Monday, April 21, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 621

Eco-friendly Christmas tree, inilawan sa Teresa, Rizal

0

Teresa, Rizal.  Inilawan sa bayang ito kamakailan ang eco-friendly Christmas tree na gawa sa mga lumang face shield acetate, straw, bunot, at iba pang recyclable materials sa isang programang pinamagatan YES Recycled Christmas Tree Lighting Ceremony.

Pinangunahan ni  GSIS Trustee Nina Ynares bilang kinatawan ni Governor Ynares ang seremonya ng pag iilaw ng makulay at recycled Christmas tree kasabay ng fireworks display.

Dumalo sa ginanap na programa sina Vice Governor Junrey San Juan, Bokal Dino Tanjuatco at si Teresa Mayor Raul Palino kasama ang mga miyembro ng sangguniang bayan ng Teresa.

Sumaksi din ang mga barangay chairman at mga hepe ng iba’t ibang departamento ng munisipyo ng nabanggit na bayan.

Pediatric vaccination, sinimulan sa Sta. Rosa City

0

Sta. Rosa City.  Sinimulan ang pilot run ng pediatric vaccination sa bayang ito sa apat na vaccination sites sa MDI Sinai Hospital, The Medical City South Luzon, Qualimed at Sta. Rosa Community Hospital.

Samantala ay sinimulan din kamakailan ang regular roll out ng pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas, simula sa Nobyembre 5 ay magkakaroon ng lane sa mga bata ang lahat ng vaccination sites.

Tuloy tuloy ang online registration para sa seniors, adults at pediatric vaccination, ayon kay Arcillas. 

Para sa guidelines, pumunta sa website ng Sta. Rosa City sa:

City Government of Santa Rosa, Laguna

Php 1B grant para sa PUV drivers, ipamamahagi ng LTFRB

0

Maglalabas ng Php 1B ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na cash aid sa mga kuwalipikadong public utility vehicle (PUV) driver bilang fuel subsidy assistance sa ilalim ng Pantawid Pasada Program bilang tugon sa tumataas ng presyo ng langis, ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

Binabalak na ipamahagi ang isang bilyong pisong grant sa mga PUV driver sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines. Bibigyan ng cash card ang mga benepisaryo na katulad ng ginawa sa Pantawid Pasada Program, ayon sa report.

“Indeed, this underscores our commitment to cushion the impact of the oil price hikes to the transportation sector. Hindi man po natin maiwasan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at langis ay iniibsan naman po natin ang kahirapan lalung-lalo na iyong mga naghahanap buhay sa sektor ng transportasyon,” ani Roque.

Umaasa ang LTFRB na ang pondo ay lalabas sa lalong madaling panahon. Gayon pa man, wala pang ibinibigay na tiyak na petsa sapagkat anila ay tatapusin pa ang pagpapatunay sa mga benepisyaryo at ang fund disbursement process anila ay hinihintay pang matapos.

PNP Chief Guillermo Eleazar, pinarangalan ng PMA

0

Baguio City.  Pinarangalan ng Philippine Military Academy (PMA) si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa isang Testimonial Parade at Review sa Fort Gregorio del Pilar, lungsod na ito ngayon, Nobyembre 7, 2021.

Si Gen. Eleazar ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre 13, buwang kasalukuyan.

Samantala, sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na nakapag sumite na siya ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kung sino ang hahalili kay Eleazar. 

Ayon sa report, nakapag sumite na si Año ng limang pangalan sa pangulo batay sa Napolcom Resolution Nr 2021-1420. 

Hindi binanggit ng interior secretary ang mga pangalan ng limang inirekomenda.

“The President may choose among the list or he may also exercise his discretion to choose anyone from the current PNP generals. I gave the list to PRRD on Nov 2, 2021,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año. (Photo credits: PNA)
PMA Testimonial Parade at Review sa Fort Gregorio del Pilar, Baguio City bilang parangal kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar. (Photo credits: Police Regional Office 4A)

Nagpiket sa harap ng munisipyo ng Tiaong ang mahigit na 300 na magsasaka at residente

0

Lumbo Spring Project, mariing tinututulan ng mayoryang magsasaka sa Tiaong, Quezon

Tiaong, Quezon. Nagpiket ang mahigit na 300 magsasaka at residente sa harap ng munisipyo ng bayang ito upang tutulan ang Lumbo Spring project.

Tinuligsa ng mga magsasaka ang proyekto at ayon sa mga placard na bitbit nila, “ang Lumbo Spring ang aming buhay at ito ay aming pag aari,” sa isinagawang kolektibong pagtututol na ipinahayag nila noong Miyerkules, Nobyembre 3.

Ang Lumbo Spring ay matatagpuan sa timog ng San Pablo City at kanluran ng Dolores, Quezon,

Matatandaan na noong nakaraang Nobyembre 2020, ang San Pablo City Water District (SPCWD) at Dolores Water District (DWD) ay pumirma at naglabas ng Notice of Award para sa Php 103M proyektong Lumbo Spring Bulk Water Supply project sa isang consortium na pinangungunahan ng Udenna Water Integrated, Inc. na nasa ilalim ng public-private partnership scheme, ayon sa ulat.

Ang Udenna Consortium, ayon pa rin sa report ay pinangungunahan ng isang negosyanteng taga Davao na nagngangalang Dennis Uy na nabigyan ng kontrata upang magtatag ng isang pasilidad na kukuha ng 12 milyong litro ng tubig araw araw mula sa Lumbo Spring na itutustos sa pangangailangan ng mga concessionaire ng SPCWD sa San Pablo City.

 “Patuloy naming tinututulan ang proyektong ito sapagkat ang tubig na ito ang aming buhay at ito ay pag aari namin.  Nananawagan kami sa mga tao sa likod ng proyektong ito. Kung ipagpapatuloy nila ito ay lubhang malaki ang magiging epekto nito sa amin. Maraming maghihirap dahil dito at kapag nagutom ang mga tao dito ay mapipilitan silang pumasok sa mga ilegal na gawain” ayon kay Joe Barcelona, pangulo ng Tiaong Irrigators.

Idinagdag pa ni Barcelona na ang pangunahing pinagkukunan nila ng tubig na dumadaloy sa mga sapa papunta sa 16 na barangay ay ang Bulaknin River na kumukuha ng tubig sa Lumbo Spring. Ang mga ilog na ito, ayon sa kanya ay nagsasanib sa Lagnas River at Malaking Ilog River na naghahatid ng serbisyong patubig sa mga lupang sakahan sa nabanggit na bayan.

Samantala, sinabi naman ni Tiaong Municipal Mayor Ramon Preza na nakikiisa siya sa sentimyento ng kanyang mamamayan at aniya ay patuloy niyang tutulan ang nabanggit na proyekto lalo na kung ito ay makakaapekto sa buhay ng kanyang mga kababayan.

Sa bahagi naman ng National Irrigation Administration (NIA) sa Region 4A, sinabi nilang ang Lumbo Spring ay isang protected watershed area batay sa House Bill 8430 na iniakda ni Quezon 2nd District Representative David Suarez. 

Sinabi ni Sofia Carmelita Resurrecion, NIA Supervising Institutional Development Officer na tutulong sila sa pagpapatupad ng nabanggit na House Bill sa lalong madaling panahon.

Batay sa kalilimbag pa lamang na mga report ng NIA, sinabi nito na ang nabanggit na proyekto ay magsasanhi ng malubhang  kakulangan sa tubig na nakalaan para sa irrigation system ng lalawigan ng Quezon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang ipinalalabas na pahayag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa nabanggit na usapin.

Population protection, inaasahan bago matapos ang 2021

0

26.06 porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas fully vaccinated na

Tinatarget ng pamahalaan na makapag bakuna ng limang milyong Pilipino sa tatlong araw na National Vaccination Day ngayong buwan ng Nobyembre. 

“Our target here is to administer jabs for about five million. The plan is this November and that’s already in the pipeline. It’s a convergence of all sectors, of the national government, private, and other entities so that we can arrive at that particular target.,” ayon sa isang panayam kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 head of strategic communications on current operations, Assistant Secretary Wilben Mayor.

Ang nabanggit na malaking vaccination drive ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon ng herd immunity o “population protection” bago matapos ang taong 2021.

Hindi lamang bakuna ang isasagawa ng nabanggi na kampanya. Mayroon din itong pakikipag dayalogo sa mga eksperto hinggil sa kahalagahan ng bakuna, ayon sa report.

Habang sinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 28,718,856 na Pilipino ang may dalawang doses ng bakuna. Ang bilang na ito ay katumbas ng 26.06 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng NTF, umabot na sa 28,718,856 ang Pilipino ang fully vaccinated o 26.6 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

UMAASANG MAKAKAPAGBAKUNA NG 5M NGAYONG NOBYEMBRE. Sumasagot si National Task Force Against Covid-19 head of strategic communications on current operations, Assistant Secretary Wilben Mayor sa mga katanungan ng media kasabay ng pagdating ng 866,970 doses ng bakunang Pfizer sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 in Pasay City kamakailan. (Photo credits: PNA)

Fake news hinggil sa hahaliling PNP chief, iniimbestigahan ng PNP Anti-Cybercrime Group

0

Hindi ako ang susunod na PNP chief: Major General Rhodel Semornia

Iniimbestigahan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang umiikot na fake news sa social media na diumano ay si Major General  Rhodel Semornia ang susunod na PNP chief.

Nag anunsyo ang fake news sa Facebook ng retirement of honors at change of command ceremony ni Chief PNp Gen. Guillermo Eleazar at sinabing si Semornia ang hahalili sa kanya.

“This is to inform the public that this post never came from us. It is malicious and we take offense from whoever orchestrated this. We believe this is the work of saboteurs who wish to put malice on the President’s upcoming appointment of the new Chief PNP. To those who want to put in harm’s way the candidates for the top most position, I warn you that you will be held accountable for your crime.” ayon kay Semornia.

Si Eleazar ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre 3, 2021 sang ayon sa mandatory retirement age na 56.

Kaugnay nito, nakatakda pang  ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang hahali kay Eleazar.

Nakatakdang magretiro sa Nobyembre 3, 2021 si Chief PNp Gen. Guillermo Eleazar sang ayon sa mandatory retirement age na 56.
Fake na anunsyo ng retirement honors at change of command ceremony na umiikot sa Facebook.

Police Major General Semornia, ikinatawan si PNP Chief Eleazar sa Joint National/Regional Task Force meeting

0

Puerto Princesa City.  Ikinatawan ni Police Major General Rhodel O. Semornia si PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pulong ang mga opisyal ng gabinete sa Joint National /Regional Task Force  for Regional Development and Security CORDS) IV-B na ginanap kahapon sa lungsod na ito.

Ang nabanggit na pulong ay dinaluhan nina President Rodrigo Roa Duterte, Senator Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, NSA Sec. Hermogenes Esperon at iba pang opisyal ng Malacañang.

Iniharap ni Semornia sa ginanap na pulong ang mga programang strategic direction ng PNP-DO at DPCR na sabay na pinaiiral sa bansa, ang Strong Finish/Happy Ending ng ilegal na droga at ang Decisive Victory upang wakasan ang lokal na communist armed conflict gayon din ang malakas na mobilisasyon ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at ng Force Multipliers. Kasama din dito ang paglulunsad ng Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Road to National Recovery,at ange Lingkod Bayan Malasakit Livelihood Training Center.

Landbank clients, pinag iingat sa SMiShing

Mag ingat sa pagla log in sa inyong online bank, ayon sa babala ng Landbank of the Philippines (LBD).

Ang mga manloloko, ayon sa advisory ay nambibiktima sa pamamagitan ng SMS Phishing (SMiShing) na nagsasabi na mag download ng mga malisyosong link sa pagkuha ng password o One-Time Pin (OTP).

Ipinagbibigay alam ng LDB na ang kanilang online banking ay hindi humihingi ng impormasyon tungkol sa inyong account at hindi rin nag uutos ito na mag download ng kahit anong link sa paghingi ng OTP sa pamamagitan ng text. 

Hinihiling ng pambansang bangko na i update ang inyong mga registered mobile numbers sa mga sumusunod na channels lamang:

  1. pdating of mobile number LANDBANK iAccess via https://www.lbpiaccess.com – In the iAccess Main Menu, select “View Client Profile” under “Administration” Menu, and click the “Update Mobile No.”
  2. Updating of mobile number via email –
    •  Download the LANDBANK PhoneAccess and iAccess ENROLLMENT & MAINTENANCE AGREEMENT FORM through this link:
    • https://www.lbpiaccess.com/Enrollment.pdf
    • Put a (√) mark in the space provided for “Updating of Profile” under iAccess Enrolment, and input your updated mobile number in the “A. Account and Contact Information” Section; and
    • Attach a copy of your valid ID and send it to your branch of account via email
  3. Updating of mobile number via branch visit – go to your servicing LANDBANK branch to update your mobile number.

Kung sa iyong palagay ay nabiktima ka ng SMiShing, agad makipag ugnayan sa Landbank Customer Care Hotline at (+632) 8-405-7000, or PLDT Domestic Toll Free Hotline at 1-800-10-405-7000, or email us at customercare@mail.landbank.com.

Landfill remediation, sinimulan na sa lumang sanitary landfill sa San Mateo

0

400 na kawayan, itinanim sa old San Mateo sanitay landfill

San Mateo, Rizal.  Sinimulan ang rehabilitasyon ng lumang sanitary landfill sa bayang ito kasabay ng pagtatanim ng 400 na puno ng kawayan na pinangunahan ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda.

“This place was sacrificed long time ago as the waste basket of Metro Manila and I thank the people of San Mateo and Rizal for this. Rather than pointing fingers to people who are irresponsible in terms of solid waste, we would rather act on it. Kahit anong linis ng government kahit anong pondo ang ilaan, kung hindi magtutulong tulong ang tao, wala pong mangyayari. Kung ayaw pong tumulong, ‘wag na lang pong magkalat,” ayon sa mensahe ni Antiporda.

Samantala, pinuri ng under secretary sang tanggapan ng Environmental Management Bureau hinggil sa nabanggit na rehabilitation project. “Noon ay hindi masyado pinag-uusapan ang basura pero ngayon, hindi lang pinag-uusapan, inaaksyunan pa.” dagdag ni Antiporda.

Ipinaliwanag naman ni Engr. William P. Cuñado, Director of the Environmental Management Bureau ang katuwiran sa likod ng sinimulang rehabilitasyon. “We are now launching a very big project that will show cause for the environment in terms of rehabilitation and also for the economic view where we convert this area into an eco-park. We are going to embark on the greening of the old San Mateo sanitary landfill by planting bamboo which is very appropriate in this area. The old San Mateo sanitary landfill has already ceased its usefulness as a disposal site but it does not mean that we cannot restore it into something remarkable.” ayon sa kanya.

Ayon pa rin ka Cunado kung bakit kawayan ang napiling itanim sa binuksang San Mateo Garden and Eco-Park, “Bamboo roots are used as a filter to draw out the toxic substances that will give you clear water. It has a built-in team of microbes that decompose toxic substances like tri halo methane or chlorine. In that sense, the bamboo will greatly help us in purifying the water flowing through our rivers”, ani Cunado.

Sinabi naman ni DENR Calabarzon Regional Executive Director Nilo B. Tamoria na ang nabanggit na eco-park ay magsasagawa ng natural na paraan ng rehabilitasyon. “Makasaysayan dahil habang nire rehabilitate natin ang naisarang more than 70 hectares na landfill, ang rehabilitation natin ay ‘yong natural sa pamamagitan ng pagtatanim ng kawayan. Marami na ang pag-aaral at patuloy pa ang pag aaral para hanapan ng naaangkop na tipo ng species ng kawayan na maaaring makatulong sa pagsipsip ng mga kemikal at malinis ang basurahang ito,” pagbibigay diin niya. 

Kinilala din ni Tamoria ang kahalagahan ng tulungan sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, local government units at mga naninirahan sa komunidad sa pagsisikap tungo sa naturang rehabilitation project. “Nagsasalubong po ang mga prayoridad at proyekto ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Ang prayoridad ng lalawigan sa pamamagitan ng YES to Green program, ang prayoridad ng EMB para sa safe closure ng sanitary landfill, at prayoridad ng ating kalihim na i-propagate ang kawayan bilang pangunahing species sa regreening program ng ating pamahalaan”, ayon sa kanya.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Rizal Governor Rebecca Ynares at si Rizal Vice Governor Reynaldo San Juan, Jr. sa re-greening project ng lumang sanitary landfill sa kanilang nasasakupan. Ito, ayon sa kanila ay makatutulong ng malaki sa pagpapalakas nila malusog na ecosystem sa lalawigan ng Rizal.