Tindok: Ang saging na walang puso

0
2200

Katatapos lang ng araw ng mga puso. Punong puno ng pag ibig ang mundo. Pag ganitong puso ang usapan ay siguradong ang unang papasok sa isipan ay puso ng saging. Lagi natin naririnig ang kawikaan ng mga matatanda na “buti pa ang saging may puso.”

Pero alam ba natin na hindi lahat ng saging ay nagkakaroon ng puso. Sa amin sa bukid ay may mahigit 10 varieties ng saging at isa sa paborito namin ni Myrna ay ang Tindok sa english ay giant Horn Plantain. Ito ang saging na walang puso. Karaniwan itong  tumutubo sa mga tropikal na bansa gaya ng Pilipinas. 

Kalimitan tinatawag itong giant saging dahil sa kakaibang laki at bigat nito. Humahaba ito ng mahigit na isang ruler o 12-14 inches. Mas mahaba pa sa braso ng isang bata. Ang isang piling  ay tumitimbang ng mahigit na 5 kilos. Hindi kahabaan ang kanyang buwig. At kalimitan namumunga ito kada 11 months. 

Pwedeng kainin ito ng hindi niluluto basta hinog. Ang kulay nito pag hinog ay medyo dilaw ang laman. Sinasabi ng ilan na ang lasa nito ay nasa pagitan ng Lakatan at Senyorita. 

Maraming luto ang pwedeng gawin sa Tindok gaya ng Turon o prito lang na paboritong luto ng mga Pinoy sa saging. Pwede rin itong ihalo sa pagluluto na parang gulay dahil mas kinokonsidera itong gulay kaysa prutas. Ginagawa rin flour ang hilaw na Tindok. 

Maraming health benefits ang Tindok. Ang tamang ration ng pagkain nito ay makakatulong sa mga may high blood pressure, diabetes at constipation. 

Inirerekomenda ko sa aking mga kabukid ang pagtatanim ng Tindok. Mainam talagang maging masipag tayo sa pagtatanim ng iba’t ibang halamang pagkain sa ating mga bukid.Bukod sa ito ay nakakain ng ating pamilya at napagkikitaan pa.

Word of the Week

The land produced vegetation: plants bearing seed according to their kinds and trees bearing fruit with seed in it according to their kinds. And God saw that it was good. – Genesis 1:12

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.