Sa pagkakaisa ng mga masasamang loob sa mundo, nananalo sila pansamantala

0
466

Kahapon mula sa Taiwan, napakinggan kung ano ang dapat unahin ng mga pinuno, mananaliksik, mga propesyonal, at mga negosyante sa buong mundo: tanggaping may problema. Kung pakikinggan si Anne Applebaum, isang batikang mamamahayag, historyador, at minsang nagtamo ng Pulitzer Prize, tila ang mundo’y humarap lamang sa bagong siglo nang walang sigla. 

“Kung ang ika-20 siglo ay isang kwento ng isang mabagal, hindi pantay na pakikibaka, na nagtatapos sa tagumpay ng liberal na demokrasya laban sa iba pang mga ideolohiya – komunismo, pasismo, mabangis na nasyonalismo – ang ika-21 siglo naman ay, hanggang ngayon, isang kwento ng kabaligtaran. Ang iskolar ng Stanford na si Larry Diamond na nasa silid ding ito ay tinawag itong isang panahon ng “demokratikong pagbabalik” at ang bawat survey na maiisip mo ay nagpapakita na ang konklusyong ito ay totoo, hindi lamang sa autokratikong mundo kundi sa mundo ng mga establisadong demokrasya rin kung saan ang demokratikong pagbaba ay isa ring katotohanan.”

Iyan ang bahagi ng pananalita ni Applebaum sa 11th Global Assembly of the World Movement for Democracy.

Sa kabila ng problema, ayon sa pangunahing tagapagsalita sa isang panayam, merong moral na responsibilidad na magpakapositibo ang mga tao. Sa halip na manlumo, ilaan daw ang panahon sa makabuluhang pagsasama-sama (networking) ng mga may moral na responsibilidad. Nilinaw ni Applebaum na maging ang masasamang loob ay nagtitipon-tipon din at kumikilala rin sa iisa nilang kaaway. Kaya ganun na lamang ang kanyang paghimok na huwag magpaiwan sa usapin pa lamang ng pagsasamahan ang mga mabubuting nilalang.

Pagpapatuloy ni Applebaum: “Marahil ay nagtutulungan ang mga autocrat dahil wala na silang tiwala sa kakayahan nilang labanan ang sarili nilang mga kilusang demokrasya nang mag-isa. Marahil ang mga autokrasya ay nagiging hindi gaanong mapagparaya dahil napagtanto nila na ang kanilang mga kalaban ay may mas mahusay na mga argumento, na ang mga tao ay nakikinig sa kanila, at ang pagnanais para sa kalayaang pulitikal ay hindi mawawala.”

Sa pagtatapos, doon na makikitang kabilang si Applebaum sa mga may positibong pananaw sa hinaharap, sa kabila ng lahat:

“Marahil ang mga komprontasyon sa pagitan ng mga autocrat at kanilang mga populasyon ay lumalaki nang mas mahigpit dahil ang mga demokratikong kilusan ay nagiging mas malinaw at mas maayos. Sigurado ako na mayroon tayong brainpower at willpower sa kwartong ito para tukuyin at itugma ang mga hamon ng bagong mundong ito. Inaasahan kong marinig ang higit pa tungkol sa kung paano mo sila makikilala.”

Tiwala rin naman akong may mga batayan ang positibong pagturing na “becoming more articulate and better organized” ang mga demokratikong pagkilos, bagama’t medyo nagpapanalo ang mga masasamang loob pansamantala. At tiwala rin akong meron nga tayong lakas ng loob at utak “to define and match the challenges of this new world.” Iyon nga, nabago lang ang mundo, pero pansamantalang iniwan ang sigla ng dating siglong lumalaban para sa liberal na demokrasya. 

Nilaban, pinag tagumpayan, pero napabayaan. 

Hindi nakukuha ang sigla sa mabilisang aksyong hindi napag-aaralan. Naging marahan lang ang pag-unlad ng kaisipang liberal na demokrasya, ngunit sumapat ito noon dahil lumaya ang mga may kinikilalang sariling bansa at napaghusay ang paggamit ng mga karapatan. Sa huli, itinuring silang kaaway. Ang nakikitang “sigla” sa ngayon ay mula sa mga nanggugulo, at nakatulong pa sa kanila ang teknolohiya. Mahalaga sa ngayon, ituring natin itong problema. Makinig sa mga eksperto ukol dito. Hanggang bukas, Oktubre 27, meron pang makabuluhang pagtalakay sa mga napapanahong isyung pinangungunahan ng democracy advocates mula sa 70 bansa, kaya huwag sayangin ang momentum.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.