Monday, April 21, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 623

Punong pamana sa mga public schools, pangangalagaan ng DepEd

0

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) para sa proteksyon at pangangalaga ng heritage trees sa mga paaralang pampubliko at sa promosyon ng halagang pang edukasyon ng mga ito, sa ika 64 na yugto ng “Stories for a Better Normal: Philippine’s Heritage Trees in Schools na tinalakay sa isang zoom meeting na isinagawa kanina.

“It is always a good opportunity for DepEd and for us educators to bring environmental education to homes and communities. Our country has been blessed with enormous biodiversity, and our heritage trees are one of our national treasures. We must appreciate and teach our young generation on how to further protect it,” ayon kay Secretary Leonor Magtolis Briones.

Ibinahagi ni Adolf P. Aguilar, chief ng Bureau of Learner Support Services – Youth Formation Division (BLSS-YFD) ang kahalagahan ng environmental education at ang mga paraan kung paano itataguyod ng DEpEd ang  konsepto ng biodiversity sa mga kabataan ngayong panahon ng epidemya.

“Kaya ang YES-O, National Greening Program (NGP) namin, Gulayan sa Paaralan sa DepEd, ay dito na namin dinadala ang advocacy at pag-create ng mga immediate actions for the environment. Ang YFD ay patuloy lamang sa pag-promote ng mga advocacies na ito para sa kalikasan,” ayon kay Aguilar.

Iniharap din ng BLSS-YFD ang NGP hinggil sa “Search for Heritage Trees” sa mga public school, isang programa na naglalayong mapanumbalik ang imbentaryo ng mga punong pamana sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Pangunahing misyon din nito ang pagpapatindi ng pangangalaga sa kalikasan,  dagdag pa ni Aguilar.

Ang ginanap na online discussion ay sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Deputy Speaker Legarda at ng Climate Change Commission at sa suporta ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at ng Mother Earth Foundation.

Pediatric vaccination pilot run, isinagawa sa Batangas

0

Batangas City. Isinagawa sa Batangas Medical Center sa lungsod na ito ang symbolic pediatric vaccination program para sa mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidities noong Oktubre 29.

Nakatakdang isagawa ang aktwal na pediatric vaccination rollout sa unang linggo ng Nobyembre. Samantala, ipinaaalala ni Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta na bago magpabakuna ay tiyakin muna na may medical clearance, informed consent ng magulang o guardian at assent o pagsang ayon ng batang babakunahan.

Mahalaga din ayon kay Ozaeta na makipag ugnayan muna sa lokal na pamahalaan at magtanong kung maaari ng magparehistro para sa pediatric vaccination program.

Ayon naman kay Batangas Governor Dodo Mandanas, ang nabanggit na inisyatibong ay bahagi ng mga programa ng Batangas provincial government upang makamit ang herd immunity sa nabanggit na lalawigan.

Ang isinagawang pilot run ng bakunahan ay itinaguyod na Department of Health (DOH) – Center for Health Development CALABARZON, Batangas Provincial DOH, Batangas Provincial Health Office, Batangas City Health Office, at Batangas Medical Center.

PRO4 Calabarzon Police Regional Office presents annual presentation of accomplishments today

0

PRO4 Calabarzon Police Regional Office presents Annual presentation of accomplishments. Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar together with Police Regional Office 4A (PRO) CALABARZON Director PBGen. Eliseo DC Cruz during the presentation of accomplishments under the PNP’s Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) in PNP Chief’s visit on the celebration of the 120th Police Service in Camp Brigadier General Vicente P. Lim, Calamba City, today, November 2, 2021.

Magsasakang Batangueño, nabigyan ng kagamitan sa pagsasaka

0

Batangas City. Nabigyan ng pondo ng Capability Development Fund ng Office of the  Provincial Agriculturist (OPAg) ang mga magsasakang Batangueño na ginamit sa pagbili ng  4 na units ng 92.5 hp-Four-Wheel Drive Tractor, 2 units ng 41 hp-Four-Wheel Drive Tractor, at 2 units ng Multi-Tiller/Cultivator na pawang may mga kumpletong farm implements at accessories.

Ang nabanggit na tulong ay sang ayon sa direktiba ni Batangas Governor Dodo Mandanas na palakasin ang pagsasaka sa lalawigan ng Batangas upang magkaroon na sapat na supply ng pagkain sa mga merkado sa kabila ng kinakaharap ng bansa sa mga hamon ng epidemya, ayon sa report.

Inaasahang matutugunan ng mga bagong kagamitan ang pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka sa mas mabilis na paghahanda ng lupang sasakahin at pagtatanim.

Gagamitin ang mga traktora at multi-tiller na inili kamakailan sa mga taniman ng mais, gulay, palay, at iba pang high-value crops. Samantalang ang mga drilling machine ay gagamitin sa paghuhukay para sa water development na mahalaga sa industriya ng agrikultura.

Android users, pinag iingat ng PNP Anti-Cybercrime Group sa FluBot malware

Nagbabala ang PNP Anti-Cybercrime Group sa mga Android users na mag ingat sa FluBot, isang virus na kumakalat sa pamamagitan ng text messages upang magnakaw ng banking at credit information.

Ang FluBot ay nakapambibiktima sa pamamagitan ng pagpapadala ng iba’t ibang mga text messages kagaya ng mga sumusunod: “You have a parcel delivery that is pending, someone is attempting to share an album with you at you have received a voicemail.”

Kapag na click, lalabas ang animo ay opisyal na warning message upang alertuhin ang mga Android users na ang kanilang device ay infected ng FluBot malware kasama ng mensahe na “Install an Android security update to remove FluBot.” Sa sandaling ma install ito, ang FluBot malware ay magda download sa Android device at magsisimulang magnakaw ng banking at credit information at contact list kung saan ay patuloy itong magakalat ng mga malisyosong mensahe, ayon sa babala ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Sa oras na ma infect ang isang android phone, maaaring magresulta ito sa malaking kawalan ng salapi.

Mag ingat sa mga text messages na natatanggap, ayon nabanggit na grupo ng anti cybercrime, na nagsasabing i-click ang isang link at nagsasabing i-forward ito ng libre sa 7726.

Ang pinakabagong threat sa Android phone users ay unang nakita sa New Zealand ng New Zealand’s computer emergency response team at kasalukuyang kumakalat na rin sa Pilipinas, ayon sa report.

Region 4A at B police offices, nakatakdang ikutin ni PBGEN Cruz

0

Taytay, Rizal.  Binisita ni PRO4A Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz ang Rizal Police Provincial Office sa Camp MGen Licerio Geronimo sa Brgy Dolores kahapon sa bayang ito.

Si Cruz ay sinalubong ng mga pulis sa nabanggit na police office sa pangunguna ni Rizal PPO PCOL Joseph Arguelles.

“Malayo na ang nararating ng PNP dahil sa programa ng ating Chief PNP PGEN Guillermo Lorenzo T Eleazar na Intensified Cleanliness Policy. Dahil sa ICP mas tumaas ang ating standards at pati na rin ang tiwala at respeto ng mamamayan sa kapulisan. Kaya nananawagan ako sa inyong lahat na sana ay mapanatili natin ang ating magandang nasimulan sa ICP,” ayon sa pahayag ni Cruz.

Kasabay nito ay ginawaran ng parangal ang mga miyembro ng naturang police office na lubhang nakapag ambag sa maayos na kalagayan ng peace and order sa nabanggit na bayan.

Si Cruz ay bumisita din kamakailan sa mga police office ng Occidental at Oriental Mindoro at nakatakdang bumisita pa sa mga tanggapan ng pulisya sa kalakhang Region 4A at B sa ilalim ng programang Talk to Men.

2M doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines, dumating mula sa Estados Unidos kagabi

0

Maynila.  Dumating kagabi ang 2,098,980 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na donasyon ng United States government sa Pilipinas sa pamamagitan ng pasilidad ng COVAX.

“I can only encourage people in the Philippines to get vaccinated, it’s a safe, very effective vaccine and that’s the way our economy and our schools get back to normal,” ayon kay U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires Heather Variava.

Samantala, pinuri ni UNICEF Deputy Representative Behzad Noubary ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagtatagumpay ng layunin  nito na makakuha ng 100M doses ng Covid-19 vaccine hanggang Oktubre. Pinasalamatan naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang Estados Unidos at ang COVAX sa pinakahuling donasyon nito na dumating kagabi.

Bilang pinakamalaking donor sa COVAX facility, ang Estados Unidos ay nakapagbigay na ng halos 28M doses ng bakuna sa bansa, bukod pa sa 20M doses na direktang ibinigay nito.

“We are very confident that we can have 1 million or 1.5 million jabs a day. Before, we thought having 300 to 500 thousand jabs a day is impossible but right now, we’re able to achieve more or less 700,000 jabs a day.” ayon kay Galvez.

Matapos maibaba ang shipment na bakuna kagabi ay umakyat na sa kabuuang 34,887,870 doses ang dumating na bakuna sa bansa, lampas sa target na 29.5 million doses na na inaasahang darating sa buwan ng Oktubre.

1M doses ng AstraZeneca vaccine, dumating mula sa Japan

0

Pilipinas, wala ng kakulangan sa bakuna

Maynila. Dumating ang 1,065,600 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng Japanese government sa Pilipinas kahapon.

Umabot na sa mahigit na 3M doses ang naipapadala ng Japan sa Pilipinas matapos maibaba kahapon ang huling donasyon na mahigit na isang milyong doses sa Ninoy Aquino International Airport. 

“This is an example of how the Philippines – Japanese alliance further strengthens every time we try to help each other especially in times of need,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.

Ayon naman kay NTF special adviser Dr. Teodoro Herbosa, dahil dito ay maaabot ng bansa ang daily jab rate na isang milyon hanggang isang milyon at kalahati. “Those of you who are still hesitant, magpa rehistro na po kayo sa LGUs ninyo at wala na tayong issue na kulang sa bakuna. Marami na pong bakuna,” ayon sa special adviser.

Kaugnay nito, binabalak buksan bilang mga vaccination sites ang mga State Universities at Colleges matapos ilista ng CHED kung alin alin at saan sa mga ito ang mga posibleng gamitin, ayon pa kay Herbosa.

Herd immunity sa Imus, inaasahang maaabot na sa katapusan ng Nobyembre

0

IMUS CITY, Cavite. Inaasahang maaabot na sa lungsod na ito ang herd immunity sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon sa report ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, ang kasalukuyang distribusyon ng bakuna sa nabanggit na lungsod ay lampas sa pang araw araw na target na 3,700 Covid-19 jabs sa ilalim ng lokal na programang Bida ang may Bakuna.

“In fact, we are able to distribute 5,000 hanggang 6,500 jabs every day,” ayon kay Maliksi.

Batay sa pinakahuling report, ang nabanggit na lungsod ay nakapagbigay na ng 369,269 doses sa mga residente na kabilang sa priority groups at 168,630 na may kumpletong doses. Dahil dito ang Imus ang una sa buong Cavite sa dami ng nabakunahan.

Mula sa 2,600 active Covi-19 cases na naitala dito noong Setyembre, bumaba na ito sa 589 ngayogn Oktubre, ayon sa report.

Patuloy ang pagbabakuna sa lungsod na ito sa vaccination site sa Robinson’s Place sa Imus. Sa kalagitnaan ng Nobyembre, ayon kay Maliksi, ay tatangap na sila ng mga taga ibang bayan o lungsod na nais magpabakuna.

Drive-thru Covid-19 vaccination sa Robinsons Place sa Emilio Aguinaldo Highway sa Imus City. Apat na tao kada sasakyan ang maaaring magpabakuna. Kailangan ay magparehistro muna at maghintay ng abiso bago pumila sa nabanggit na drive-thru vaccination site.

Rabbit industry, isusulong ng DAR

0

Caloocan City. Inutos ni Agriculture Secretary William Dar sa Department of Agriculture- Bureau of Animal Industry (DA-BAI) at kay Director Reildrin Morales na isulong at suportahan ang industriya ng pag aalaga ng kuneho at ang pamamahagi ng karne nito para sa alternatibong pagkain at hanapbuhay sa bansa.

“We will see to it that we provide strong support the massive production of rabbits to be distributed initially here in Caloocan, so we can show the world that rabbit meat can be a substitute for pork,” ayon kay Dar sa ginanap na paglulunsad ng Rabbit Dispersal Project sa Shrine of Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City noong Oktubre 26, 2021.

Susuportahan ng DAR ang adbokasiya ng Association of Rabbit Meat Producers, Inc. na pinamumunuan ni Artemio Veneracion, Jr. na nagtutulak ng pagpapaunlad ng lokal na rabbit industry. Ang BAI ang magtataguyod ng mga kaiangang guidelines at magbibigay ng tulong sa nabanggit na industriya na itinuturing na bago sa bansa, ayon kay Dar.

Dahil sa mga hamon na isinanhi ng Covid-19 at ng African swine fever sa hog industry, ang karne ng kuneho, ayon sa DA secretary ay isang malusog na alternatibo sa karne ng baboy.