Monday, April 21, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 626

CESPO Aguilar, nagdaos ng kaarawan sa Bahay Pag asa

0

Biñan City. Idinaos ni PEMS Marco Aguilar, Police Station Executive Senior Police Officer ang kanyang ika 49 na kaarawan sa kasama ang mga bata sa Bahay Pag asa rehabilitation shelter na nasa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office at Barangay San Antonio, lungsod na ito kahapon.

Ang grupo ni Aguilar at mga bata sa nabanggit na rehabilitation center ay nagsalosalo sa isang masaganang merienda at ipinamahagi ni PLT Donna Coriza Benilda Gaurano  ang mga prutas at grocery bags sa bawat bata.

Ang outreach program na ito, ayon sa report ay nagsisilbing inspirasyon sa mga bata upang sila ay mabigyan ng bagong pag asa sa kabila ng kanilang kalagayan. “Palaging may pag-asa, pangako ng pagbabago, gobyernong maaasahan at mga taong handang sumuporta, kaya kabataan, huwag mawalan ng pag-asa,” ayon kay Aguilar sa kanyang mensahe.

Kasabay ng nabanggit na selebrasyon na may temang  “Pag-Asa sa Bahay Pag-Asa” ang ika 25 taon ng paglilingkod na PSBRC Class Pag-Asa 1996-02. 

Number 6 most wanted person sa Calabarzon, natimbog

0

Lumban, Laguna. Nahuli sa bayang ito kahapon ang isang number 6 most wanted person sa Brgy. Maylatang, bayang ito. Kinilala ni  Laguna Provincial Director at Police Provincial Office PCOL Rogarth Bulalacao Campo ang nadakip na si  Alexander Quijano y Mamonong alias Alex, lalaki, Filipino, 42 taong gulang, may asawa, isang negosyante at residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report, si Quijano ay naaresto sa loob ng operasyon na isinagawa ng Lumban Municipal Police Station sa pangunguna ni PSMS Mark Valliant C Rey, Chief Warrant PNCO sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Ed Richard P Pacana.

Si Quijano ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Iluminado M. de la Pena ng RTC Branch 28, Sta Cruz, Laguna sa kasong murder.

Nakuha ng mga awtoridad sa nadakip ang isang baril na kalibre 45 at mga bala nito at isang itim na bodybag.

Sasampahan si Quijano ng bukod na kaso ng paglabag sa RA 10591.

Maagang paghahanda sa Undas 2021, iniutos ni Chief PNP Eleazar

0

Alamin ang mga patakaran at regulasyo na ipatutupad ng inyong LGUs sa Undas

Maynila. “Ngayon pa lang ay inatasan ko na ang ating mga unit commanders na simulan ng paghandaan ang mga seguridad na ilalatag sa darating na All Saint’s and All Soul’s Day sa darating na Nobyembre 1 at 2,” ayon kay .Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar .

Pinaaalalahanan nya ang publiko alamin ang mga patakaran at regulasyon na ipatutupad sa kani kanilang government units (LGU) kaugnay sa pagbisita sa mga sementeryo at sundin ang mga ito. 

“Inaasahan ko ang ating mga chiefs of police ay makikipag ugnayan ng maaga sa kanilang mga LGU upang pagplanuhan ang mga patakarang ipatutupad sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium lalo na at nasa gitna pa tayo ng epidemya,” ang pagbibigay diin ni Eleazar..

Noong nakaraang taon, isinara ng ilang LGU ang mga sementeryo at memorial park sa araw ng Undas uang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa gitna ng banta ng Covid-19.

Ang ilang LGU naman ay nagpasunod ng schedule upang tiyakin na ang Undas ay hindi magiging super spreader.

Napatunayan ng epektibo ang maagang paghahanda sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko sa mga araw ng Undas, dagdag pa ng PNP Chief.

“Nagawa na natin ito noong nakaraang taon kaya’t nasisiguro kong magagampanan ulit ng maayos ng ating kapulisan ang kanilang tungkulin sa panahon ng Undas,” ang pagtatapos ng PNP Chief.

Walo na lang ang kaso ng Covid-19 sa San Pablo City

0

San Pablo City. Bumaba na sa walo ang bilang ng naitalang kaso ng positibo sa Covid-19 sa lungsod na ito, ayon sa report ng  San Pablo City Anti CoViD-19 Task Force kagabi.

Matatandaan na halos dalawang buwan na mataas ang bilang ng kaso dito at umabot ito sa 102 noong Setyembre 8, 2021.

Samantala, patuloy na isinasagawa sa mga vaccinations sites sa lungsod na ito ang pagbibigay ng bakuna sa mga residente at taga ibang bayan. Gayon pa man, mahigpit na ipinapayo ni San Pablo City Health Officer James Lee Ho sa lahat ng nais magpabakuna dito na bago magtungo sa mga vaccination sites ay mangyaring mag register muna sa:

TINYURL.COM/SPCVACCINATIONSTEP1

Hintayin ang confirmation email sa hatinggabi, i-print at dalhin sa venue sa araw ng iskedyul na nakatakda, ayon sa abiso.

Bagaman at kahit mga residente ng ibang bayan o lungsod ay bukas palad na binibigyan ng bakuna sa nabanggit na lungsod ay mahigpit ang kanilang tagubilin na hindi sila tumatanggap ng walk-ins o hindi registrado. 

Ang aktibong programang Vax to Normal ay sa pangunguna ni Mayor Loreto “Amben” S. Amante, katuwang ang City Health Office, mga sangguniang barangay, mga volunteers mula sa iba’t ibang sektor at mga pribadong ospital.

Magsasaka ng Sariaya, unang tumanggap ng cash assistance mula sa RCEF

0

Sariaya, Quezon.  Tumanggap ng cash assistance ang 100 magsasaka sa bayang ito mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) noong Oktubre 21.

Ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasakay ay kasabay ng inagurasyon ng Sariaya Agricultural Trading Center and Facilities (SATCF).

Pinangunahan ni Agriculture Secretary William D. Dar kasama si Quezon Province Representatives Wilfrido Mark M. Enverga (1st district) and David C. Suarez (2nd district), Governor Danilo E. Suarez, at Sariaya Mayor Marcelo P. Gayeta ang ceremonial turnover ng Intervention Monitoring Card (IMC) sa rice farmers.

“Gusto ko ibahagi ang outcome ng RTL para kayo mismo na magsasaka ang magsasabi na ito ay successful. I would like to believe that this RTL, we are successful at mas magiging successful pa kung tuloy-tuloy pa sa susunod na anim na taon ang pamimigay ng makinarya, seeds, extension service at credit program. The average retail price of rice from its peak of P45/ kilo in 2018 to P38/kilo in 2019. There is a P7 decline in rice prices. During this quarter, pina-finalize na namin iyong study at idagdag na iyong pandemya,” ayon kay Dar. Ang pag aaral na ito ay makatutulong sa National Food Authority sa pagpapasya kung kailangang taasan pa ang buffer stock.

Ang SquidPay Technology ang mamamahagi ng  Intervention Monitoring Card (IMC) na magsisilbing identification cardat cash card ng mga magsasaka.

Second phase ng vaccination para sa edad 12 hanggang 17, sinimulan na sa NCR

0

Maynila. Sinimulan kanina ang ikalawang yugto ng pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17 sa Cardinal Santos Medical Center, Ospital ng Paranaque at Quezon City General Hospital. Dumalo sa seremonyas sina Undersecretary Roger Tong-an and Department of Interior Local Government Undersecretary Jonathan Malaya. Dumating din sina Mayor Zamora, Mayor Olivares, and Mayor Joy Belmonte Sa mga ospital na nasa kani kanilang lugar ng nasasakupan.

Ipinaliwanag ng DOH na ang mga yugto ng pagbabakuna na kasalukuyang isinasagawa ay kasama sa pag aaral sa pagbubuo ng sistema at istratehiya sa rollout ng pediatric vaccination sa iba’t ibang rehiyon.

Ang mga nabanggit na ospital ay pinili ng DOH, NVOC at LGUs na gawing vaccination sites para sa mga bata sapagkat ang mga ito ay may kapasidad na mamahala ng pasyente sakaling magkaroon ng masamang epekto ang bakuna.

“Getting vaccinated against the virus, not only the adults, but also eligible children based on the Department of Health policies and guidelines will make a better environment for the kids. The lockdown has stunted their growth social-wise. They have not, since the start of the pandemic, been able to go to school through which they are taught to socialize with children and other adults. They have not been able to meet with other family members and relatives due to restrictions. They have not been getting the physical activities that the growing children should. The lockdown may have also affected their mental health. As such, we are urging that eligible children and adolescents be registered following your hospital’s mechanisms. As with other vaccines, make sure that the doses are completed on schedule. And most importantly, in the time of the pandemic, practice minimum public health standards to protect from getting infected and infecting others with COVID-19 and its variants,” ayon kay Usec. Tong-an.

Batangas State University, tumanggap ng Php 1.4M mula sa DOST-CALABARZON

0

Batangas City.  Tumanggap ng Php 1.4M halaga ng tseke ang Batangas State University mula sa DOST-CALABARZON sa ginanap na virtual na paglulunsad ng CALABARZON Regional Inclusive Innovation Center (RIIC): Linking Innovation Networks for Competitiveness (LNC CALABARZON).

Sa ginanap na programa noong Oktubre 19, ipinakita ni DOST-CALABARZON Regional Director Emelita P. Bagsit sa lead implementer ng Batangas State University, LINC CALABARZON ang tsekeng nagkakahalaga ng Php 1.4M na igagawad sa ilalim ng DOST Grants-in-Aid Program upnag pondohan ang proyektong “Strengthening Operation of [RIIC] in CALABARZON. 

Ipinakilala ni Engr. Albertson D. Amante, Vice President for Research, Development and Extension ng BatStateU ang LINC CALABARZON bilang isa sa apat na expansion sites ng RIIC. Ang tatlong iba pang site ay nasa  Regions II, III, and IX. Ang pilot site ay nasa Cagayan de Oro, DAvao at Legazpi. Ang RIIC ay naglalayong magpasimula ng masiglang ugnayan sa mga stakeholder tungo sa pagbabago ng ecosystem kasama ang  LGUs, MSMEs, technology business incubators (TBIs), laboratories, at iba pang ahensya.

Ang iba pang key players ng RIIC at LINC CALABARZON na dumalo sa virtual na kaganapan na nagpahayag ng kanilang suporta ay sina Secretary Ramon M. Lopez, Undersecretary for Competitiveness and Innovation Dr. Rafelita M. Aldaba, Undersecretary for Regional Operations Blesila A. Lantayona, at  CALABARZON Regional Director Marilou. Q. Toledo, Undersecretary for R,egional Operations Engr. Sancho A. Mabborang, Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara, and RD Bagsit represented the DOST, Engr. Amante was Atty. Luzviminda Rosales, Vice President for Administration and Finance bilang kinatawan ng BatStateU.’

Ang United States Agency for International Development (USAID) ay taga suporta ng nabanggit na proyekto sa ilalim ng kanilang Science, Technology, Research and Innovation for Development (STRIDE).

Delta AY 4.2 sublineage, wala pa sa Pilipinas

0

Maynila. Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang 46 na sublineage ng Delta variant. Ayon sa kanila ay wala pang nakikitang bagong kaso ng offshoot ng Delta variant sa bansa. Ito ay matapos lumabas ang report na ang sublineage na AY 4.2 ay nakita na sa United Kingdom (UK)  at sa iba pang bansa sa labas ng UK.

“As of this moment, experts are still studying the potential impact of the Delta sublineage on  the transmissibility and severity of COVID-19. The particular Delta sublineage has not yet been detected among the COVID-19 positive samples sequenced in the country. While this is being investigated, we emphasize that regardless of the variant, all COVID-19 cases should be managed similarly and as per current protocols. Each case must be immediately isolated and contact traced upon detection. Current evidence also showed that the presence or absence of a variant of interest or concern among cases do not dictate the appropriate clinical management. We should always remain vigilant against COVID-19, moreso that we are safely reopening our economy,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire.

Ang mutation ay bahagi ng natural na proseso ng ebolusyon ng virus. Nagpapaalala ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang posibilidad ng pagkahawa sa Covid-19.

Nagbabala din ang DOH sa lahat ng nasa hustong gulang na sa lalong madaling panahon ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa Covid-19.

Kaugnay nito, isang bagong report mula sa UK Health Ministry ang indikasyon ng pagkalat ng bagong offshoot na ito ng Delta variant. Bago ito, ayon sa kanila at wala pang opisyal na Pango lineage designation. Ito ay may label na AY 4.2 o karaniwang tinatawag na Delta Plus.

Photo Credits: CDC

Small businesses, higit na tinatamaan ng krisis na dulot ng Covid-19

Alam natin na halos lahat ng negosyo sa buong mundo ay apektado ng krisis na dulot ng Covid-19. Ngunit higit na mahina ang small businesses sapagkat limitado ang kanilang cash reserves upang tukuran ang liquidity shortages na sanhi ng mga lockdown at restrictions ng pinaiiral sa bawat lugar, depende kung sa anong alert level nakailalim ang lugar na kinatatayuan ng negosyo.

Ang dagok ng krisis sa micro, small at medium-sized enterprises ay mas malala sapagkat masyado silang nadamay sa mga sektor na talagang tinamaan ng krisis kagaya ng food service, wholesale at retail services.

Hindi pa kasali sa kwenta ang mga pagkaluging dulot ng pansamantalang closure dahil sa hindi pagsunod sa preventive health measures. Sa mga nakaraang buwan, kapag may nakitang positive sa mga empleyado ay pansamantala munang isinasara ang negosyo. Hindi biro ang pagkaluging dulot nito sa mga maliliit at medium na kompanya.

Nakakadagdag din sa operating expenses ang mga bagong patakaran kagaya ng pagbibigay ng on-site na tirahan para sa mga empleyado at pagbili ng sanitizers at hand washing equipment para sa mga suki at tauhan. 

Salamat at unti unti ng bumababa ang kaso sa buong bansa. Ang panalangin ko ay huwag na sanang magkaroon ng bagong matapang na variant upang tuluyan ng makabangong ang ating ekonomiya.

Upang makaluwag sila at makabangon sa lalong madaling panahon, nawa ay bigyan ng pansin at pagtuunan ng pag aaral ng pamahalaan ang pagbibigay ng tax rate reduction, pagpapababa ng taxable income, pag aalok ng tax credit at tax refund sa micro, small businesses at medium-sized enterprises.

Bakunado Panalo Raffle, may 3M papremyo

0

Maynila. Inilunsad ng Department of Health ang Bakunado Panalo, isang ripa na itinataguyod ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pakikipagtulungan sa Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF).

Layunin ng Bakunado Panalo Raffle na pasalamatan ang mga Pilipino sa kanilang pakiisa sa laban ng bansa sa Covid-19 at upang mapataas pa ang vaccine willingness.

“Every Filipino vaccinated is another Filipino protected. Through this raffle, we celebrate the contribution that each Filipino makes in choosing to get vaccinated and playing their part to end this pandemic,” ayon kay Secretary of Health Francisco T. Duque III.

Patatakbuhin ng ZED, isang telecom company ang Bakunado Panalo mula Oktubre hanggang Disyembre at mamamahagi ng 3M na cash prizes sa mga lalahok at magwawaging mga bakunadong Pilipino.

Ang PDRF ay kabalikat ng pamahalaan sa layuning mabakunahan ang 80% ng Pilipino kabilang ang mga batang edad 12 hanggang 17.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Bakunado Panalo Raffle, bumisita sa:

http://doh.gov.ph/vaccines/raffle