Monday, April 21, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 624

San Pablo City, zero Covid-19 na ngayong gabi

0

San Pablo City, Laguna. Zero Covid-19 na ang San Pablo City, ayon sa report ni Anti-Covid-19 Incident Commander Assistant City Health Officer Dra. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon kina Mayor Loreto ‘Amben’ Amante at City Health Officer James Lee Ho.

Ayon pa rin sa report, 57 Covid-19 na pasyente ang gumaling na kaya pumalo sa 8,228 ang total recoveries. Samantala, 159 ang nananatiling active cases. Ang 154 dito ay nasa San Pablo City at ang 5 ay nasa labas ng nabanggit na lungsod.

Patuloy na pagpapaalala sina Mayor Amante at ni Dr. Lee Ho sa madlang San Pableño na masusing sumunod sa minimum health protocols at huwag maging kampante. Ayon sa kanila, bagkus ay ibayong pag iingat ang kailangan upang mapanatili ang kaligtasan. 

DepEd I-QuaranTEACH, sinimulan sa Liliw

0

Liliw, Laguna. Sinimulan sa bayang ito ang I-QuaranTEACH sa pangunguna ni Liliw Department of Education (DepED) District Supervisor Wilmer Gahite.

Si Gahite, kasama ang mga guro ay bumisita sa bawat bahay ng mag aaral sa elementarya sa mga barangay ng Malabo, Kalantukan at Calumpang sa nabanggit na bayan at tinuruan ang mga bata ng pagbasa at pag unawa o reading and comprehension.

Layunin ng  I-QuaranTEACH na tulungan ang mga mag aaral na mapaunlad at mapataas ang antas ng kasanayan ng mga mag aaral partikular sa pagbasa na ayon kay Gahite ay dito nakikita ang pag unlad sa pag aaral.

Gayon din ay upang maiparamdam sa mga bata ang kalinga at pagmamamahal ng mga guro sa panahong ito ng epidemya. Layunin din nito na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga guro at mag aaral.

“Nais ko pong ipaabot sa mga mag aaral na huwag silang huwag silang tamarin at huwag mangamba sa pagpapatuloy ng kanilang pag aaral ngayon panahon ng pandemya. Sa bahagi po ng DepEd ay patuloy kaming gumagawa ng paraan kung paano matutulungan ang mga mag aaral gayon din ang mga magulang tungo sa maayos pag aaral ngayong pasukan,” ayon sa DepEd District SUpervisor.

Ang I-QuaranTEACH ay national program ng DepEd sa ilalim ng programang “Brigada Pagbasa” na inisyatibo ng SDO Laguna Project REACH at Project BUS.

Liliw DepED District Supervisor Mr.Wilmer Gahite.

Pilot pediatric vaccination program, isinagawa sa San Pablo City

0

San Pablo City. Isinagawa ang pilot pediatric vaccination program kahapon sa San Pablo City Convention Center sa Brgy. San Jose, lungsod na ito Ang nabanggit na pilot rollout ng bakuna para sa mga edad 12 hanggang 17 ay una sa Laguna.

“Malaking pasasalamat po sa DOH at sa nasyonal na pamahalaan sa pagtitiwala sa San Pablo City na dito sa San Pablo City inilunsad ang kauna unahang roll out ng pediatric vaccination sa labas ng NCR. Pagpapatunay lamang po ito ng ang aming kahandaan ay isinusulong ng national government upang ang atin po namang mga kabataan na edad 12 hanggang 17 ay mabigyan ng proteksyon laban sa Covid 19. Lubos po ang aking pasasalamat  sa mga private doctors, mga volunteers, sa mga health workers at lahat po ng nakiisa at sumuporta dito sa pilot pediatric vaccination sa Laguna,” ang pahayag ni San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante. 

May 500 bata ang nabigyan ng bakuna kahapon, ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho. “Ang mga batang may comorbidities na tinurukan ay nirekomenda ng kanilang mga private pediatrician. Katulong din po natin dito ang Department of Education (DepEd). At nagpapasalamat ako sa DepEd, sa lahat ng volunteers at health workers at sa San Pablo Medical Society sa pangunguna ni Dr. Cristeto Azucena sa ibinigay nilang suporta sa matagumpay na pilot pediatric vaccination rollout dito sa Laguna,” ayon sa city health officer.

Walang naitalang kaso ng adverse effect following immunization (AEFI) ang San Pablo City Health Office sa ginanap na pilot program ng pediatric vaccination dito.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang online media briefing kamakailan, sisimulan ang pediatric vaccination rollout sa buong bansa sa Nobyembre 5 para sa mga edad 12 hanggang 17, may comorbidities o wala.

San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante.

Video credits: Usaping Bayan

Certificate of Ancestral Domain Title ng mga Mangyan sa Occidental Mindoro, igagawad na

0

San Jose, Occidental Mindoro.  Sinukat at tiniyak na ang mga hangganan ng 98,747.8750 ektaryang ancestral domain ng mga tribong Buhid at Bangon, dalawa sa pitong tribo ng Mangyan sa lalawigan ng Mindoro.

Ang nabanggit na lupaing ninuno ay nasasakupan ng San Jose, Rizal, Calintaan, Sablayan hanggang sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro.

Batay sa isinagawang survey ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno ni CENRO Efren I. Delos Reyes at ng Department of Agriculture (DAR), nakita sa mga hangganan ng nabanggit na ancestral domain ang mga lumang muhon na inilagay noon pang 2003 sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pinatotohanan naman ng mga “gurangon” o nakatatandang Mangyan.

Matapos ang isinagawang pagsusuri at pagtitiyak sa mga boundaries, ang mga nabanggit na tribo ay maghihintay na lamang ng titulo o Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) na inaasahang igagawad sa lalong madaling panahon.

Ang pagkakaroon ng CADT ay mahalaga sa mga nabanggit na tribo upang sila ay mapangalagaan sa dumadaming migrants na naninirahan at nagsasaka sa mga laylayan ng kanila lupaing ninuno. Ito ay magbibigay proteksyondin sa kanila sa mapanakop na modernisasyon. Sa tulong din ng CADT ay mapapangalagaan ang ecological balance sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa flora at fauna, sa mga watershed at iba pang reserve gayon din ang pangangalaga at pagpapaunlad ng mga punong kahoy sa gubat.

Samantala, lubos na nagpapasalamat si Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Ding “Talon” de Jesus sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Bayan ng San Jose sa pamumuno ni San Jose Vice Mayor Rod Agas, sa tanggapan ng DENR, DAR, kay Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano, Occidental Mindoro District Representative Josephine Ramirez-Sato, San Jose Mayor Romulo Festin at sa lahat ng ahensya ng gobyerno at NGO na sumuporta sa matagumpay na pagtitiyak ng Buhid-Bangon Ancestral Domain.

Si de Jesus ang unang IPMR ng mamamayang Mangyan na kumakatawan sa Sangguniang Bayan ng San Jose bilang isang konsehal. Kasama din siya sa mga unang nagtaguyod at kumilos sa pagsisikap na makakuha ng Certificate of Ancestral Domain ang mga nabanggit na tribo.

IM Pilipinas, inilunsad sa Laguna

0

Sta. Cruz, Laguna. Inilunsad kahapon ang IM Pilipinas 2022 sa pangunguna ni Atty. Tony Carolino kasama sina Sta. Maria Mayor Cindy Carolino, Laguna, Reyween Regalado, 4th District convenor ng nabanggit na grupo, at Francis Joseph “Milo” San Luis.

Dumalo sa ginanap na pagtitipon na ginanap sa Panganiban Compound sa Brgy. Callos, Sta. Cruz, Laguna ang mga miyembro mula ibat-ibang sektor sa Laguna 4th District kabilang ang Samahan ng Manggagawa. Samahan ng Mangingisda, Samahan ng Kabataan, Samahan ng Kababaihan, LBTQ, TODA, JODA.

Naging matingkad na kahilingan ng mga lumahok sa paglulunsad ang ayon sa kanila ay “pagpapaunlad ng antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na pagkakataon sa trabaho at hanapbuhay,” na ayon kay Carolino ay kanyang pagsisikapang matugunan sakaling palarin sa kanyang laban bilang Congressman ng Laguna 4th District sa 2022.

Ang IM PILIPINAS ay grupong sumusuporta sa presidential bid ni Isko Moreno at pinaniniwalaang may malawak na suporta sa lalawigan ng Laguna, ayon sa report.

Tamaraw Month, ipinagdiwang sa Mindoro

0

San Jose, Occidental Mindoro.  “Tamaraw at Ako: Dangal ng Pilipino. Ito ang tema ng pagdiriwang ng isang linggong aktibidad para sa buwan ng Tamaraw ngayong 2021. Sinasalamin nito ang pangako sa konserbasyon, sa ngalan ng sangkatauhan sa Tamaraw, isang kakaibang pamana ng mundo. Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis) ang pinakamalaking land animal na katutubo sa Pilipinas at nabibilang sa critically endangered species.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 273 of 2002, ang buwan ng Oktubre ay idineklarang “Special Month for the Conservation and Protection of the Tamaraw in Mindoro.” 

Ayon sa nabanggit na proklamasyon, ang lahat ng tanggapan at ahensya ng pamahalaan at mga non government organizations (NGO) sa buong isla ng Mindoro ay hinimok na magsagawa ng mga aktibidad na nakatuon sa konserbasyon ng Tamaraw at sa tirahan nito.

Lahat ng NGO, pribadong kompanya o korporasyon, people’s organizations, academic and scientific institutions, at iba pang  interest groups, sa loob at labas ng Mindoro ay inaanyayahan sa taunang selebrasyon ng espesyal na buwan para sa Tamaraw.

Ang DENR sa pangunguna ni CENRO Efren I. Delos Reyes, Tamaraw Conservation Project (TCP) at ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental and Occidental Mindoro, sa pakikipagtulungan sa mga partner organizations ay nagsagawa ng isang linggong programa para sa 2021 Tamaraw Month na nagtapos noong Oktubre 27 sa Baba Eco-Ex BioCamp “Akyat Para sa Tamaraw.”

Batay sa report ng DENR para sa taong 2021, humigit kumulang na 600 ang bilang ng tamaraw sa conservation area nito sa mga bundok ng Iglit-Baco National Park.

Carlos is elected JCI San Pablo 7 Lakes 2022 chapter president

0

San Pablo City. Maria Diana Lyn Carlos was elected 74th local organization president of JCI San Pablo 7 Lakes during a virtual election of officers held last October 28, 2021. She succeeds Immediate Past President Patrick Ivan Calapine.

The other newly elected officers include Rachelle Reginaldo, Executive Vice President; Marc Mercado, VP for Internal; Shiela Marie Estrellado, VP for External; Ennister Quijano-Santos, Director for Community; Louie Miguel Esguerra, Director for International; John Carlo Palad, Director for Individual; Rochelle Luck Bicomong, Director for Business and Maria Isabel Agencia, Treasurer.

Ms. Carlos is a licensed insurance broker and manager of DC Insurance and Surety Services and Travellers Insurance and Surety Corporation.

JCI San Pablo 7 lakes was founded in 1948. It is one of the three oldest chapters in the Philippines along with JCI Manila and JCI Tacloban.

JCI or Junior Chamber International is a global non-political and non-profit organization created for enterprising individuals ages 18-40 with over 500,000 members in more than 100 countries.  Its primary objective is to be the leading global network of young active citizens and to provide development opportunities that empower young people to initiate positive change.

Among JCI Philippines’ flagship projects are the TOYM (Ten Outstanding Young Men), Peace is Possible, Pinay Power, and Alay Lakad.

TOYM is an annual award given by JCI Philippines to give national recognition to young men and women who exhibited selfless dedication to their profession or vocation that resulted in significant contributions to the welfare of the Filipino nation.

DOH: Edad 12 hanggang 12, babakunahan sa Nobyembre 3, may comorbidities o wala

0

Quezon City. Dalawampu’t limang kaso lamang ng adverse event following immunization (AEFI) ang naitala sa 23,727 na batang nasa edad 12 hanggang 17 na may comorbidities na nabakunahan laban sa Covid-19 sa 14 na araw na pilot rollout na isinagawa sa 6 na ospital sa Metro Manila.

Tatlong AEFI ang naging malubha ang kaso na nauwi sa anaphylaxis o severe allergy na nangailangan ng injection ng epinephrine at oxygenation, ayon sa report ni Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang online media briefing  kanina.

“Yung ibang kaso, mild allergies, may konting rashes, may konting sakit sa injection site and many of these, makikita natin sa mga bata even sa measles, rubella vaccination”, ayon kay Cabotaje.

May ilang bata na nakaranas ng pagkahimatay at palpipation na ayon sa under secretary ay karaniwang immunization-related anxiety response.

Sisimulan sa Nobyembrre 3 sa mga local government unit ang pagbabakuna sa mga bata, may comorbidities o wala. Ang full implementation ng pediatric vaccination ay nakatakda sa Nobyembre 5, ayon kay Cabotaje.

“Ang 12 to 17 years old po ay 12,722,070 individuals sa buong bansa iyan and by December our target is to vaccinate at least 80 percent of the target population with two doses,” ang pagtatapos ng under secretary.

Photo Credits: Philippine News Agency

Php500M halaga ng kontrabando, nadiskubre sa isang bodega sa Tanza, Cavite

0

Tanza, Cavite. Kinumpiska ng mga miyembro ng  Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa isang warehouse sa bayang ito kahapon ang Php500M na halaga ng mga puslit na paninda.

Ayon sa report ng POM’s Customs Intelligence and Investigation Service Field Office (CIIS) at ng Enforcement and Security Service (ESS), ang mga kontrabando ay nadiskubre sa isang bodega sa  9172 Antero Soriano Highway, Barangay Mulawin sa nabanggit na bayan.

Kasama sa mga kinumpiska ang mga sari saring pagkaing gawa sa China, mga inumin, medical protective mask at mga huwad na Jordan, Nike, Crocs, and Havaianas at iba pang sikat na brand.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang mga smuggled na paninda ay ipinamamahagi ng isang lokal na grupo ng mga Intsik sa pangunguna ng nina Anna Ty at Willy Zhang.

Sina Ty at Zhang ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 1114 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Kapeng barako, palalakasin sa merkado

0

Los Baños, Laguna.  Lubhang makikinabang ang mga magsasaka ng kape at mga nagpoproseso ng kape sa Inclusive Innovation Center (RIIC) initiative in Calabarzon, ayon kay  Emelita Bagsit, Department of Science and Technology Region IV-A Director.

“Kapeng barako is the focus commodity of RIIC as this is an important commodity in the region. It would also help re-establish the branding and reintroduce barako coffee,” ang paliwanag ni Bagsit.

Ang kapeng barako (liberica) ay matapang na variety ng kape at karaniwang itinatanim sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite.

Ang RIIC sa Calabarzon ay isang inisyatiba ng pakikipagtulungan ng DOST, Department of Trade and Industry, Batangas State University (BatStateU), NEDA, PCCI, na may suporta mula sa USAID STRIDE. Nangako ang DOST-Calabarzon ng Php1.4 million upang palakasin ito.

Ang DOST-Calabarzon at ang mga katulong na ahensya nito sa pagtatatag ng RIIC ay may layuning tumulong sa mga nasa pagtatanim at kalakalan ng kape sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makabagong programa at serbisyo, at research and development sa mga micro, small at medium enterprises.