Sunday, April 20, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 630

Joint mass vax ng San Pablo City at Nagcarlan, matagumpay na naisagawa

0

Nagcarlan, Laguna. Umayuda sa mass vaccination program na isinagawa kamakailan sa bayang ito si San Pablo City Mayor Amben Amante bilang pagsunod sa alituntunin ng Department of Health na tulungan ang mga bayan na malalapit sa mga designated vaccination site na katulad ng nasa San Pablo City.

Humigit kumulang na 2,080 doses ang nabakunahan sa mass vaccination na ginanap sa Nagcarlan Gym, sa pangunguna ni nina Laguna PHO Rene Bagamasbad, San Pablo CHO and chief of Hospital Dr. James Lee Ho, Nagcarlan Municipal Health Officer  Dra. Cynthia E. Quebrado at ng mga health workers at frontliners ng mga nabanggit na local government unit.

Batay sa naunang report ng Virology Institute of the Philippines, nanguna ang Pablo City sa may pinakamalaking populasyon na nabakunahan na sa rate na 42.3% o 26.97% na lamang patungo sa herd immunity.

Maluwag na ang iskedyul ng bakunahan sa nabanggit na lungsod kung kaya inaasahan ng DOH na tutulong ito sa mga vaccination project ng mga kalapit bayan ayon na rin sa kanilang mga kahilingan, batay sa report.

Kasabay ng pagluwag ng iskedyul sa bakuna sa nabanggit na lungsod ay dumadami ang nagsasadya sa mga vaccination center sa San Pablo City upang dito magpabakuna kagaya ng mga taga Sto. Tomas at Rosario, Batangas at Tiaong at Candelaria, Quezon at iba pang mga residente sa mga kalapit bayan. “Hindi po natin maaaring tanggihan ang mga taga ibang bayan na dumarating upang magpabakuna dito sa San Pablo at ito naman po ay alinsunod tagublin ng NTF at NVOC na maaari po tayong magbakuna ng mga taga ibang bayan,” ayon kay Amante.

Matatandaan na ang rasyon sa bakuna ng Dolores, Quezon ay nakaimbak din sa cold storage system ng San Pablo City. 

Kamakailan ay isinagawa ang “We Vax as One” partikular sa Mandaluyong at Pateros kung saan ang mga residente ng Metro Manila na hindi makakuha ng iskedyul sa kani kanilang local government unit ay maaari ng magpa iskedyul sa ibang LGU.

Joint Mass Vaccination Program ng San Pablo City at Nagcarlan. Nasa larawan sina San Pablo City Mayor Amben Amante, Nagcarlan Municipal Mayor Ody Arcasetas, Laguna PHO Rene. Bagamasbad, San Pablo CHO and chief of Hospital Dr. James Lee Ho, Nagcarlan Municipal Health Officer  Dra. Cynthia E. Quebrado, San Pablo Former Chairman Benbong Felismino, Nagcarlan Municipal Councilors Teddy Coroza at Konsehal Bert Sotoya. Photo Credits: CIO San Pablo

Patay na si Sol Aragones, pinabulaanan

0

San Pablo City. Kumalat ang balita ngayong araw na patay na si Cong. Sol Aragones ng Laguna 3rd District. Ayon sa fake news. “may itinurok sa ospital kay Aragones na hindi kinaya ng kanyang katawan.”

Nagpatawag naman ng virtual presscon ang kongresista kaninang alas tres ng hapon upang pabulaanan ang fake news na siya ay patay na. Ayon sa kongresista, hindi na dapat malungkot ang kanyang mga tagasuporta sapagkat ang malisyosong balita ay naglalayon lamang na takutin siya.

Ayon sa kampo ni Aragones, sila ay nagsasagwa pa ng imbestigasyon hinggil sa kung sino ang nagpakalat ng nabanggit na fake news.

Biosafety pioneer lauds Golden Rice approval

Manila. The recent commercial propagation approval of Golden Rice was lauded by global experts as an indicator of the Philippines’ leadership role in agricultural biotechnology in the ASEAN region.

The country’s pioneering path began in 1990 with the establishment of its first biosafety policy and was further strengthened by Administrative Order No. 8, Series of 2002 (AO8), which opened the pathways for “local agriculture to benefit from the safe and responsible use of modern biotechnology.”

While A08 has since been superseded by the Joint Department Circular no. 1 series of 2016, the spirit of scientific inquiry for the social good that it fostered continues to this day, with A08 architect Leonardo Montemayor speaking positively about Golden Rice. 

Montemayor, former agriculture secretary and currently the board chairperson of Federation of Free Farmers (FFF), explained that he considers modern biotechnology as a tool in curbing vitamin A deficiency (VAD).

“Let us promote other sources of vitamin A – malunggay, squash, and camote, but let us not close our eyes from the possibility that modern biotechnology can provide an additional tool for us to address [vitamin A deficiency]. If [golden] rice, [which is a product of biotechnology], turns out to be something very useful, at least it is very convenient compared to other sources of vitamin A. Let us have a range of [choices] for people, especially kids, for them to have better access to vitamin A,” he explained.

He added that “anything that can contribute to minimizing or eradicating the problem is something that should merit investigation.”

“On the matter of GMOs in the country, we have to establish our framework and all necessary guidelines to regulate and monitor these, and make sure that safety protocols and regulations are in place,” he said.

In terms of the proprietary right of golden rice, Montemayor said no proprietary issues will emerge as Syngenta, which previously owned it, waived its right to the public domain. This means that the Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) and International Rice Research Institute (IRRI) are free to research, develop, and come up with the final output.

Montemayor shared these statements in an online forum aired thru the Bayanihan sa Agricultura Facebook page.

In the same forum, DA-PhilRice Executive Director John de Leon assured that the Institute makes sure of safe, responsible, and equitable use of technologies.

“We also focus on improving the livelihood and quality of life of farmers and consumers, and provide safe and nutritious food for the Filipinos. We have generated extensive data on the safety [of golden rice] in terms of national and international safety standards,” he said.

DOH-Calabarzon distributes 2,500 maternity kits

0

Manila. The Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) started delivering maternity kits or “mama kits” to various provincial health offices in the region.

 A total of 2,500 kits will be given with each province having an allotment of 500 kits.

 “The kit contains the necessary supplies to help provide a clean and safe delivery whether in a hospital or clinic. This is to protect the mother and the baby from neonatal infections that may occur,” Regional Director Eduardo C. Janairo stated.

 “Napakaimportante ang clean delivery – including clean hands, clean delivery surface, clean cord cutting and tying, proper cord care, and bathing – this is a key intervention for reducing infections in newborns,” he emphasized.

 The mama kit contains cotton cloth (baby wrapper), nail cutter, bar soap, face towel, toothpaste and toothbrush, cotton balls, isopropyl alcohol, maternity pads, bathroom tissue, disposable umbilical cord clamp, sterile surgical gloves, sterile surgical blade for cord cutting, disposable underpants and pail with cover.

 “They are still newborns and mothers who dies from infections soon after birth, that is why skilled attendant and adequate hygiene in our birthing facilities are necessary to address this.”

 “Kasama na dito ang efficient and effective referral systems para magkaroon ng access sa emergency obstetric and newborn care. That is why we have been providing adequate trainings for health care workers and improving health services at the primary care level to safeguard their health and welfare.”

 The maternity kits will be given to pregnant and expecting mothers in the communities through the barangay health units.

Amben Amante, aarangkada na sa Laguna 3rd District

0

Calamba City. Naghain na ng certificate of candidacy (CoC) si San Pablo City Mayor Amben Amante sa laban niya bilang congressman ng Laguna 3rd District.

Kasama ng three termer mayor sa ginanap na salbo ang kanyang mga supporters at ang kanyang maybahay na si Ma. Claudette Janolino Amante.

Hangad ni Amante na maihatid sa ikatlong distrito ng Laguna ang Serbisyong Amante, ayon sa kanyang plataporma.

Ang Team Amante ay tatakbo sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Najie-Pamboy tandem, iniladlad na

0

San Pablo City. Sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (CoC), kabilang si  Najie Gapangada sa mga naghain ng CoC sa Comelec dito sa labang mayor kasama si  Pamboy Lopez, ang katiket niyang  vice mayor.

Kasama sa linya ng kanilang tiket bilang konsehal sina Michael Exconde, Larry Dizon, Marc Alimagno, Bernie de Mesa. Doods Tan at Anton Yang.

Ang bagong tatag na grupong oposisyon ay tatakbo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko sa team ni Isko Moreno.

Mag amang Ejercito, kasado na sa Laguna

0

Calamba, Laguna. Inihudyat ni Emilio Ramon “ER” Ejercito ang laban niya sa mayoralty race sa lungsod na ito matapos siyang maghain ng kaniyang certificate of candidacy sa Comelec dito. Kasama ni ER ang kanyang anak na si Jorge “Jerico” Ejercito na tatakbo namang vice governor ng Laguna sa ilalim ng partifong Federal ng Pilipinas.

Dilag mula sa Pila, tinanghal na Miss Tourism Philippines 2021

0

Pila, Laguna.  Nakamit ni Trisha Martinez ang korona ng Miss World Tourism 2021 sa ginanap na timpalak na nagtapos noong Oktubre 4, 2021.

Matapos siyang koronahan, nagpasalamat ang dilag ng Pila sa lahat ng sumuporta sa kanya tungo sa kanyang tagumpay. “Sa lahat ng naniniwala sa akin at sumuporta sa akin, alam n’yo na po kung sino sino kayo, maraming salamat po,” ang madamdaming mensahe ni Trisha sa ginanap na koronasyon sa Subic Bay Exhibition and Convention Center Hall A.

Sinabi din ni Trisha na ikinararangal niyang ikatawan ang Pila, Laguna kung saan ay inialay niya ang inuwi niyang korona ng Miss Tourism Philippines 2021.

Victory Team ni Almarinez, pumutok na

0

San Pedro, Laguna. Pormal na inihain Ni Dave Almarinez ang kanyang certificate of candidacy sa laban bilang congressman sa lone district ng San Pedro, Laguna. 

Kasama ni Almarinez sa tanggapan ng Comelec sa lungsod na ito ang kanyang asawang si “Ara Mina” Hazel Reyes Almarinez. 

Victory Team ang tema ng laban ni Almarinez sa pagbubukas ng kanyang kampanya para sa 2022 elections.

Kasabay nito ay naghain din ng CoC sa Abigail Alonte para sa muli niyang pagtakbo bilang board member ng Laguna 1st district sa ilalim ng partidong Nacionalista.

“No kabarangay left behind,” Kap Jeng Mendoza

0

Hindi biro ang gumanap bilang barangay Chair sa panahon ito ng Covid-19 pandemic. Lalo na kung sa barangay mo ay hindi nauubos ang cases kagaya ng karanasan ni Bgry. 6D Chair Jeng Mendoza.

“Naging hamon sa akin bilang barangay chair itong pandemic dahil hindi biro ang pagtupad sa sinumpaan kong tungkulin sa ganitong pagkakataon. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong krisis sa kalusugan,” ayon kay Kap Mendoza.

Ganon paman, ayon kay Kap Mendoza, ay lagi siyang positibo sa kanyang paglilingkod. “Nakatutok kami ng mga kasama ko sa pamunuan ng Brgy. 6D sa pamimigay ng ayuda. Naglagay din kami ng talipapa upang ang mga kabarangay ay hindi na pumunta sa palengke at maging ligtas sila,” ani Kap Mendoza.

Ikinuwento niya na ang kinikita ng talipapa ay ibinibili ng groceries ng tanggapan ng barangay 6D at ipinamamahagi sa mga kapus-palad na mga kabarangay lalo na ang mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay sanhi ng malawakang tanggalan sa trabaho dahil sa pandemic.

“Mahirap po ngunit sa gabay po ng Maykapal ay nagagampanan ko naman ng maayos ang aking mga tungkulin sa tulong ng aking barangay officials, BPSOs at sa pang unawa at alalay ng aking asawang si Thoots. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng aking kabarangay. Higit sa lahat ay sila ang dahilan kung bakit ako naglilingkod ngayon dito. Sila ang naging daan upang makatulong ako sa aking kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan,” ayon sa Brgy. Chair.

Si Kap Mendoza ay bantog sa kanyang barangay sa masusing pag aasikaso ng pagbabakuna, pagkuha ng national ID, pamamahagi ng ayuda. paghahatid ng lahat ng uri ng tulong sa mga kabarangay na naka quarantine hanggang sa pagbabantay ng mga magnanakaw sa gabi.  Kamakailan ay isang mountain bike ang ninakaw sa kanyang barangay ngunit nabawi nya ito at nakilala ang suspek.

Pinasalamatan ni Kap Mendoza si San Pablo City Mayor Amben Amante sa aniya ay kahanga hangang programa nito laban sa Covid-19. “Maraming salamat po sa mahalagang tulong ninyo sa bawat barangay, Mayor Amben. Nagpapasalamat din po ako sa City Health Office, kay Dr. James Lee Ho. Ganon di sa DSWD at sa lahat ng sangay ng LGU ng San Pablo sa kanilang walang kapagurang pag aasikaso sa amin,” ang pagkakatapos ni Kap Mendoza.