Pinyahan natin ang ating hardin at bukirin

0
562

Tuwing buwan ng Mayo, nakikita natin sa mga palengke at sa mga kalsada ang Pinya, partikular sa Calauan, Laguna. Ito ang panahon ng pag aani ng Pinya. 

Pineapple ang tawag dito sa Ingles at piña sa Espanyol na pinagkunan ng pinya sa Filipino.

Ayon sa mga kasaysayan, ang unang nakadiskubre sa pinya ay si Captain James Cook, isang Ingles na manlalakbay. Ganun oa man, ang pinaniwalaan ay si John Kidwell, isang negosyante, ang una daw nagpakilala nitó ng dalhin niya ang halaman sa Hawaii noong 1900 kung kailan ay nagsimula ang komersyal na produksyon ng pinya. 

Ang Pinya ay mayaman sa Vitamin C. Subok na ito ng aking may bahay na si Myrna na kapag sya ay sinipon ay iinom lang sya ng 3 liters ng Pineapple juice sa loob ng 3 araw at ang sipon nya ay mawawala na. 

Bawat Pinya sa bawat bayan ay may natatanging sarap at lasa. Nakadepende ang lasa sa klase ng lupa at variety. Ang Pinya ay isang malaking halaman sa pamilya Bromeliaceae. Ginagamit itong pampasarap sa mga ilang putahe at sa pagluluto ng hamonado. Minamatamis at isinasama sa fruit salad. Hindi kumpleto ang pizza variang na Hawaiian Delight pag wala toppings na Pinya. Pinoproseso din ito para sa iba pang produkto tulad ng pineapple jam, kendi, at sorbetes. 

Ang pinya ay hindi isang pine o isang mansanas, ngunit isang prutas na binubuo ng maraming mga berry na tumubo ng magkasama. Hindi lamang bunga ang napapakinabangan dito kundi maging ang mga dahon nito. Ang  dahon ng pinya ang pinagkukunan ng himaymay para makagawa ng mamahaling tela na kilala sa buong mundo. Ang variety ng pinya na ginagamit sa paggawa ng tela ay Red spanish variety pineapple na matatagpuan sa Aklan. Ang mga dahon nito ay mahaba ang fiber. Kilala ang Pilipinas sa telang Pinya na binuburdahan sa bayan ng ng Taal at Lumban. 

Humigit kumulang na 37 ang varieties ng Pinya na may iba’t ibang characteristics. Ilan lamang sa mga varieties nito ang Abacaxi Pineapples, Panare, Singapore Red, Brecheche, Kona Sugarloaf, Mordilona Pineapples at Queen Pineapples. 

Ang pinya  ay maaaring paramihin  sa pamamagitan ng pagtatanim sa pinutol nitóng korona. Ang pamumulaklak nitó ay magsisimula 20-24 buwan pagkatapos itanimaat mamumunga sa loob ng susunod na anim na buwan. Bago ito magbunga, ito’y kalimitang nagkakaroon ng 200 bulaklak. Matapos itong mamulaklak, mabubuo ang ito sa isang kumpol na bulaklak na siyáng nagiging bunga ng pinya. Hindi ito nangangailangan ng madalas na pagdidilig sapagkat nag iipon ng tubig ang mga dahon nito. 

Magandang halaman ang Pinya kaya ginagamit na din ito sa landscape. Mainam din itong bakod dahil sa matutulis na dulo ng dahon nito.

Kaya kung may lugar tayo sa ating bukid o garden, magtanim tayo ng Pinya hindi lamang para sa aanihing bunga kundi para din sa gandang idudulot nito sa ating mga hardin.

Ang halaman Pinya ay nakakatuwang itanim sa paligid ng ating tahanan. Ang iba’y ginagagawa itong panglandscape o ginagawang proteksyon pang bakod dahil sa matutulis na dahon nito. Kaya tayo ng magtanim ng Pinya.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.