Liliw, Laguna. Naghain na ng certificate of candiday si Ildefonso “Ide” Monleon sa kanyang laban sa mayoralty race ng Liliw, Laguna.
“Kung mamarapatin po ninyo na ako ay mabigyan ng pagkakataon, sinisigurado ko po sa inyo na ang inyong lingkod ay mag sasagawa ng mga hakbanging na mag aangat sa antas ng pamumuhay. Tutukan ang kalusugan, agrikultura, peace and order, turismo, at imprastraktura. Batid ko na kung tayo’y magsasama-sama, magagawa natin ang pinapangarap na magandang buhay.” ang panawagan ni Maleon.
Kailangan nating magtipid sa pagkain sa panahon ngayon ngunit ang pag iisip ng ulam na iluluto sa araw araw ay hindi madali. Ang totoo, ay malaking hamon ito sa maraming maybahay.
Narito ang isang recipe ng mura at masustansyang ulam. Ang mga sangkap nito ay mabibili kahit saang palengke at madali din ang paraan ng pagluluto nito. Idagdag natin ito sa listahan ng mga pang araw araw ninyong lutin.
Tortang sitaw
Mga sangkap:
2 tali ng sitaw
2 itlog
1 katamtamang laki ng sibuyas
Asin
Paminta
Mantika
1 ½ kutsarang harina
Paraan ng pagluluto:
Hugasan ang sitaw at hiwain ng 1/4 inch ang haba.
Lutuin ang sitaw sa ½ kutsarang mantika hanggang lumambot.
Hiwain ng pino ang sibuyas
Batihin ang itlog at ilagay ang sibuyas, asin at paminta
Ihalo ang stir fried sitaw at ilagay ang harina.
Haluin hanggang wala ng buong harina.
Magpainit ng mantika sa kawali at ipirito ang sitaw na may itlog ng tig iisang kutsara ang laki.
Iprito hanggang pumula.
Hanguin at ihain habang mainit.
Masarap itong isawsaw sa sukang may bawang o ketchup.
Ang sitaw ay mayaman sa vitamins at minerals. Ito rin ay may folate na 33 micrograms sa bawat puswelo ng sitaw. Ang folate ay kailangan ng mga buntis upang maiwasan ang neural tube defects ng kanilang sanggol
Ang itlog ay itinuturing na superfood ng inang kalikasan. Kargado ito sa 13 essential vitamins at minerals. Mayaman ito sa protina at maibibigay ng ilog ang 2% ng Vitamin D. 50% folate, 25% riboflavin at 40% selenium na kailangan natin araw araw.
San Pablo City. Tiyak na ang muling paglaban ni dating alkalde Vicente Amante sa pagka mayor ng San Pablo City sa darating na halalan sa 2022.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay walang iba pang kandidato sa pagka mayor na naghahain ng CoC na posibleng makalaban ni Amante.
Sa bukod na pagkakataon ay nagsumite rin ng certificate of candidacy (CoC) si Justin Colago bilang katiket na vice mayor ni Amante.
Kasama ni Colago na naghain ng CoC ang mga panlabang konsehal ng Team Amante na sina Carmela Acebedo, Ed de la Cruz, Buhay Espiritu, Dandi Medina, Angie Yang, Ambo Amante, Cesarito Ticzon, Martin Adriano, Chad Pavico at Nap Calatraba.
MAGDALENA LAGUNA. Tatlong araw bago matapos ang deadline ng filing ng certificate of candidacy sa tanggapan ng Comelec sa bayang ito, ang Team Alagang Tenten sa pangunguna ng kandidatong mayor nito na si Christine L. Criste o Madam Tenten ay nagsampa ng kanilang CoC.
Kasamang naghain ng CoC sina Johnny Esquibel, John dela Cruz, Eckel Umali, Mhori Orphiano, Kon. Benjo delos Reyes, Andy Agarao, Ali Badulis at Kim Joshua Magana bilang mga kandidatong konsehal ng Team Tenten.
Sila umano ang magtataguyod at mag-aangat ng turismo, kalakalan, at edukasyon ng bayan. At makakatuwang upang itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa tulong ng “Alagang Madam Tenten.”
PILA,LAGUNA. Magkakasamang nagtungo sa tanggapan ng Commission on election sa bayan ng Pila ang Team Pagbabago. Na pawang naghain ng Certificate of Candidacy-COC na pinangunahan ni Municipal Councilor Raffy Alava bilang Mayor. At makakasama niyang maglilingkuran sa konseho Jepo De Castro,Bobok Heradura, Ruben Albayda, at Cristina Saquilayan.
A closed business establishment due to imposed mandatory lockdown, during the coivd-19 pandemic.
Masyadong maalaki at lumalaki pa ang epekto ng epidemya sa mga negosyo. Non-revenue to losses ang nararanasan ng mga negosyante ngayon.
Tuloy tuloy ang expenses for security, maintenance, electricity , water bills, phone at internet service kahit halos walang kinikita. Bukod pa dito ang reporting/updating of government records BIR, Philhealth, SSS at iba pa.
Hindi maiwasang magbawas ng empleyado sa mga negosyong restaurants, resorts, spas, beauty salon, gyms, hotels at iba pang hanapbuhay na binabantayan ng AITF.
Tuwing mag aanunsyo ang AITF na pwede ng mag operate, papasok ang mga empleyado at mamumuhunan sa mga pangangailangan ang mga negosyante. Pagka ilang araw ay muling mag aanunsyo ng pagsasara dahil tumaas na naman ang cases. Dahil dito, lalong lumalaki ang pagkalugi dahil paulit ulit na naglalabas ng kapital na hindi naman nababawi.
Hindi pa masabi kung hanggang kailan tatagal ang epidemya. Sa ngayon ay marami ng naghihingalong negosyo. Marami na rin ang tuluyan ng nagsara. Ramdam natin ang negative na epekto nito sa lokal na ekonomiya. May epekto din ito sa local tax sapagkat mababawasan ang bilang ng mga negosyanteng magbabayad ng lokal na buwis.
Bilang tulong o ayuda ng local at national government sa krisis na ito, maaari sigurong babaan muna ang singil sa business permit sa mga negosyong lubhang apektado ng Covid-19. Pwede ring babaan ang singil sa land tax, tourism tax at BIR taxes.
Tahimik lang ang mga negosyante sa ating komunidad ngunit lahat sila ay nakakaranas ng matinding krisis.
Panawagan natin ito sa mga lokal na mambabatas na bigyan nila ng kaunting pansin ang pagbubuo ng batas na makakapagpagaan sa kalbaryong dinaranas ng mga negosyante ngayon.
Baka sakaling sa tulong nila ay maisalba pa ang maraming hanabuhay na malaki ang posibilidad na magsara na.
Manila. Sa wakas ay nagdesisyon na si Vice President Leni Robredo na lalaban na sa presidente race. Ang dating chair ng Liberal party ay tatakbo bilang independent. Ayon sa mga source, si Senator Kiko Pangilinan ang kaniyang running mate.
Si Robredo ang tinatayang nangungunang kandidato ng oposisyon.
Wala pang pormal na tiket na idinidilara si Robredo ngunit inaasahang makakasama sa bando niya sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Risa Hontiveros, at human rights lawyer Chel Diokno.
Ginulat ni Dr. Jeff Sumague ng San Pablo City ang kanyang mga followers sa kanyang mga sayaw sa Tik Tok app kasabay ng mga paalala tungkol sa pangangalaga sa ngipin.
“I was inspired to do Tik Tok to cheer up and motivate the netizens because a lot of people are experiencing depression brought about by the Covid19 pandemic. I also want to share dental education specially to our less fortunate kababayans.” ayon kay Dr. Sumague.
Dahil aniya sa Tik Tok, dumami ang kanyang pasyente. “Dumami din ang mga tawag galing sa iba’t bang bayan para magpakonsulta tungkol sa TMJ (Temporomandibular Joint) Disorders). At nagulat ako sa resultang ito dahil ang intention ko lang ay ang makatulong sa pangangalaga sa ngipin sa panahong ito ng pandemic,” ang nakangiting salaysay ng dentista.
Balak ni Dr. Sumague na ipagpatuloy ang kanyang Tik Tok dance at Tik Tok dental reminders na ayon sa kanya ay patuloy na naghahatid ng ngiti at saya sa marami niyang followers.
“I am planning to upload more health Vlog in Tik tok and YouTube about dental education aside from dancing. Please follow me on Tik Tok Facebook and subscribe to my YouTube channel at Doc Jeff Sumague TV,” ang kanyang pagtatapos.
Nagsusumite na ng kandidatura sa pagkakonsehal ng Lungsod sina Incumbent City Councilors Carmela Asaña Acebedo , Plaridel Dela Cruz at Buhay D. Espiritu, ayon sa report ng Seven Lakes Presss Corp.
Pawang nasa unang termino bilang mga kagawad ng Sangguniang Panglunsod sina Acebedo, De la Cruz at Espiritu matapos panapanabay magwagi noong nakaraang 2019 local election. Nasa lapian ni Mayor Loreto ‘Amben’ Sahagun Amante sina Carmela at Plaridel samantalang isang independent candidate si Buhay nang mapaluklok bilang kagawad ng Sangguniang Panglungsod.
Sapagkat pare’parehong mga naging punong barangay ay nabitbit sa bulwagan ng konseho ang mabubuting pampublikong serbisyong natutunan sa paglilingkurang pambarangay. Naisakatawan at naisatinig upang pakinabangan ng iba pang mga barangay ng lungsod.
Sa loob at labas ng Sanggunian ay naramdaman at nakita ang pagkakatupad sa mga pangakong binitiwan noong nakaraang halalan. Ngayon pa lang ay marami nang mga tagapagtaguyod at manghahalal ang nagsasabing magiging malaking bentahe ang mga naisagawa nina Acebedo, De La Cruz at Espiritu bilang mga masisipag, matatapat at magagaling na konsehal ng lungsod upang maluklok sa Pangalawang Termino.
Manila.Naghain ng COC si Former senator Bongbong Marcos isang araw matapos siyang magdeklara na lalaban sa pagkapangulo ng bansa.
Si Marcos ay miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas(PFP) at nanumpa kamakailan kay PFP Sec. Gen. Tom GT Lantoin at uba pang opisyal sa 3rd founding anniversary ng nabanggit na partido.
Inamin ni Marcos na wala pa syang bise presidente sa ngayon dahil ang orihinal na plano aniya ay kasama niya si Pangulong Duterte bilang kanyang running mate.
Inaasahang ididiklara ng grupo ni Marcos ang kanyang mga katiket na senador sa mga susunod na araw.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.