Puso ng baboy matagumpay na nai-transplant sa tao ng mga surgeon sa Maryland

0
275

Sa isang first medical, matagumpay na nailipat ng mga doktor ang isang puso ng baboy sa isang pasyente bilang huling paraan ng pagsisikap na iligtas ang buhay nito, ayon sa isang ospital sa kahapon at idiniklara din na gagaling ang pasyente tatlong araw pagkatapos ng highly experimental surgery.

Ayon sa mga doktor sa University of Maryland Medical Center, ang transplant ay nagpakita na ang isang puso mula sa isang genetically modified na hayop ay maaaring gumana sa katawan ng tao nang walang agarang rejection.

Bagama’t masyadong maaga para malaman kung gagana talaga ang operasyon, ito ay hudyat ng pag asa matapos ang maraming dekada ng paghahanap ng solusyon at gamitin ang organs ng hayop para sa mga life-saving transplant.  

Si David Bennett na pasyente ng break through transplat ay isang 57-taong-gulang na handyman ng Maryland. Alam niya na walang garantiya na magtatagumpay ang eksperimento ngunit siya ay tinaningan ng mamatay, hindi siya eligible sa heart transplant na gamit ang puso ng tao at walang siyang ibang pagpipilian, ayon sa kanyang anak sa The Associated Press.

“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice,”  ayon kay Bennett isang araw bago siya sumailalim sa operasyon, batay sa mga salaysay na ibinigay nya sa Maryland University School of Medicine.

Kahapon, si Bennett ay humihinga nang mag-isa habang nakakonekta pa rin sa isang heart-lung machine upang tulungan ang kanyang bagong puso. Ang susunod na ilang linggo ay magiging kritikal habang gumagaling si Bennett mula sa operasyon at maingat na sinusubaybayan ito ng mga doktor.

Ang napakalaking kakulangan sa donasyon ng human organs para sa transplant ang nagtutulak sa mga siyentipiko na pag aralang gamitin ang mga organs ng hayop. Noong nakaraang taon, mayroon lamang mahigit 3,800 na heart transsplant sa U.S., isang record number, ayon sa United Network for Organ Sharing, na nangangasiwa sa transplant system ng bansa.

“If this works, there will be an endless supply of these organs for patients who are suffering. This is a truly remarkable breakthrough. As a heart transplant recipient, myself with a genetic heart disorder, I am thrilled by this news and the hope it gives to my family and other patients who will eventually be saved by this breakthrough,” ayon kay Dr. Muhammad Mohiuddin, scientific director of the Maryland university’s animal-to-human.

Ang operasyon noong Biyernes ay tumagal ng pitong oras sa Baltimore hospital. Sinabi ni Dr. Bartley Griffith, na nagsagawa ng operasyon na ang kondisyon ng pasyente na heart failure at irregular heart beat ay eligible pata sa heart transplant o heart pump. Si Griffith sa kanyang mga pag aaral at eksperimento ay nakapag transplant na ng puso ng baboy sa humigit kumulang na 50 baboon bago inalok si Bennet na sumailalim sa nabanggit na transplant.

“We’re learning a lot every day with this gentleman. And so far, we’re happy with our decision to move forward. And he is as well: Big smile on his face today,” ayon kay Griffith.

Ang mga balbula sa puso ng baboy ay ilang dekada ng ginagamit sa tao, ayon sa anak ni Bennter, tumanggap na nito ang kanyang ama sampung taon na ang nakararaan.

Doctors at the University of Maryland Medical Center transplanted a pig heart into a patient who was ineligible for a human heart transplant and had no other option. AP
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.