

Kabilang sa top five regions ng pinakamaraming bagong kaso ang National Capital Region (NCR) with 429 cases; Region 3, 351 cases; Region 4-A (Calabarzon), 351; Region 2, 211; at Region 12, 175.

Nasa top five naman sa mga lalawigan na pinakamaraming new cases ang  Isabela, 161; South Cotabato, 149; Bulacan, 120; Laguna, 193; at  Quezon City, 91.

“Nationally we are at a low risk case classification with a negative two week growth rate at – 49 percent and moderate risk average daily attack rate at 1.55 cases for every 100,000 individuals,” ayon kay Vergeire.

700,000 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng Australia tinanggap ng Pilipinas

0

Tinanggap ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ang 700,000 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa Australian government na ikinatawan ni Ambassador Steven Robinson, noong Nobyembre 24, 2021.

Ayon kay Robinson, ang dumating na bakuna ay unang batch pa lamang ng 3.6M doses ng AstraZeneca na ibibigay ng Australia sa Pilipinas. “Overall, we’ll have 3.6 million doses coming in to the Philippines — 2.2 million doses from Australia’s domestic supply and 1.4 million doses coming through UNICEF to the Philippines,” ayon sa ambassador.

Bukod sa bakuna, nagdonasyon din ang Australian government ng 100 oxygen concentrators noong nakaraang buwan.

Samantala, nagpasalamat si Health Secretary Francisco Duque III sa bansang Australia at sa mamamayan nito sa tulong na kanilang ibinigay. “These will be used maybe as the first dose, second dose or booster,” ayon naman kay Duque.

Saksi sina Health Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, Foreign Affairs Asec. Nathaniel Imperial, at Astrazeneca head of government affairs Victor Sepulveda sa pagtanggap ng AstraZeneca vaccines.

Paseo de San Pablo, big boost para sa small and medium-sized enterprises

Nakapamasyal na ba kayo sa Paseo de San Pablo sa Bry. San Jose, San Pablo City?

Naintriga ako sa dami ng taong namamasyal dito kasabay ng pagluwag ng Covid-19 restrictions kaya sumilip ako. Dito ay nagkukwentuhan kami ng may ari nito na si Ms Gem Castillo. Dati siyang artista at miyembro ng That’s Entertainment. Ulirang ina at maybahay na siya ngayon at isang mahusay na negosyante.

Maganda pala ang adhikain ng Paseo de San Pablo. Nagbibigay pala ito ng chance para sa mga restaurant at dry good store na nalugi. Lalo na ang mga hindi na makabayad sa pwesto dahil sa sobrang hina ng benta. The best na pandemic-friendly business idea ito.

“Binuksan ko itong Paseo de San Pablo para ‘yung mga nagsarang business dahil sa pandemic ay magkaroon ng chance na makabangon. Kasi 200 per day lang ang upa sa stall dito,” ito ang paliwanag ni Ms Gem.

Dahil sa ganda ng mga ilaw at palamuti sa loob at labas ng Paseo de San Pablo ay paboritong pasyalan ito ng mga magkakaibigan at pamilya. Maganda at natural na background ang tanawin dito para sa photo ops at selfie. Mura din ang pagkain sa mga food stalls dito dahil mababa ang overhead. At syempre, nagki-create ito ng foot traffic. Bukod dito ay may mga activities na nagpapalakas ng customer traffic kagaya ng live band tuwing gabi.

May isang park dito para sa mga bata kung saan ay nagpapalabas ng cartoons at mga sineng pambata. Ito daw ay para maging ligtas ang mga bata sa Covid-19. Meron itong mga magkakalayong tables and chairs na pwedeng gamitin ng tropa at pamilya sa kainan. Masarap ang sushi sa  Marou’s Maki Roll. Ok na ok din ang japanese food sa Takoyaki house restaurant.

Maayos ang mga facilities ng pinakabagong arcade sa San Pablo. Malinis ang mga restrooms at malalaki ang alley sa pagitan ng stalls. Akala ko nga ay mahal ang rent dito dahil parang high-end commercial space ang lugar. Nakakatanggal din ng stress ang open air ambiance nito.

Sa kasamaang palad, lahat pala ng stalls ay okupado na. Tinanong ko si Gem kung may balak pa siyang magdagdag ng stalls. “Pinag aaralan ko kung saan pa ako pwedeng maglagay ng stalls para marami pa tayong matulungan,” ito ang sabi nya.

Kaya abang abang lang sa mga nagbabalak magbukas ng tindahan ng pagkain, damit, toys, shoes at iba pang dry gods. Magpapasko na. Siguro naman kahit paano ay pi-pickup na ngayong taon ang mga panindang pamasko. At ang pinakamaganda, mababa at controllable na ang kaso ng Covid-19 sa buong bansa.

Ang mahigit na 150 stalls sa Paseo de San Pablo ay napakalaking tulong sa mga small businesses na nagsilipat dito. Saludo ako kay Ms Gem Castillo sa business idea na naisip nya – kumikita habang nakakatulong sa kapwa negosyante. Classic example ito ng business with conscience.

Salamat sa pag agapay, VG Karen

0

Konsehala pa lang si Karen Agapay ng San Pablo City ay kaagapay na ng Seven Lakes Press Corps (SLPC) ang butihing Bise-Gobernadora na ngayon ay Pangulo ng Asosasyon ng mga Vice-Governors ng Pilipinas. Kung maaari ngang maging kaanib sa SLPC ay matagal nang ginawa sapagkat napakalaki ang maiaambag niya bilang mahusay manunulat.

Bumabandera ngayon ang ating lungsod at nangunguna sa pagbabakuna sa buong Laguna. Tinalo ang mga mayayamang siyudad sa lalawigan kung mass vaccination program ang pag-uusapan. 

Ang kauna-unahang bakunahan na isinagawa sa lungsod ay sa San Pablo City District Hospital (PPL). 600 Doses ng Sinovac Vaccines ang natanggap noon at ang kalahati nito ay ginamit sa first dose ng health frontliners ng naturang pagamutan. Unang nakatanggap ng bakuna ay  ang kasalukuyang Chief of Hospital na si Dr. Edgar Palacol. Maituturing na naging bahagi na ito ng kasaysayan sapagkat hindi lamang si Palacol ang kauna-unahang naturukan na local official sa ating lungsod kundi sa buong probinsya.

Ang PPL ay nasa ilalim ng pamamahala at pag popondo ng Pamahalaang Lalawigan. Gobernador ang naghahanda ng taunang gugulin samantalang ang Sangguniang Panlalawigan  pinamumunuan ni Presiding Officer VG Agapay ang mag-aapruba. Nagkataon na gaya rin sa San Pablo ay may ‘Unity in Progress’ din ang Admin Gob Ramil dahil sa kanyang ‘Serbisyong Tama’ kaya’t laging namamayani ay pagkakaisa nina Hernandez at Sangguniang Panlalawigan ni Agapay.

Kakaunti ang dumarating na supply ng vaccine noong umpisa pa lang ng mass vaccination program. Ika nga’y pagalingan sa ‘gapangan’ ang nangyayari sa paghingi  sa Department of Health (DOH). Dito pumasok sa eksena ang husay ng isang Karen Agapay upang mas makinabang sa bakuna ang kanyang mga kababayan.

Sa pamamagitan ng  mga kilala at kasamahan sa panunungkulan ay nakiusap at humiing na bukod sa alokasyon ng vaccine para sa Lalawigan ng Laguna at madagdagan ang para sa San Pablo City General Hospital na siya namang nangyari. Bukod dito ay pinakiusapan din niya ang Gobernador at ang direktor ng Panlalawigan Pagamutan sa San Pablo City na makiisa sa LGU ng San Pablo City sa mass vaccination program. Kahit ang pagamutang ito ay isang Covid Hospital, ang PPL-San Pablo ang bukod tanging nagbakuna sa siyam na district hospital sa Laguna.  Kamakailan lang lumutang ang matagumpay na gawaing ito. At kailan lamang ay ginawa na rin ito sa ibang district Hospitals. 

Maaaring napapansin rin ng aming mga tagasubaybay ang maagap na nagpapabatid ng Laguna Covid-19 Update. Ang mga impormasyon at balitang ito ay dahil din sa pakikipag ugnayan ni VG Agapay sa SLPC. 

Napakarami pang dapat  sabihin sa  matahimik na pag agapay ni Karen sa San Pablo at SLPC subalit baka kulangin ang espasyo para dito. Panghuling masasabi ay salamat VG Karen sa’yong sapul na pag-AGAPAY!

Bayan ng Liliw kinilala ng DSWD sa matagumpay na pagpapatupad ng Supplemental Feeding Program

0

Liliw, Laguna. Kinilala ni Department of Social Welfare and Development Region 4A Director Marcelo Castillo ang bayang ito dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng Supplementary Feeding Program para sa taong 2019 hanggang 2020.

Tinanggap ni Liliw Mayor Ericson Sulibit ang certificate of recognition kay Liliw DSWD Chief Arnie Ocado kamakailan sa isang programang ginanap sa munisipyo ng nabanggit na bayan.

Ang Supplementary Feeding Program ay ang pagdaragdag ng pagkain bukod sa regular na pagkain sa mga batang kasalukuyang pumapasok sa mga day care center. Ang maiinit na pagkain na ang mga recipe ay inirekomenda ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ay isinisilbi sa mga bata sa day care center tuwing break time.

Si Mayor Ericson Sulibit ng Liliw, Laguna ay tumanggap ng certificate of recognition mula sa DSWD bilang pagkilala sa matagumpay na pagsasagawa ng Supplementary Feeding Program para sa taong 2019 hanggang 2020.
Ang Supplementary Feeding Program ay programa ng DSWD upang sugpuin ang malnutirion sa mga bata sa bansa. Tuwing breaktime ay pinakakain ang mga batang pumapasok sa daycare center ng bukod sa regular nilang pang araw araw na pagkain. Photo Credits: Sunstar

Brahma chickens: Ang higante teddy bear ng mga hardin at bakuran

0

Matindi ang dulot ng lockdown sa ating kabuhayan, sa ating mga pinagkakakitaan at higit sa lahat sa ating mental health. Marami ang sobrang malungkot dulot ng maraming buwan pagkakakulong sa loob ng ating mga tahanan.

Kaya naman ang mga ina, ate, tiya, lola, ama, lola at kuya ay biglang naging mga plantita at plantito simula noong taon ng 2020 dahil kawalan ng layang makalabas ng ating tahanan.

Bukod sa pagiging plantito ng mga lalaki, ang iba sa kanila ay nagkahilig sa iba’t ibang hobby gaya ng pag aalaga ng hayop. Isa sa pinakabagong libangan ang pag aalaga ng fancy chicken na Brahma Chicken. Ang manok na ito ay tumitimbang ng 8 hanggang 10 kilo at maaaring tumaas hanggang 3 feet. Tinaguriang King of Poultry, dahil sa bigat ng timbang ay hindi nakakalipad ang manok na ito.

Naiiba ang anyo ng Brahma Chicken kaysa ordinaryong manok. Mayroon itong balahibo sa paa, malapad ang ulo na kung tawagin ay “beetle brow.” Ang mga ito ay gentle giants kaya mainam ilagay sa garden kasama ng mga ornamental plants at ituring na parang pet. Mainam silang isama sa kawan ng mga regular na manok bilang tagapagtanggol sa mga predators. Nagkikipkip sila ng sisiw ng ibang manok upang maging ligtas ang mga ito sa mga lawin.

Nakakatuwa ang Brahma Chicken kung kaya kahit ang mga kabataan ay nag aalaga din nito bagaman at may kamahalan.

Ayon sa kasaysayan, ang Brahma chicken ay binuo sa Amerika mula sa malaking ibon na galing sa China. Ang lifespan nito ay lima hanggang 8 taon. Dual chicken ang mga ito kaya nagbibigay ng karne at itlog. 

Bago pa man dumating ang pandemic ay nagpasimula ng mag alaga at magparami ng Brahma chicken ang aking anak na si Israel. Graduate sya ng BS Agriculture kung kaya mabilis niyang naparami ito sa tamang pag aalaga. Sa loob ng dalawang taon na tayo ay nasa krisis dahil sa pandemic, ito ang nagsilbi nyang hanapbuhay. Naging libangang kumikita ito para sa kanya.

Panoorin natin ang video sa ibaba at makisali sa tuwa sa pag aalaga ng Brahma Chicken.

Libangang Kumikita. Nagsimulang mag alaga ng Brahma chicken si Agriculturist Israel Frago bilang libangan na naging hanapbuhay.