Friday, May 9, 2025


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 636

PCOL Rogarth Bolalacao Campo, itinalagang Acting Laguna PPO director

0

Sta. Cruz, Laguna.  Itinalaga si PCOL Rogarth Bolalacao Campo bilang bagong Laguna Police Office director sa isang turnover ceremony na ginanap sa bayang ito kahapon.

Sa nabanggit na seremonyas, nagbigay ng katiyakan si Campo na pamamahalaan niya sa abot ng kanyang makakaya at sa buong husay ang Laguna PPO. Ayon sa kanya ay ipagpapatuloy niya at higit pang paghuhusayin ang mga kapuri puring proyekto at programa ng Laguna PNP. 

Itinanghal din sa ginanap na seremonya ang mga parangal ng papalitang opisyal na si PCOL Serafin F. Petalio II. Iginawad sa kanya ni PBGEN Eliseo Cruz ang Medalya ng Kagalingan para sa kanyang bantog, karapat dapat at mahalaga niyang paglilingkod bilang provincial director ng Laguna PPO.

“Officers come and go as the PNP has ladderized system of promotion,” ayon naman sa mensahe ni PBGEN Cruz. Pinuri niya ang pamamalakad ng Laguna PPO sa ilalim ng pamumuno ni Petalio. “It is in the leadership and in the discipline among the ranks.” 

Si PCOL Campo ay dating regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – National Capital Region (NCR) Regional Field Unit (RFU).

Magsasaka at mangingsidang apektado ng bagyong Maring, nilaanan ng P1.5B tulong ng DA

0

Maynila. Naglabas ng P1.5 bilyong ang Department of Agriculture (DA) bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Severe Tropical Storm na Maring.

Sa kabuuang 1.5 bilyong piso, ang P650 milyon dito ay ilalaan sa emergency loan ng mga apektadong magsasaka at mangingisda sa ilalim ng SURE Calamity Loan Assistance Program sa pamamagitan ng DA- Agricultural Credit Policy Council (ACPC). 

Ang mga apektadong pamilya ay maaaring umutang dito ng hanggang P20,000 ng walang interes at walang prenda na babayaran sa loob ng sampung taon.

Bukod sa agricultural loan, naglaan din ang DA ng P172M para sa Quick Response Fund (QRF) upang muling maitayo ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Maring sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, at SOCCSKSARGEN.

Gagamitin din ng Philippine Crop Insurance Corporation ang P370 M upang mabayaran ang mga nasalantang pananim ng mga magsasaka sa CAR, Regions 1, 2, 3, and MIMAROPA.

View Post

Nakahandang ipamahagi sa mga apektadong lugar ang 168,998 sako ng rice seeds, 16, 601 sako ng corn seeds at 1,480 sako ng sari saring buto ng gulay, mga gamot at biologic para sa paghahayupan at manukan na nagkakahalaga ng P310M.

Tinatayang umabot sa P1.2B halaga ng palay, mais, high-value crops, livestock at fisheries ang nasira sa siyam na rehiyon na nakaapekto sa 42,787 na magsasaka at mangingisda. Ang dami ng production loss nito ay 68,891 metric ton o 68, 234 ektarya ng lupang sakahan, ayon sa pagtatasang isinagawa ng DA noong Oktubre 15.

Patuloy na nagtatasa ng pinsala ang DA sa pamamagitan ng mga regional at field offices nito sa mga pagkaluging sanhi ng bagyong Maring sa sektor ng agri-fisheries. Pananatilihin din ang  koordinasyon sa mga may kinalamang ahensya ng pamahalaan, mga local government unit at iba pang mga tanggapan sa ilalim ng DRRM upang matiyak ang kabuuang epekto ng nabanggit na super bagyo at matukoy ang mga tulong na kailangang itutugon sa mga ito.

66 anyos na negosyante, pinaslang matapos pagnakawan

0

 

Cabuyao, Laguna.  Pinaslang matapos pagnakawan ang isang 66 anyos na babae sa Brgy. Mamatis, lungsod na ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Angelina Cruz Villarico, negosyante, residente ng nabangit na lugar.

Ganap na ikawalo ng umaga noong Biyernes, nakita ng 14 anyos na ang labi ng kanyang ina na naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanilang bahay.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. 

Ayon sa paunang imbestigasyon, pagnanakaw ang naging motibo sapagkat nawawala ang mamahaling cellphone ng biktima.

Ang biktima ay lumaban pa batay sa mga marka ng galos sa kanyang mga kamay at braso, batay pa rin sa isinasagawang pagsisiyasat.

Patuloy na kinikilala at tinutugis ng pulisya ang suspek sa krimen ng pagpatay.

Bumoto ng tama. Tama ang iboto

0

Tapos na ang filing of candidacy. Kasado na ang mga kandidato sa May 9, 2022 elections. Mag aabang na lang tayo ng atrasan at palitan ng mga kandidatong may partido.

Bumoto ng tama. Naririnig natin ito tuwing malapit na ang eleksyon. Ang pagboto ng tama ay relative. Maaaring ang pagboto ng tama sa iyo at hindi tama para sa akin and vice versa.

Lahat ng kandidato ay nagsusubok magbenta ng sarili nila sa mga botante. Minsan, ang mga pananalita nila ay skillfully crafted at nakakaya nilang baluktutin ang katotohanan. At kahit gaano kahusay o kaingat ang isang observer ay mahihirapang magtukoy na ang mga naghahangad na ito sa puwesto ito ay nambobola at nanlalansi lamang.

Sa isang banda, puwede naman nating husgahan ang mga kandidato sa dalawang paraan. Una, batay sa kanilang tindig sa mga isyu. Pangalawa, batay sa uri ng kanilang liderato at karanasan.

Kung batay sa isyu, tiyakin kung anong lokal, panlalawigan  at pambansang problema ang nais mong matugunan. Halimbawa ay Covid-19 response, effective governance o climate change.

Sa pagkilatis sa uri ng kakayahan sa pamumuno, itanong muna natin sa ating sarili kung ano sa palagay natin ang mga katangian ng epektibong halal na pinuno. Ang hanap mo ba ay matalino, matapat, mapagkumbaba, mahusay makipag usap, makatao. Ano pa?

Kilalanin natin ang mga kandidato. Mangalap tayo ng mga babasahin tungkol sa kanila. I google natin sila. Silipin natin kung paano sila tinitingnan ng mga tao. Makitsika tayo ngunit huwag nating kakalimutan ang sarili nating obserbasyon. Alamin natin kung sino sa kanila ang nagtataglay ng tunay na kaalaman sa mga isyung mahalaga sa iyo.

Kung malinaw na ang mga datos, pwede na tayong pumili.

At nawa ay tamang kandidato ang maiboto natin.

Alyansang Amorado-Argañosa, binuo sa Majayjay

0

Majayjay, Laguna.  Binuo sa bayang ito isang alyansang Dobol A ng kandidatong mayor na si Romeo Perez Amorado at vice mayor nito na Ariel Arcena Argañosa.

Kasamang naghain ng certificate of candidacy ang mga panlabang konsehal ng grupo na  sina Wilson “Kulot” Amorado, Jhun Andaya, Hepe Bhic Bicomong, Nestor “Luya” Cube, Ruth Esteba, Capal Estupigan, Gab Mentilla at Wowie Vito.

“Una sa lahat, ako ay lubos na nagpapasalamat sa libo libong nag view, like, comment at share sa aking Facebook post tungkol sa kandidatura ng aking grupo. Nakakataba po ng puso ang inyong mga comments. Binigyan po ninyo ako ng ibayong inspirasyon. Makakaasa po kayo na kapit-kamay nating lalampasan ang epidemyang ito at sa pamamagitan ng Dobol A Team ay sama sama nating pagtutulungan na maiangat ang antas ng ating pamumuhay,” ayo sa mensahe ni Amorado.

Si Argañosa ay kasalukuyang vice mayor ng nabanggit na bayan.

Enchanted Kingdom, muling binuksan sa publiko

0

Sta Rosa City. Muling binuksan sa publiko ang Enchanted Kingdom matapos magtulungan ang pamahalaang lungsod na ito at ang administrasyon ng nabanggit na theme park na gawing vaccination site ang isang pasilidad nito na Enchanting Events Place.

Sinimulan ang operasyon ng pagbabakuna sa Enchanted Kingdom kahapon.

Nasa larawan sina EK founder and president Mario Mamon (pangalawa sa kanan), EK mascot  Eldar (dulong kaliwa),  Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas (pangatlo sa kaliwa) at si Sta. rosa City Health Officre Dra. Myrose Cendana sa ginanap na unang araw ng bakunahan sa Enchanted Kingdom.

30th wave ng ayuda para sa Pagsanjeño, ipinamahagi

0

Pagsanjan, Laguna.  Tumanggap ng 30th wave ng ayuda ang 16 na barangay sa bayang ito sa pangunguna ni Vice Mayor Girlie Maita J. Ejercito kasama si Pagsanjan Municipal Health Officer Dr. Lyra Torres.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng nabanggit na vice mayor sa mga pinuno ng barangay ang medical supplies at equipment tulad ng  wheelchair, nebulizer, medical oxygen tank with oxygen, medical oxygen regulator, pulse oximeter, non-contact thermometer, blood pressure apparatus at aneroid.

Ang pondong ibinili ng mga kagamitang pangkalusugan ay galing sa isang milyong piso na realigned budget na pambili sana ng sasakyan para sa sangguniang bayan dito. 

Ang paglilipat ng pondo ay iminungkahi ni Vice Mayor Ejercito at pinag aralan ng finance committee ng sanggunian sa pangunguna ng mga konsehal dito na sina Melvin Madriaga, Januario Ferry Garcia at Nat Bernales na sinang ayunan naman ng buong kapulungan.

“Higit na mahalaga ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan laban sa epidemya kaysa sa sasakyan ng sangguniang bayan kung kaya’t nagkaisa kami na bigyan ng prayoridad ang mga medical equipment na kailangan ng mga barangay,” ayon kay Vice Mayor Ejercito.

850 Lagunense, nakinabang sa BARANGAYanihan

0

Sta. Cruz, Laguna.  Natulungan ang 850 mamamayan sa ilalim ng programang The Duterte Legacy: BARANGAYanihan caravan na isinagawa sa Camp BGen Paciano Rizal at Brgy. Bagumbayan sa bayang ito.

Ang nabanggit na programa ay pinangunahan ng Laguna Police Office sa kooperasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, Provincial Legal Service, Laguna Highway Patrol Group sa pakikipagtulungan sa DOLE Laguna, TESDA Laguna, DSWD 4A Laguna, DENR Laguna, Municipal Public Information Office (PIO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Municipal Local Civil Registrar (LCR), Municipal Agriculture Office, at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).

Sa isinagawang caravan, nabigyan ng bakuna ang 500 mamamayan ng Sta. Cruz at dumalo sa pag aaral ang 50 vehicle owners ukol sa mga bagong  modus operandi sa carnapping at vehicle inspections services na ibinigay ng Laguna Highway Patrol Group. 

Ipinamahagi din sa 50 mamamayan ang mga fruit tree seeds mula sa DENR Laguna samantalang ang mga kababaihang dumalo ay nabigyan ng TESDA ng bagong kaalaman ukol sa pagtitimpla ng dishwashing liquid at fabric softener.

Kabilang din sa mga serbisyong inihatid ang libreng legal assistance ng Provincial Legal Service, police clearance ng Sta. Cruz Municipal Police Station at konsultasyon hinggil sa labor Code ng DOLE Laguna.

Ang nabanggit na caravan ay dinaluhan nina Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco; PCOL Ericson D. Dilag, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD); Chairman of Laguna Peace and Order Council Ms. Maricar A Palacol; Hon. Edgar S. San Luis, Mayor, Sta Cruz, Laguna; Local Government Operations Officer (LGOO) III Joyce A Saavedra; LGOO II Hanna Krystel R Castro; ADA IV John Joseph Robles; CENRO Sta Cruz Venerando U Garcia; Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON Carlo P Gonzaga; Ms. Jessebel T Estacio, DSWD IV-A; at Marites Caballero, Supervisor, TESDA Laguna.

Sa kanyang mensahe, inisa isa ni PMGEN Bustamante ang mga serbisyong ipinahatid ng pamahalaan at ng mga lingkod bayan na ayon sa kanya ay nagdulot ng napakalaking epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan. Hinikayat niya ang mga linkod bayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan na magkaisa upang makamit ang higit pang maayos na paglilingkod sa Laguna.

Pambuplikong Anunsyo: Vaccination schedule sa Liliw bukas, mula 7:00 ng umaga

0

Liliw, Laguna. May iskedyul ng bakunahan sa bayang ito bukas sa Liliw covered court na magsisimula sa ganap na 7:00 ng umaga.

Ang karagdagang doses ng bakuna naituturok sa nabanggit na iskedyul ay tulong mula kay San Pablo City Mayor Amben Amante bilang pagtugon sa kamakailang sisterhood agreement na napagkasunduan ng San Pablo City at Liliw.

“Ang ating kahilingan para sa karagdagang doses Covid-19 vaccines ay agad namang tinugunan ni Mayor Amben Amante bilang benepisyo ng sisterhood agreement ng ating bayan ng Liliw at lungsod ng San Pablo. Hangad po namin na makapagbakuna sa higit na maraming Liliweño sa lalong madaling panahon,” ayon kay Liliw Mayor Ericson J. Sulibit.

Upang makapagpa iskedyul ng bakuna, mangyari po lamang na magrehistro sa link sa ibaba:

https://tinyurl.com/LiliwVacc

Pinakamababang bagong kaso ng Covid sa San Pablo City, iniulat ngayong gabi

0

San Pablo City. Iniulat ng San Pablo City Health Office ngayong gabi ang labing isang bagong kaso ng Covid, pinakamababang naitala sa loob ng humigit kumulang na dalawang buwan.

Sa pinakahuling case bulletin, iniulat din ng nabanggit na ahensya na umabot na sa 7,860 ang total recoveries.

“Sa labing isang bagong kaso ay lima lang ang maituturing na bagong kaso dahil ang anim dito ay naging close contacts ng mga naunang inilistang positive. Ibig sabihin, bukod sa mababang average daily attack rate ay mababa rin ang naging reproduction number natin ngayong araw. Dalawang araw na pong mababa ang kaso natin at nawa ay magtuloy tuloy na po ito. Pinapayuhan ko po ang lahat na patuloy na mag ingat at sumunod sa minimum health protocols,” ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho.