Tuesday, April 22, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 618

Mag apply ng 13th-month pay loan: Utos ni Bello sa micro at small biz

Inuutusang mag apply ng government loan na 13-month pay loan ang mga micro and small enterprises na kasalukuyang nahihirapan sa pananalapi, ayon sa anunsyo ni Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III noong Biyernes, Nobyembre 12, 2021.

Nanawagan ang hepe ng DOLE sa mga employer na ang 13th-month pay grant ay mandatory.

“Let me remind the employers that the grant of 13th-month pay is mandatory. We issued a Labor Advisory where we maintained that no exemption and no deferment will be allowed on the payment of the 13th-month pay. So, with this loan facility from SB Corporation, there is no more reason to not give the 13th-month pay,” ayon kay Bello sa ceremonial launch ng loan program kasama ang Department of Trade and Industry DTI) at ang financing arm nito na SBCor.

Noong Nobyembre 12 ay 25 na loan application na nagkakahalaga ng 5.052M ang pumasok na loan application at naaprubahan ng SBCor sa ilalim ng nabanggit na program, ayon sa report.

Kwalipikadong umutang dito ang mga micro at small enterprises na nagpapatupad ng  flexible work arrangements at rehistrado sa ilalim ng DOLE Establishment Reporting System mula noong Oktubre 15, 2021. 

Kayang tugunan ng nabanggit na loan program ang hanggang 40 empleyado bawat isang estabelesimento na magbibigay ng P12,000 na 13-month pay kada empleyado.  Ito ay zero-interest rate, hindi kailangan ang collateral at babayaran sa loob ng 12 buwan, kasama na ang three-month grace period. “I encourage our employers, especially yung mga nahihirapan pa, to avail of this facility so that they can comply with the mandate to pay our workers with what is due them, especially this Christmas season,” dagdag pa ni  Bello. 

Ang mga kwalipikadong mangutang ay maaaring mag apply sa link na ito:

www.bayanihancares.ph.

Naghahanda na ang mga guro sa Nagcarlan sa pagbabalik ng face-to-face classes

0

Nagcarlan, Laguna. Naghahanda na para sa face-to-face classes ang mga guro sa 27 paaralan sa bayang ito partikular sa Brgy. Sta. Lucia Elementary School, sang ayon sa ipinag uutos ng Department of Education (DepEd) na maghanda na para sa pagbabalik ng F2F classes.

Ayon kay DepED District Supervisor Dr. Gregoria Gutierrez inatasan niya ang bawat punong guro na mag-ayos sa kanilang mga paaralan sa napipintong tradisyunal na pag-aaral na gaya ng kinagawian.

Sa kabila nito, umaasa si Dr. Gutierrez na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mamamayan ng Nagcarlan sa pagsunod sa mga safety health protocols at kung ang lahat ay magpapabakuna, aniya ay muling mararanasan ng mga estudyante ang face-to-face classes.

Kaugnay nito, hinihikayat ng DepEd ang lahat ng public school sa bansa na magsagawa ng self-assessment gamit ang School Safety Assessment Tool  bilang paghahanda sa pagpapalawak ng pilot test ng face-to-face classes na sisimulan ngayon, Nobyembre 15,2021.

Opisyal ng inilabas ng field operations ng DepEd ang listahan ng 100 public schools na lalahok sa pilot face-to-face test run mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, ayon kay DepEd–Planning Service Director Roger B. Masapol

Nagpahiwatig ng suporta sa DepEd ang United States Agency for International Development, GIZ fit for school, United Nations Children’s Fund, Sustaining Education Reform Gains project (Australian Embassy), United Laboratories, Inc. (UNILAB), Save the Children, Aboitez, Procter and Gamble, PBED, Aral Pilipinas, UP NISMED, UPOU, Unang Hakbang Foundation Inc,  World Bank at World Vision sa naka iskedyul na pagpapatupad ng ligtas na pilot run ng face-to-face classes, ayon pa rin sa report.

Retired PNP Chief Guillermo Eleazar, tatakbong senador

0

Tatakbong senador si retired PNP Chief Guillermo Eleazar sa ilalim ng grupo ni Senator Ping Lacson, kandidato sa pagkapangulo at panglabang vice president nito na si Senator Tito Sotto matapos siyang manumpa kamakalawa bilang bagong kasapi ng Partido Reporma.

“Yes, I confirm that he will run under Partido Reporma to substitute for Paolo Capino who has announced his intention to withdraw from the senatorial race yesterday,” ayon sa mensahe ni Lacson sa mga mamamahayag.

Si Eleazar ay tubong Tagkawayan, Quezon.

Environmental art contest, inilunsad ng DENR Calabarzon

0

???????? ????????????? ????????? ?????, ipinagdiriwang ngayong Nobyembre.

Calamba City, Laguna. Inilunsad  ng Department of Environment and Natural Resources Calabarzon ang “Nurture Nature for a Sustainable Future,” isang 2021 National Environmental Awareness Month Art Contest na bukas para sa lahat ng Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas at nasa edad 15 pataas.

Anim na kalahok ang magwawagi at tatanggap ng mga premyo na P20,000 para sa first prize, P15,000 para sa second prize, P10,000 para sa third prize, P5,000 sa magwawagi ng People’s Choice Award, P5,000 sa Most Engaging Award at P5,000 sa Honorable Mention. Tatangap din ng certificate of recognition at Environmental Management Bureau give aways ang mga magwawagi.

Ang mga kalahok ay maaaring mag rehistro hanggang Nobyembre 20, 2021 sa link na ito:

https://tinyurl.com/EMB4ANEAM21m

Nasa nabanggit ding link ang mga detalye ng art contest.

Ang National Environmental Awareness Month and Education Act tuwing buwan ng Nobyembre ay idineklara noong 2008 upang palakasin ang kamulatan sa kahalagahan ng pangangalaga sa yamang kalikasan at sa sustainable growth and development ng bansa partikular sa kabataan.

Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill, inaasahang ipapasa ng Kongreso

0

Illegal logging hotspots sa 20 barangay sa Real, Infanta at Nakar, mahigpit na binabantayan.

Infanta, Quezon.  Nagsagawa ng ocular inspection sa impounding area si Department of Environment and Natural Resources CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa DENR CENRO Real sa Brgy. Abiawin, Infanta, Quezon kamakailan.

Nakita dito ang 49 na chainsaw na kinumpiska sa mga nahuling illegal logger sa Quezon mula noong 2016 hanggang 2020, ayon sa report ng Information and Statistics ng DENR CALABARZON 2020.

Humigit kumulang na 400,000 ektarya o 69% ng kabuuan ng lupang kagubatan ng Region 4A ay nasa Quezon. Nakakapag operate ang timber poaching at illegal logging sa  lugar dahil sila ay nakakapagtago sa makapal na kagubatan dito, batay sa report ng 2020 Philippine Forestry Statistics of the Forest Management Bureau. 

Samantala, 20 barangay sa Real, Infanta at Gen. Nakar ang napag alamang mga hotspot ng illegal logging at timber poaching. Upang masugpo ito, nagsagawa ang DENR CALABARZON ng paralegal training sa mga Deputized and prospective Environment and Natural Resources Officers (DENROs) sa pamamagitan ng Enforcement Division nito.

Kaugnay nito, umaasa ang DENR CALABARZON na ipapasa ng Kongreso ang  Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill upang epektibong maipagpatuloy ang pagpapatupad ng batas sa kalikasan at mahuli ang mga lalabag dito.

“Hindi po lingid sa ating kaalaman ang kinakaharap na hazard ng ating mga kasamang bantay gubat at DENROs kaya naman patuloy ang ibayong pagsulong sa pagpapatupad ng inihain nating bill ukol sa pagtataguyod ng Environmental Protection and Enforcement Bureau. Sa pamamagitan nito ay gagamit tayo ng angkop na sistema at teknolohiya para siguruhin ang kaligtasan ng ating kalikasan pati na rin ng ating enforcers,” ayon kay Tamoria.

Sa kasalukuyan ay may 65 na bantay gubat volunteers mula sa Haribon Foundation na nakatalaga sa Real, Infanta at Nakar. Balak ng DENR CALABARZON na ibilang sila sa mga miyembro ng DENRO kapag aprubado na ang EPEB Bill.

Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon at Lucena City nasa Alert Level 2 na mula bukas

0

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force kahapon, Nobyembre 13, 2021 ang paglalagay sa mga sumusunod na lungsod, bayan at rehiyon sa bagong Alert Levels. Ang Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon at Lucena City sa Region 4A ay nasa sa ilalim na ng Alert Level 2 mula bukas, Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 30, 2021.

Ang Catanduanes ay nasa Alert Level 4 mula Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region at Siquijor sa Region VII ay ilalagay sa Alert Level 3 mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.

Ilalagay din sa ilalim ng Alert Level 3 ang Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya sa Region II at ang City of Isabela at Zamboanga City sa Region IX mula Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.

Samantala, nasa Alert Level 2 na rin simula ngayon araw, Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang  Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan at Ilocos Norte sa Region I; Tacloban, Southern Leyte, Samar (Western Samar), Ormoc City, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte and Biliran sa Region VIII; South Cotabato, Sarangani, General Santos City, Sultan Kudarat, at Cotabato (North Cotabato) sa Region XII.

Inilagay naman sa  Alert Level 2, mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang National Capital Region; Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental at Iligan City sa Region X; at Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental sa Region XI.

Nasa ilalim din ng Alert Level 2, effective Nobyembre 17, 2021 hanggang November 30, 2021 ang City of Santiago, Cagayan at Isabela sa Region II; Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate sa Region V; Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur sa Region IX.

Biñan City, nagsimula ng pediatric vaccination program para sa mga walang comorbidities

0

Biñan City, Laguna.  Sinimulan sa lungsod na ito ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 na walang comorbidities, kahapon sa Southwood mall vaccination site.

Samanta, ang mga menor de edad na hindi pumapasok sa eskwela ay pinapayuhang magpatala sa vaccination program sa kanilang lokalidad sa pamamagitan ng online registration o makipag ugnayan sa kanilang barangay health center.

Ang mga nasa kategorya naman ng A3 o may comorbidities na pumapasok at hindi pumapasok sa eskwela ay maaaring magtungo ng direkta sa Historic Alberto Mansion-Ospital ng Biñan Extension upang magpabakuna.

Kaugnay nito, nananawagan si Biñan mayor arman Dimaguila sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 12 hanggang 17. 

Ititigil ang pagtanggap ng mga walk-in sa Alonte Sports Arena vaccination site upang bigyang daan ang pediatric vaccination program sa nabanggit na bayan, ayon pa rin kay Dimaguila

Mga taong nag aatubiling magpabakuna, babahay bahayin ng DOH-Calabarzon at mga LGUs

0

Lalawigan ng Laguna at Rizal, target na bahay bahayin ng DOHCALABARZON

Calamba City.  Sinimulan Department of Health CALABARZON at ng mga local government units (LGU) sa mga lalawigan ng Laguna at Rizal ang house-to-house na kampanya upang solusyunan ang pag aatubili sa pagpapa bakuna sa pamamagitan ng lokal na paghahatid ng inpormasyon.

“Napakahalaga ng tamang impormasyon at tamang komunikasyon upang malabanan ang vaccine hesitancy at misinformation na natatanggap ng mga eligible recipients. Kailangang gawin ang localized information campaign upang mas maging focused ang pagbibigay at pagpapaliwanag sa kahalagahan ng bakuna laban sa Covid-19. Ang bakuna ay nakakapag ligtas ng buhay. The delay in the acceptance or refusal to accept the vaccine despite its availability is a threat not only to the individual but to the family and community as well,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo. 

Tinukoy ng DOH ang mga barangay sa dalawang nabanggit na lalawigan kung saan ay mataas ang vaccine hesitancy rate, ayon kay  Jeannette C. Atienza, head of the regional Health Education and Promotion Unit (HEPU) na mangunguna sa isasagawang house-to-house information dissemination.

Kabilang sa mga dahilan ng pagtanggi sa bakuna ang pagdududa sa bisa at kaligtasan ng bakuna, paniniwalang panrelihiyon, takot sa karayom at maling impormasyon na sanhi ng mga fake news, batay sa paliwanag ng DOH CALABARZON.

“This can only be addressed through effective communication and ensuring that proper information given to intended targets. This requires effective outreach activity to be able to provide them the knowledge and information on the various vaccine options and understand their role in it. Makakatulong din dito ang mga nabakunahan na upang makapagbigay ng personal at aktwal na karanasan at pagpapatunay sa kaligtasan at kahalagahan ng bakuna laban sa Covid-19. The information they provide helps lessen misinformation and prevents its negative consequences,” dagdag pa ni Atienza.

Pinulong din ng DOH sa nabanggit na rehiyon ang mga empleyado mula sa mga tanggapang panlalawigan at pambayan sa Laguna at Rizal kasama ang mga barangay health workers, barangay officials at mga guro at binigyan ng tamang  kaalaman kung paano hihikayatin ang mga mamamayan na ayaw magpabakuna dahil sa mga maling akala tungkol sa bakuna.

Samantala, umabot na sa 10,100,763 ang bilang ng nabakunahan na sa CALABARZON, batay sa report noong Nobyembre 9, 2021.

Nagbibigay ng value sa negosyo ang pantay na playing field

“They (PUV drivers) don’t buy from Petron, Shell, Chevron, if at all they buy a little, perhaps so they can get a receipt. They buy in bulk from the new players because these companies are very ‘efficient’ and have very low overhead cost and are able to sell, on average, P10 cheaper than us. Do’n na sila bumili,” Ito ang sinabi ni Ramon Ang, Chief Executive Officer at Executive Director ng Petron kailan lang.

Inaalok na ni Mr. Ang sa gobyerno na bilhin na nito ang Petron kung sa tingin nito ay pagkakakitaan nila ito. Sa pagitan ng mga linya ay tila sinasabing “kumilos naman kayo at ayusin ninyo ang isyung ito.”

Alam nating lahat na sa commerce, ang level playing field ay isang konsepto ng fairness. Hindi lahat ng player ay may pantay na tsansang magtagumpay pero lahat ay nakabubuting maglaro gamit ang iisang set of rules.

Nalugi ang Petron ng 18B noong isang taon sa panahon ng kalupitan ng pandemic.

Hindi lang si Mr. Ang na boss ng San Miguel Corporation ang tinatalo ng maliliit na players.

Sa food delivery na lamang kung titingnan natin ay talo din ang big players.

Ang kaibigan kong si Sherwin Velasco halimbawa na may ari ng Wen Tan Food Haus ay pumasok din sa online selling ng kanyang restaurant food sa onset ng pandemic. No choice.

Si Sherwin ay nagbabayad ng annual mayor’s permit, monthly BIR report, FDA license at iba pang requirement sa food business. Bukod pa ang gastos sa personalized packaging. Syempre ay kailangan ding bawiin ang ipinagpagawa ng restaurant grade kitchen at mga kitchen equipment.

Mula noong pumutok ang epidemya, dumami ang maliliit na food delivery businesses. Napakaraming mapagpipilian sa online selling ng ulam, meryenda, pulutan, refreshment at kutkutin. Marami dito ay home cooked na pagkain na sa kanya kanyang kusina lang niluluto. Hindi lahat ay sumusunod sa Department of Trade and Industry na mag rehistro ng company name at hindi rin lahat ay kumuha ng mayors permit at iba pang kaukulang permit at higit sa lahat ay mayroon ding mga hindi nagbabayad ng buwis. Lalo na ang mga hindi kasali sa mga buy and sell pages sa Facebook.

Hindi naman natin sila tinutuligsa. Natutuwa naman tayo dahil maraming kumikita kahit may epidemya. Gusto ko lang ipakita na kahit sa hanapbuhay ay talo ni David si Goliath, gaya ng nangyari sa higanteng si Mr. Ang.

Dahil maliit o halos walang overhead ang maliliit na negosyo, nakakapagbaba sila ng presyo laban sa malalaking negosyante na namuhunan ng malaki at tapat sa BIR.

Sa ngayon, ang labanan ng malalaki at maliliit na online food business ay nasa pasarapan na lang. Kung masarap ang tinda mong pagkain, maraming oorder sa iyo. Bukod dito, ay walang proteksyon ang mga legitimate na player sa food industry.

Marahil ay kailangang maging aktibo ang mga kinaukulang ahensya ng pamahalaan sa pagre regulate ng mga negosyo hindi lang sa online selling ng lutong pagkain kung hindi sa lahat ng uri ng industriya. Lahat ay magiging masaya kung gagawing parehas ang mga playing field. Mas gaganda ang takbo ng ekonomiya dahil tataas ang productivity, lalawak ang economic opportunities, lalaki ang tunay na income ng tao at pagagandahain nito ang overall welfare.

Yorme Isko Moreno, bumisita sa Laguna

0

Three-point program ng Isko sa Laguna: Bilis Kilos Team, isiniwalat

Cabuyao City.  Bumisita kaninang umaga sa lungsod na ito si Isko Moreno o Yorme Isko, ang standard bearer ng Aksyon Demokratiko ng Pilipinas kasama ang vice presidential partner nitong si Dr. Willie Ong na tumatakbo sa ilalim ng grupong “Bilis Kilos Team.”.

Sa ginanap na public consultation sa sektor ng senior citizen at youth, ipinaliwanag ni Yome Isko ang kanyang three-point program na 50% bawas sa buwis sa gasolina at elektrisidad, makatotohanang programa sa pabahay at pagsisikap na maitaas pa ang antas ng edukasyon sa bansa.  “Pagtuunan po natin ng pansin ang pagbaba ng presyo ng gasolina upang lahat ng bilihin ay maging mas mura sa pamamagitan ng pagsasaayos ng buwis nito,” ayon kay Moreno.

Kasama ni Moreno ang mga katiket na kandidatong senador na sina  Samira Gotoc, Carl Balita at Jopet Sison. 

Ang grupo ni Moreno ay mainit na tinanggap ni Cabuyao Mayor Mel Gecolea.