Tuesday, April 22, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 615

Law of parsimony

Called Ockam’s razor (more commonly spelled Occam’s razor), it advises you to seek the more economical solution: In layman’s terms, the simplest explanation is usually the best one. You gain nothing by complicating an explanation without some corresponding increase in its explanatory power.

In my very personal observation, politics in the Philippines as of late is as chaotic as a truckload of unrefined abaca fiber.  In the vernacular, “mas magulo pa kaysa isang trak na hibla ng abaka.” Opinions of regular columnists, political analysts and legal expert vis a vis the sentiments of vloggers literally inundate the pages of daily broadsheets, tabloids and all the available arena in the social and mainstream media. The people at large are left with no option but to just wait and see what will happen next.

Like a sandstorm in the desert where vision is hampered to see what’s on the other side, the political hullabaloo will not last forever.  When the dust finally settles, the people can see who among the aspirants are worthy to rule, serve the people and represent the country in the international community.  People today even in far-flung barangays are well-informed of what’s happening around them in view of the breakthrough in technology. They will surely participate in the coming electoral process with the welfare of the people in mind.

Six months before the 2022 polls is an ample time to think and carefully evaluate who to vote for.  With all the barrage of black propaganda and baseless accusations flooding the web and the mainstream media, we have to resort to analytical thinking.  Do not be cajoled by paid political advertisements, empty promises, sweet talks and tear-jerking drama.  Seriously analyzing the narratives of the contenders is a perfect mental exercise that may lead to our desired results!

In a democratic set-up like ours where there is a free market of ideas, everybody is entitled to give his own opinion regardless of how incongruent it is to the established principles or even if it defies logic. When confronted by a strange political belief like “accepting money being offered by candidates and voting according to your conscience”, just leave it at that.  Do not engage in insensible arguments because it may result to violence or your opinion to the eyes of many may amount to obvious hypocrisy.  Get real!

During election season, dead and resolved issues against aspirant(s) are resurrected and recycled usually by the leftists and the communist-leaning group of people to muddle the electoral process.  Sad to say, they are oftentimes joined by nuns and priests, even bishops who are supposed to fully understand the separation of Church and State provided under our Constitution.  Apparently, they are doing this as a tool to advance their personal interests like what happened in the past. They will of course deny it though the slip is showing! I guess you are aware of the Pajeros given to church officials during the time of President Gloria Macapagal-Arroyo.

In the event of confusion as to who is telling the truth, I suggest that you apply the law of parsimony envisioned by a great theologian-philosopher-logician that the “simplest explanation is usually the correct one.”

Photo credits: curiosity.com

A1, A2, A3 category sa San Pablo City, umpisa na ang pag-schedule ng booster shot

0

Seafarers, exchange students, OFW na lalabas ng bansa sa loob ng apat na buwan, kasama sa priority

San Pablo City, Laguna. Maaari ng magpa-schedule ng COVID-19 booster shot sa lungsod na ito ang mga health worker, senior citizen at may comorbidity.

Batay sa abisong ipinalabas ng lokal na pamahalaan, pwede ng mag-book ng appointment ang mga nasa priority group na A1, A2 at A3 sa link na ito:

https://www.picktime.com/sanpablobooster

Sa araw ng pagpapa bakuna ng booster shot, dapat ding dalhin ang valid ID at vaccination card. 

“Pumunta lang sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols,” ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho. 

Ang mga nasa A3 category o may comorbidity naman ay dapat magdala ng medical certificate. 

Barangay Chairman, hinabol ng taga

0

Nagcarlan, Laguna.  Isinugod sa Laguna Medical Center kamakailan ang Barangay Chairman ng Brgy. Banca banca, bayang ito na si Edgardo Q. Bondad, 59, matapos siyang tagain sa kaliwang braso ng isang suspek na nasa mga kamay na ngayon ng Nagcarlan Police Station.

Kinilala ang suspek na si Dominic Cabela, 18 at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa paunang imbestigasyon ni PMaj Joemar Pomajeros, hepe ng Nagcarlan Police Station, pumunta ang suspek sa Barangay Hall at nakipag away sa nabanggit na chairman ngunit inawat ng mga barangay kagawad hanggang sa umuwi na ang suspek. Matapos ang ilang minuto ay bumalik ito na may dalang itak at hinabol ng taga ang kapitan.

Nakapasok ang kapitan sa isang kwarto sa barangay hall ngunit habang isinasara nya ang pinto ay tinamaan sya ng taga sa  kaliwang braso.

Si Cabela ay inaresto at nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide at direct assault.

Si Barangay Chairman Edgardo Q. Bondad habang ginagamot sa Laguna Medical Center.
Report ni PMaj Joemar Pomajeros sa kaso ng pananaga kamakailan kay Barangay Chairman Edgardo Q. Bondad ng Brgy. Banca banca, Nagcarlan, Laguna.
Video footage: Kevin Pamatmat

BBM-Sara Team Unity Caravan, umikot sa Laguna

0

Sta. Cruz, Laguna.  Umikot sa buong Laguna ang Unity Team Caravan kahapon ni Bongbong Marcos at Sara Duterte, kandidato sa pagka pangulo at bise presidente ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Kasama sa nabanggit na caravan si Jeorge ER Ejercito, ang  Calabarzon Chairman ng PFP at kandidatong alkalde ng Calamba City. Kasama rin dito ang kanyang maybahay na si Girlie Maita Ejercito na kandidato ring mayor ng bayan ng Pagsanjan at kanilang anak na si Jerico Ejercito na tumatakbong namang bise gobernador sa Laguna.

Mula sa Sta. Cruz, Laguna ay bumiyahe ang caravan sa mga bayan at lungsod ng Lumban, Nagcarlan, Liliw, Rizal, San Pablo City, Calauan,Bay, Los Banos at nagtapos sa Calamba City. Tinatayang humigit kumulang na 5,000 bikers at private citizens ang nakilahok sa convoy na ito noong Nobyembre 21, 2021, ayon sa report.

Kapitana ng barangay sa Sta. Rosa City, patay sa pamamaril

0

Sta. Rosa City. Laguna. Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang barangay chairman sa bayang ito kahapon ng tanghali.

Si Barangay Chairman Lorena De Jesus, 60, ay nakaupo diumano sa isang lugar na ilang metro lang ang layo sa barangay health center ng Brgy. Kanluran, lungsod na ito ng siya ay lapitan ng hindi nakilalang lalaki at dalawang beses na binaril sa ulo.

Ang suspek ay tumakas angkas ng isang motorsiklo ng kasamang nitong naghihintay.

Hindi na umabot ng buhay si De Jesus sa ospital.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang nasawing barangay chairman ay walang kagalit at wala ring napag alaman na banta laban sa kanya. Diumano ay mabait ito at walang kaaway, batay sa mga salaysay ng mga barangay kagawad sa naturang barangay.

Sa kasamaang palad, hindi nakita sa CCTV ang detalye ng krimen sapagkat sira diumano ang camera nito.

Lima ang patay, mahigit na 40 ang nasugatan sa pananagasa sa Wisconsin Christmas Parade

0

Waukesha, Wisconsin.  Lima ang inireport na patay at mahigit na 40 ang nasugatan sa insidente ng pananagasa ng isang SUV sa Christmas Parade dito kagabi 4:39 PM (22:39 GMT).

Isang pulang SUV ang umararo sa karamihan ng tao habang nagmamartsa sa parada, ayon sa report.

Kaugnay nito, ang hinihinalang sasakyan na ginamit sa pananagasa at isang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng tanggapan ng pulisya ng Waukesha, ayon pa rin sa report.

Ang tradisyunal na Christmas Parade ay isinasagawa sa ilang lalawigan sa Estados Unidos bilang selebrasyon ng simula ng Pasko kung saan ay nasa pinakahuling float si Santa Claus.

Photo credits: Scott Ash / Now News Group

Siyam na pulis ng PRO4 CALABARZON, ginawaran ng Medalya ng Kasanayan at Pulis Magiting: Pilipinong Magiting Award

0

Calamba, Laguna. Ginawaran ng Medalya ng Kasanayan ni PB Gen Eliseo DC Cruz ang  siyam na tauhan ng Police Regional Office CALABARZON (PRO4 CALABARZON) dito kasabay ng flag raising ceremony na pinangunahan ng office of the Regional Operations Division (ROD) na pinamumunuan ni PCol Jacinto R. Malinao, Jr. 

Ang mga sumusunod na miyembro ng ROD ay sinabitan ni Cruz ng Medalya ng Kasanayan dahil sa kanilang direktang paglahok sa paghahanda at koordinasyon para sa ligtas na pagbabantay at iba pang may kinalaman sa pampublikong kaligtasan sa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy, certificate of nomination at Acceptance of CONA mula noong Oktubre 1-8, 2021.

PLTCOL Willy B. Salazar, PCPT Franco A. Atienza, PEMS Elena R. Genoso, , PCPL Christie Joy B. Ventula at NUP Rosemarie D. Velasco.

Ginawaran naman ng Certificate of Recognition ang mga pagkilala bilang Pulis Magiting: Pilipinong Magiting sina PCPT Rosalino E. Panlaqui, PCPL Wilfredo O. Payla, PCPL Shena Dee S. Escobido at PAT Cresyl S. Gutierez.

“Nais kong pasalamatan ang mga awardees at mga bagong hirang na Pulis Magiting: Pilipinong Magiting sa araw na ito sa patuloy na pagpapamalas ninyo ng kasipagan at determinasyon sa pagtupad sa inyong tungkulin. Nawa marami kayong mainspire sa mga mabubuting gawa ninyo para sa ating bayan”, ayon sa mensahe ni Cruz.

Tatlong suspek na rapist, nadakip sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon

0

Calamba City, Laguna.  Tatlong most wanted person ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga miyembro ng Police Regional Office CALABARZON sa Batangas at Quezon noong Nobyembre 22, 2021.

Ang suspek na si Reyman Jimenez Valencia, 45 at naninirahan sa Brgy. Veronica Lopez, Quezon ay inaresto sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa tatlong kaso ng rape. Si Valencia at una sa Regional Level Most Wanted Person.

Isa pang suspek na si Anthony Ariate Martinez na residente ng Brgy Ibabang Lupay, Lucena City ang nadakip noong nakaraang Sabado sa ilalim ng joint operation ng Lucena City Police Station, CIDG Quezon Provincial Field Unit, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, QUEZON Provincial Intelligence Team (INTEL PACKET) Quezon Provincial Intelligence Unit and Highway Patrol Team, MARPSTA Quezon, Tactical Operation Group 4 (TOG4) and Tactical Operation Wing Southern Luzon (TOWSOL). Si Martinez ay ikalima sa listahan ng Regional Level Most Wanted Person sa kasong rape.

Nadakip din ang ika walo sa listahan ng most wanted person si Samuel Dela Cruz, Jr. noong Sabado ng umaga sa Brgy. Sibulan, Polilio, Quezon sa  joint operation ng personnel ng Polillo MPS, Burdeos MPS, RID-4A RSOU, PIU QUEZON PPO at ng 4th Platoon,1st QPMFC sa kasong rape.

Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Eliseo DC Cruz, ibayong sipag ang ibinigay ng mga miyembro ng nabanggit na police regional office upang madakip ang mga nabanggit na suspek upang sila ay maikulong at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima. “Hindi tayo patitinag, magpapatuloy pa din ang paglilinis natin sa ating mga komunidad at isa na dito ang pagtugis sa mga nagtatagi sa batas. Hindi naming kayo titigilan hanggat hindi kayo humihimas ng rehas,” said PBGEN Cruz.

Samantala, pito pang suspek na nakalista sa Top Ten Regional Level Most Wanted Persons ang dinakip mula noong Nobyembre 12 hanggang 19 , 2021 sa magkakaibang lalawigan ng Laguna, Quezon at Batangas.

Mga kandidato sa pagka pangulo sa 2022, hinikayat ni PNP Chief Dionardo Carlos na sumailalim sa drug test

0

Hinihikayat ni PNP Chief Dionardo Carlos ang lahat ng kandidato sa pagka pangulo na sumailalim sa drug test upang maging huwarang halimbawa sa kanilang mga kababayan sa pagpapatunay na hindi sila mga drug users.

Ang drug test ay hindi requirement ng Comelec, ayon sa PNP chief kahapon, Nobyembre 20, 2021. “The PNP acknowledges that no law mandates the candidate to undergo a drug test but doing so will set an example to their countrymen by proving that they aren’t users of illegal drugs,” ayon kay Carlos.

Isa sa mga kandidato sa pagka pangulo ay cocaine user, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 18, 2021 ngunit wala siyang binanggit na pangalan.

“Kapag may mga pumapasok na mga relevant information sa amin, definitely we will conduct an investigation. As of this time, we are trying to get additional information on that matter,” dagdag pa ni Carlos.

Ang nabanggit na pahayag ni Duterte ay nagbunsod upang bumuo ang PNP ng initial fact-finding committee upang mangalap ng sapat na ebidensya laban sa binanggit na diumano ay cocaine user. Nauna dito, sinabi ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles na bahala na ang PNP sa magiging kapalaran ng mapapatunayang cocaine user sa mga presidential candidate batay sa pahayag ni Duterte, ayon pa rin sa report.

Phase 4 ng Alert Level System, inaprubahan ng IATF

0

Simula bukas, Nobyembre 22 ay nasa Alert Level 2 na ang Occidental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Oriental Mindoro sa Region IV-B, ayon sa pinakahuling report mula sa  Inter-Agency Task Force (IATF) matapos aprubahan nito ang Phase 4 ng Alert Level System.

Kabilang sa inilagay sa Alert Level 2 ang Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur and Agusan del Norte sa Region XIII (CARAGA) at Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, inilagay naman sa  Alert Level 3 ang Apayao, Mountain Province at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Dinagat Islands sa CARAGA; at Sulu sa BARMM.