Palasyo: Half-day ang pasok sa Abril 5 sa executive department lang

0
269

Nilinaw ng Malakanyang na ang inilabas na Memorandum Circular No. 16 kahapon, Marso 31, ay para lamang sa executive department.

Ayon sa naturang memo, hanggang alas dose na lamang ng tanghali ang pasok ng mga empleyado sa Abril 5, Miyerkules Santo, upang bigyang-daan na makauwi sila sa kani-kanilang mga probinsya sa Semana Santa.

“To provide government employees full opportunity to properly observe 06-07 April 2023, regular holidays, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work in government offices on 05 April 2023 is hereby suspended from 12:00 o’clock in the afternoon onwards,” ayon sa ipinalabas na memorandum.

“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” ayon pa rin sa MC 16.

Dahil dito, ipauubaya na sa mga pamunuan ng pribadong kompanya at iba pang opisina kung sila ba ay magsususpinde rin ng pasok sa nasabing araw.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo