PH military pinagbawalang gumamit ng AI apps dahil sa security risks

0
176

MAYNILA. Nag-utos Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na itigil ng lahat ng sa lahat ng defense personnel at ang 163,000 na miyembro ng armed forces na itigil ang mga digital applicationna gumagamit ng artificial intelligence upang lumikha ng personal portraits dahil ito ay maaaring magdulot ng panganib sa seguridad.

Ipinalabas ni Teodoro ang kautusan sa isang Memorandum noong Oktubre 14, habang ang mga pwersa ng Pilipinas ay patuloy na nagtatrabaho upang labanan ang ilang dekada ng communist at Muslim insurgencies at itanataguyod ang  territorial interests sa kontrobersyal na South China Sea.

Kinumpirma ng Department of National Defense noong Biyernes ang katunayan ng memo, na kumalat sa online sa nakalipas na mga araw, ngunit hindi nagbigay ng iba pang mga detalye, kabilang ang kung anong nag-udyok kay Teodoro na mag utos ng pagbabawal.

Tinukoy ni Teodoro na mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng isang digital na aplikasyon na nangangailangan ng hindi kukulangin sa 10 larawan ng user bago ito gumamit ng AI upang lumikha ng “isang digital na tao na ginagaya ang pagsasalita at pag kilos ng isang tunay na tao.” Ayon sa kanya, ang mga aplikasyong ito ay may “malalaking panganib sa privacy at seguridad.”

“This seemingly harmless and amusing AI-powered application can be maliciously used to create fake profiles that can lead to identity theft, social engineering, phishing attacks and other malicious activities. There has already been a report of such a case,” ayon kay Teodoro.

Ipinag-utos ni Teodoro sa lahat ng military personnel “na huwag gumamit ng mga AI photo generator app at maging mapanuri sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa online,” at ipinagbilin na ang kanilang mga kilos ay dapat na sumunod sa mga prinsipyo at patakaran ng Department of National Defense ng Pilipinas.

Ang Associated Press ay nag-ambag sa ulat na ito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo