Sunday, April 20, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 628

Bumoto ng tama. Tama ang iboto

0

Tapos na ang filing of candidacy. Kasado na ang mga kandidato sa May 9, 2022 elections. Mag aabang na lang tayo ng atrasan at palitan ng mga kandidatong may partido.

Bumoto ng tama. Naririnig natin ito tuwing malapit na ang eleksyon. Ang pagboto ng tama ay relative. Maaaring ang pagboto ng tama sa iyo at hindi tama para sa akin and vice versa.

Lahat ng kandidato ay nagsusubok magbenta ng sarili nila sa mga botante. Minsan, ang mga pananalita nila ay skillfully crafted at nakakaya nilang baluktutin ang katotohanan. At kahit gaano kahusay o kaingat ang isang observer ay mahihirapang magtukoy na ang mga naghahangad na ito sa puwesto ito ay nambobola at nanlalansi lamang.

Sa isang banda, puwede naman nating husgahan ang mga kandidato sa dalawang paraan. Una, batay sa kanilang tindig sa mga isyu. Pangalawa, batay sa uri ng kanilang liderato at karanasan.

Kung batay sa isyu, tiyakin kung anong lokal, panlalawigan  at pambansang problema ang nais mong matugunan. Halimbawa ay Covid-19 response, effective governance o climate change.

Sa pagkilatis sa uri ng kakayahan sa pamumuno, itanong muna natin sa ating sarili kung ano sa palagay natin ang mga katangian ng epektibong halal na pinuno. Ang hanap mo ba ay matalino, matapat, mapagkumbaba, mahusay makipag usap, makatao. Ano pa?

Kilalanin natin ang mga kandidato. Mangalap tayo ng mga babasahin tungkol sa kanila. I google natin sila. Silipin natin kung paano sila tinitingnan ng mga tao. Makitsika tayo ngunit huwag nating kakalimutan ang sarili nating obserbasyon. Alamin natin kung sino sa kanila ang nagtataglay ng tunay na kaalaman sa mga isyung mahalaga sa iyo.

Kung malinaw na ang mga datos, pwede na tayong pumili.

At nawa ay tamang kandidato ang maiboto natin.

Alyansang Amorado-Argañosa, binuo sa Majayjay

0

Majayjay, Laguna.  Binuo sa bayang ito isang alyansang Dobol A ng kandidatong mayor na si Romeo Perez Amorado at vice mayor nito na Ariel Arcena Argañosa.

Kasamang naghain ng certificate of candidacy ang mga panlabang konsehal ng grupo na  sina Wilson “Kulot” Amorado, Jhun Andaya, Hepe Bhic Bicomong, Nestor “Luya” Cube, Ruth Esteba, Capal Estupigan, Gab Mentilla at Wowie Vito.

“Una sa lahat, ako ay lubos na nagpapasalamat sa libo libong nag view, like, comment at share sa aking Facebook post tungkol sa kandidatura ng aking grupo. Nakakataba po ng puso ang inyong mga comments. Binigyan po ninyo ako ng ibayong inspirasyon. Makakaasa po kayo na kapit-kamay nating lalampasan ang epidemyang ito at sa pamamagitan ng Dobol A Team ay sama sama nating pagtutulungan na maiangat ang antas ng ating pamumuhay,” ayo sa mensahe ni Amorado.

Si Argañosa ay kasalukuyang vice mayor ng nabanggit na bayan.

Enchanted Kingdom, muling binuksan sa publiko

0

Sta Rosa City. Muling binuksan sa publiko ang Enchanted Kingdom matapos magtulungan ang pamahalaang lungsod na ito at ang administrasyon ng nabanggit na theme park na gawing vaccination site ang isang pasilidad nito na Enchanting Events Place.

Sinimulan ang operasyon ng pagbabakuna sa Enchanted Kingdom kahapon.

Nasa larawan sina EK founder and president Mario Mamon (pangalawa sa kanan), EK mascot  Eldar (dulong kaliwa),  Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas (pangatlo sa kaliwa) at si Sta. rosa City Health Officre Dra. Myrose Cendana sa ginanap na unang araw ng bakunahan sa Enchanted Kingdom.

30th wave ng ayuda para sa Pagsanjeño, ipinamahagi

0

Pagsanjan, Laguna.  Tumanggap ng 30th wave ng ayuda ang 16 na barangay sa bayang ito sa pangunguna ni Vice Mayor Girlie Maita J. Ejercito kasama si Pagsanjan Municipal Health Officer Dr. Lyra Torres.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng nabanggit na vice mayor sa mga pinuno ng barangay ang medical supplies at equipment tulad ng  wheelchair, nebulizer, medical oxygen tank with oxygen, medical oxygen regulator, pulse oximeter, non-contact thermometer, blood pressure apparatus at aneroid.

Ang pondong ibinili ng mga kagamitang pangkalusugan ay galing sa isang milyong piso na realigned budget na pambili sana ng sasakyan para sa sangguniang bayan dito. 

Ang paglilipat ng pondo ay iminungkahi ni Vice Mayor Ejercito at pinag aralan ng finance committee ng sanggunian sa pangunguna ng mga konsehal dito na sina Melvin Madriaga, Januario Ferry Garcia at Nat Bernales na sinang ayunan naman ng buong kapulungan.

“Higit na mahalaga ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan laban sa epidemya kaysa sa sasakyan ng sangguniang bayan kung kaya’t nagkaisa kami na bigyan ng prayoridad ang mga medical equipment na kailangan ng mga barangay,” ayon kay Vice Mayor Ejercito.

850 Lagunense, nakinabang sa BARANGAYanihan

0

Sta. Cruz, Laguna.  Natulungan ang 850 mamamayan sa ilalim ng programang The Duterte Legacy: BARANGAYanihan caravan na isinagawa sa Camp BGen Paciano Rizal at Brgy. Bagumbayan sa bayang ito.

Ang nabanggit na programa ay pinangunahan ng Laguna Police Office sa kooperasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, Provincial Legal Service, Laguna Highway Patrol Group sa pakikipagtulungan sa DOLE Laguna, TESDA Laguna, DSWD 4A Laguna, DENR Laguna, Municipal Public Information Office (PIO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Municipal Local Civil Registrar (LCR), Municipal Agriculture Office, at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).

Sa isinagawang caravan, nabigyan ng bakuna ang 500 mamamayan ng Sta. Cruz at dumalo sa pag aaral ang 50 vehicle owners ukol sa mga bagong  modus operandi sa carnapping at vehicle inspections services na ibinigay ng Laguna Highway Patrol Group. 

Ipinamahagi din sa 50 mamamayan ang mga fruit tree seeds mula sa DENR Laguna samantalang ang mga kababaihang dumalo ay nabigyan ng TESDA ng bagong kaalaman ukol sa pagtitimpla ng dishwashing liquid at fabric softener.

Kabilang din sa mga serbisyong inihatid ang libreng legal assistance ng Provincial Legal Service, police clearance ng Sta. Cruz Municipal Police Station at konsultasyon hinggil sa labor Code ng DOLE Laguna.

Ang nabanggit na caravan ay dinaluhan nina Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco; PCOL Ericson D. Dilag, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD); Chairman of Laguna Peace and Order Council Ms. Maricar A Palacol; Hon. Edgar S. San Luis, Mayor, Sta Cruz, Laguna; Local Government Operations Officer (LGOO) III Joyce A Saavedra; LGOO II Hanna Krystel R Castro; ADA IV John Joseph Robles; CENRO Sta Cruz Venerando U Garcia; Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON Carlo P Gonzaga; Ms. Jessebel T Estacio, DSWD IV-A; at Marites Caballero, Supervisor, TESDA Laguna.

Sa kanyang mensahe, inisa isa ni PMGEN Bustamante ang mga serbisyong ipinahatid ng pamahalaan at ng mga lingkod bayan na ayon sa kanya ay nagdulot ng napakalaking epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan. Hinikayat niya ang mga linkod bayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan na magkaisa upang makamit ang higit pang maayos na paglilingkod sa Laguna.

Pambuplikong Anunsyo: Vaccination schedule sa Liliw bukas, mula 7:00 ng umaga

0

Liliw, Laguna. May iskedyul ng bakunahan sa bayang ito bukas sa Liliw covered court na magsisimula sa ganap na 7:00 ng umaga.

Ang karagdagang doses ng bakuna naituturok sa nabanggit na iskedyul ay tulong mula kay San Pablo City Mayor Amben Amante bilang pagtugon sa kamakailang sisterhood agreement na napagkasunduan ng San Pablo City at Liliw.

“Ang ating kahilingan para sa karagdagang doses Covid-19 vaccines ay agad namang tinugunan ni Mayor Amben Amante bilang benepisyo ng sisterhood agreement ng ating bayan ng Liliw at lungsod ng San Pablo. Hangad po namin na makapagbakuna sa higit na maraming Liliweño sa lalong madaling panahon,” ayon kay Liliw Mayor Ericson J. Sulibit.

Upang makapagpa iskedyul ng bakuna, mangyari po lamang na magrehistro sa link sa ibaba:

https://tinyurl.com/LiliwVacc

Pinakamababang bagong kaso ng Covid sa San Pablo City, iniulat ngayong gabi

0

San Pablo City. Iniulat ng San Pablo City Health Office ngayong gabi ang labing isang bagong kaso ng Covid, pinakamababang naitala sa loob ng humigit kumulang na dalawang buwan.

Sa pinakahuling case bulletin, iniulat din ng nabanggit na ahensya na umabot na sa 7,860 ang total recoveries.

“Sa labing isang bagong kaso ay lima lang ang maituturing na bagong kaso dahil ang anim dito ay naging close contacts ng mga naunang inilistang positive. Ibig sabihin, bukod sa mababang average daily attack rate ay mababa rin ang naging reproduction number natin ngayong araw. Dalawang araw na pong mababa ang kaso natin at nawa ay magtuloy tuloy na po ito. Pinapayuhan ko po ang lahat na patuloy na mag ingat at sumunod sa minimum health protocols,” ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho.

Anim na robbery suspects, patay

0

Antipolo City.  Napatay sa lungsod na ito ang anim na miyembro ng sindikato ng magnanakaw matapos maka engkwentro ang mga elemento ng Rizal Police Provincial Task Force at Highway Patrol Group sa isang insidenteng naganap sa lungsod na ito.

Ayon sa paunang imbestigasyon ni Chief PNP General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, magsasagawa ng masusing pagsisiyasat kung ang grupong ito ang sangkot sa pagpatay ng security guard sa isang insidente ng nakawan sa convenience store sa lungsod na ito.

Ayon sa report, nagtangkang nakawan ng mga suspek ang isang gasoline station sa Sitio Boso boso. Brgy. San Jose, Antipolo City Kahapon.

Nauna dito, ang HPG operatives ay HPG operatives ay nagmamatyag na sa mga supek matapos silang makatanggap ng ulat ng banta ng pagnanakaw sa mga tindahan sa Antipolo City.

Ang mga suspek ay agad nagpaputok noong tangkang lapitan sila ng mga pulis sa nabanggit na gasoline station. Nagsimula ang habulan ngunit nakorner ang mga ito matapos harangan ng mga operatiba ng Rizal PPO ang kanilang daan sa pagtakas.

Ang mga napatay ay pinaniniwalaang suspek sa mga naganap na insidente ng pagnanakaw sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila at Rizal.

Samantala, pinuri ni BGen Guillermo Eleazar ang mga nabanggit na elemento ng PNP sa aniya ay agresibong operasyon ng mga ito laban sa kriminalidad. 

“Let this serve as a strong message to the criminal elements that while the PNP is extending its assistance to contain the spread of the COVID-19, we have not lower our guard against them and we will continue to do so to maintain peace and order and to protect the people as the government starts to normalize the economy. Dahil dito, inatasan ko na ang lahat ng ating unit commanders, particularly in urban areas, to further strengthen its anti-criminality drive and preemptive security measures to deny these criminal elements the opportunity to strike,” ayon kay Chief PNP Eleazar.

Magtanim ay ‘di biro

0

Narinig na ba ninyo ang pariralang “Failure is good, is a redirection, is an opportunity?”

Sa ating mga magsasaka hindi palaging successfull ang resulta ng ating pagtatanim. Mayroon ding mga failures.  Ngunit kung minsan ang kabiguan ay mabuti rin sapagkat nire redirect lang tayo sa mas magandang opportunity ng Diyos.

Kailan ba nabibigo  ang isang magsasaka? Ang Pilipinas sa panahon ng tag-ulan ay malimit magkaroon ng bagyo. Ang unang naapektuhan kapag masama ang panahon ay ang ating mga magsasaka. Nasisira ang ating mga pananim at nalulugi tayo. Ganoon din kapag sabay sabay tayong nag harvest. Bumabagsak ang presyo ng ating ani dahil dagsa ang produkto sa mga palengke. Ang mga newbies naman ay nalulugi sa trial and error. 

Sa mga ganitong sitwasyon makikita ang katatagan ng dibdib ng isang nagsasaka. Kailangan ay may patience at persistence tayo.

Higit na mainam na huwag mag concentrate lang sa isang pananim. Ugaliing mag intercrop  gaya ng ube, gabi, luya, kamote, at iba pang pananim na matibay sa bagyo. Kailangan innovative at marunong tayo ng magproduct development.  Manood sa YouTube para sa karagdagang inpormasyon lalo na sa nga baguhan pa lamang sa larangan ng pagtatanim. 

Ang isang  lupang sakahan ay pwedeng ring mai develop upang maging isang agritourism o farm tourism venture. Bagong konsepto ito na swak sa pamilya.

Ang mga failures ng nating nga magsasaka ay magsisilbing nating tuntungan upang mamulat tayo sa bagong opportunities na darating sa atin. May mga hindi magagandang pangyayari ang dumarating sa ating buhay ngunit may higit na magandang plano pala ang Diyos para sa atin. 

Ang kabiguan ang pinakamahusay na guro. Kaakibat ng buhay magsasaka ang mapagod at mabigo. Ngunit kasabay nito, natututunan nating bumangon at muling lumaban.

Agriculture is a noble vocation. Sa panahon ng pandemic ay patuloy tayong nagpo produce ng pagkain para sa Pilipino kung kaya’t maituturing na ang mga magsasaka ay bayani. Gawin nating inspirasyon ang ating kabayanihan.

Team LOUVE ng Nagcarlan, inilunsad

0

Nagcarlan, Laguna.  Pormal na inilunsad ang Team LOUVE, ang tiket ni incumbent Nagcarlan Mayor Lourdes Arcasetas at ng pambatong vice mayor nito na si Evelyn Costelo Sotoya na tatakbo sa ilalim ng pagkat na Partido Demokratiko Pilipino (PDP).

Kasama sa binuong pwersa ang mga kandidatong konsehal na sina Brando P. Araneta, Felipe “Peep” Arcigal, Generoso “Rey” Comendador, Teddy “Ted” Coroza, Atty.Ron Esquivel, Andrea Sedurifa, Edilberto “Bert” Sotoya at Simoun  N.Suliguin.

Si Arcasetas ay tatakbo para sa ikalawa nyang termino bilang alkalde samantalang si Sotoya na kanyang panlabang vice mayor ay dating SK Chair ay katatapos lang ng kanyang tatlong termino bilang municipal councilor ng nabanggit na bayan.

“Kaisa po ninyo kami sa ating pagpapatuloy ng matapat, mahusay at may malasakit na paglilingkod sa ating mahal na bayan,” ayon sa mensahe ni Arcasetas.