PH mag-aangkat ng asukal upang punuan ang kakulangan na dulot ng ‘Odette’

0
410

Pinayagan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ng Department of Agriculture (DA) na umangkat ng 200,000 metric tons (MT) ng standard at bottlers grade (premium refined) na asukal upang mapunuan ang kakulangan sa asukal na dulot ng bagyong “Odette.”

Ang Sugar Order No. 3 ay nilagdaan kasunod ng resulta ng pagtatasa sa pinsala at pagkalugi na dulot ng Bagyong Odette sa mga pananim ng tubo noong Disyembre 2021, ayon sa pahayag ng SRA kahapon.

Ang pre-final crop estimate ng raw sugar production ay bumaba sa 2.072 MT, mas mababa sa 2.099 MT pre-final crop estimate bago naganap ang pananalasa ng bagyong “Odette”.

Ang mas mababang produksyon ng raw sugar at mga pinsala ng sugar mill at refinery ay nadagdag sa konsiderasyon ng SRA.

Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica sa isang pahayag, pupunuan ng importasyon ang kakulangan sa supply at “magdudulot sa bansa ng sapat na buffer stock hanggang sa susunod na milling season”.

Binago din ng Philippine Association of Sugar Refineries ang forecast refined sugar production para sa Crop Year 2021-2022 sa 16.748 million bags per ton cane (LKg/TC), mula sa inisyal na pagtatantya ng produksyon na 17.572 million LKg/TC bago bumagyo.

“As the economy is once again starting to open up, the demand for raw sugar and refined sugar for January this year have also increased when compared to the same month in the three previous years. Hence the need to augment sugar stocks to ensure food security and availability of sugar,” ayon kay Serafica.

Ipinaliwanag ng SRA na ang crop year ay magsisimula sa Setyembre 1 at magtatapos sa Agosto 31 sa susunod na taon.

Ang mga sugar mill at refinery ay karaniwang humihinto sa mga operasyon sa pagitan ng buwan ng Mayo hanggang Hunyo at ang mga mill ay nagsisimula ng operasyon sa pagitan ng Setyembre hanggang Oktubre.

Nagsisimula ang mga refinery sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng mga milling.

Nauna dito, sinabi ng DA na ang plano sa importasyon ay magiging last resort lamang.

“Imports will only fill in the deficit or what cannot be produced locally as the country needs to rely less from other nations to improve its economy,” ayon kay DA Secretary William Dar.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.