(Speech delivered before the graduating class of Cuyab Integrated National High School, City of San Pedro, Laguna, 15 April 2025)
The graduating class, the school administration, the faculty, the political leadership, mga haligi at ilaw ng tahanan, isang maganda at mapagpalang hapon po sa ating lahat.
Nakikiisa ako, siyempre pa, sa temang “Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas (Generation of Unity: Partners for the New Philippines). Matutuwa ang Pangulong Bongbong diyan sa “Bagong Pilipinas” at matutuwa si VP Sara sa “pagkakaisa/unity”; hindi lang siya, hindi lang sila, kundi tayong lahat.
Ngunit darating ang ilang saglit at mapapaisip: Nangyayari ba ang pagkakaisa sa hanay ng mga pinuno? Ano ang bumabalakid dito?
Isa lang ang masasabi natin diyan: Kung may balakid man, hindi iyan nagmumula sa mga kabataan, lalong lalo nang hindi iyan nagmumula sa inyong mga mag-aaral. Tutok kayo sa maraming bagay kabilang ang pag-aaral, ang makatapos ng pag-aaral. Kayo pa ba ang pagmumulan ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino? Siyempre, hinding hindi.
Maaaring nakisayaw kayo ng Budots (o nasayaw pa rin). Maaaring nakisigaw kayo ng Bi-bi-em, bur-ger sa nagka-cancel, Le-ni, Ki-ko. Kumampi man kayo sa UniTeam o nakiisa sa Kakampink, kinokonsidera lamang natin ang mga ganoong gawain na pagpapahayag ng sariling pananaw. Ang common denominator pa rin ay nakikiisa ang lahat sa panawagan ng pagkakaisa. Unity in diversity pa nga.
Nasaktan ka man sa breakup ng Marcos-Duterte sa UniTeam na isa lamang palang electoral party of convenience matapos kang maki-rap kay Andrew E., o mangiyak-ngiyak ka man sa pagkakasawi sa halalan ng “At hindi ko maipapangako ang kulay rosas na mundo para sa ‘yo,” (sa awitin ni Nica del Rosario, 2022) kilalang kilala mo ang sarili mo at damang dama mo ang pangangailangan ng Pilipinas na magkaisa ang mga Pilipino, ikaw, ako, lahat tayo.
Malayong malayo ang pagkakaiba ng liderato ng DepEd noon kumpara ngayon. Angara’s Department is our Department, kaya nga “DepEd Tayo.” Secretary Angara said that the Department is committed to pursuing reforms. As quoted by the media, and I quote: “I have seen this commitment firsthand in my visits to schools across the country. I have met learners who wake up before dawn to walk kilometers to learn, teachers who go beyond their duty, and parents who sacrifice to provide their children with better opportunities. These realities push us to craft enduring reforms.” (Unquote.) That’s what Secretary Angara said.
Repormang pangmatagalan, aniya. Malinaw na naipahihiwatig nito ang napakalalang suliranin sa sektor ng edukasyon. Hindi na panahong kaya pa nating depensahan at magbulag-bulagan at sabihing hindi ito totoo dahil mismong ang EDCOM 2 na ang nagdeklara ng mga nauna nang hindi pormal na deklarasyon, at iyon nga, na nakideklara na rin ang EDCOM 2: nasa learning crisis ang bansa. Ano ba iyang EDCOM 2? It’s a high-level commission mandated to legislate frameworks and policies to address that crisis – the learning crisis.
EDCOM 2 led among others by Executive Director Karol Yee published the commission’s Year Two Report and Year One Report. In Year Two, the report was titled, “Fixing the Foundations: A Matter of National Survival.” Sa Wikang Filipino: Pag-aayos ng Mga Pundasyon: Isang Usapin ng Pambansang Kaligtasan. Ano po ang sinundan niyan? Heto po: “Miseducation: The failed system of Philippine education, EDCOM II year one report.” Ang salin nito sa ating wika: Miseducation: Ang nabigong sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Huwag na tayong magbalat-sibuyas. Ang sabi nga ng Korte Suprema sa napakarami nilang desisyon: Do not feel too onion-skinned to criticisms which public officials must always accept. Tanggapin ang katotohanang ganoong kalala ang sitwasyon. Tanggapin na rin nating ang EDCOM ay nasa tamang pagtanggap ng tungkulin at iyon nga ay nasabi na natin kanina na sinabi nila that they are mandated to legislate frameworks and policies to address that crisis – the learning crisis. Meron silang compilation ng 97 research studies at pagkalap ng insights mula sa 45 consultations and school visits sa pangalawang ulat pa lamang ng EDCOM. Hindi sila magpupursige nang husto sa paggawa ng mga evidence-based recommendation kung hindi ganoong kalala ang sitwasyon.
At dahil malinaw na nasa learning crisis tayo, nakikiisa tayo sa paghahanap ng solusyon. Hindi na tayo dumaragdag sa problema. Kayo bang mga tutuntong sa kolehiyo at pamantasan sa Kamaynilaan man, sa Laguna o karatig-lalawigan man, titibayan ninyo ba ang ang inyong loob at yayakapin ninyo ang katotohanang bahagi kayo ng solusyon?
Matuto sa nakaraan, makiharap sa kasalukuyan, at tanawin ang magandang kinabukasan na merong oportunidad na makatulong sa paghahanap ng solusyon. Sobra na, tama na ang pagkukunwari at gaspang ng ugali. ‘Pag sinabi mo sa sarili mong aahon ako, malaki ang tsansang aahon din ang Inang Bayan ni Dr. Jose Rizal. Pahalagahan ang salita. Ibig sabihi’y lakipan ng gawa.
Do not underestimate the power of declaration like the Apostle Paul did: I can do all things through Christ who strengthens me.
Nabanggit ko si Rizal. Hindi ko akalaing sa panahon ng pandemiya’y matutuklasan kong ang aking lahi – ang lahing Alviar – na kinikilala ng Pambansang Bayani at naisusulat pa niya sa kanyang mga sulatin dito sa Pilipinas at kapag nasa labas siya ng bansa.
Makailang beses sinulat-kamay ni Rizal ang “Alviar” – hindi lang isa, dalawa, tatlo, kundi maraming beses – sa kanyang manuscript na Jefes del pueblo de Calamba (ang nangagsipagpuno sa bayan ng Calamba: sapol ng maging bayan, hangan sa panahon, 28 de Agosto, 1742 – hasta 1891) na ngayo’y nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa Kalaw, Maynila. Nakatala ang Gervasio AKA “Kapitang Basio” Alviar at marami pang mga pinuno sa Calamba na hiwalay sa Cabuyao sa manuscript na ito ni Jose Rizal.
Sa sulat niya sa kanyang mga kaanak noong Hulyo 1883, ani Jose Rizal ay dinalaw raw niya ang Museo ng Louvre. Isang bahagi raw nito’y sinilaban ng Comune. Napakalaki at kasinghaba raw ng (and I quote) “agwat buhat sa bantayang malapit kay Kapitang Dandoy hanggang sa kay Kapitang Basio, o higit pa.” (Unquote.)
Ayon sa Pambansang Komisyon ng Ikasandaang taon ni Jose Rizal: “Tinutukoy dito ang mga pook na kinahihimpilan ng mga tanod sa tinatawag na bantayan. Hindi namin makilala kung sino ang tinutukoy na Kapitan Dandoy sa Kalamba, nguni’t tungkol kay Kapitan Basio, ay di sasalang tinutukoy si G. Gervasio Alviar (anak) na naging Kapitan Munisipal nang taong 1883.”
Nabanggit ko ito sa aking social media account noong 2022 na kako: Sa amin sa San Pedro, Laguna, noong ito’y hindi pa lungsod, nababasa ko ang “Alviar” sa kasaysayan ng bayan. Isa raw ito sa mga orihinal na pamilya sa San Pedro. Kinalaunan, burado na ang ganoong bahagi sa pinalitang kasaysayang aking nababasa. Mali iyon sa aking palagay. Hindi sa nagmamalaki tayo kundi, dahil sa pinangangalagaang pangalan, maaaring pagmulan ito ng inspirasyon ng mga kabataang Alviar at ng iba pa na magpursige sa buhay, sa pamumuno, sa pagnenegosyo. Kung pinangalanan tayo ni Rizal noon, bakit hindi na ngayon? Huwag na lang sanang maulit ang pagbubura sa naturang maliit ngunit mahalagang piraso ng kasaysayan para na lang sa mga mai-inspire na mga Alviar at iba pang kabataan. Ang mahalaga’y may kababaang-loob sa paglilingkod sa kapwa dahil Diyos naman ang nagpapaunawang iyon ang kinagigiliwan Niya; na dapat samantalahin ang paggawa ng mabuti hindi sa pangalan ng tao kundi sa Kataas-taasang Pangalan.
Lugi ang mga kapatid kong arkitekto at inhinyero na produkto rin ng NHS sa Cuyab; ako ang pinakikinggan ninyo ngayon, hindi sila. Marapat lamang sakupin ko na ang gusto nilang sabihin, pero iyo’y simple lang. Sabi ng mga kapatid ko: Taasan ang inyong pangarap.
Kung tumatanaw tayo sa kapangyarihan ng nasa Itaas, wala tayong pagtatalunang kahambugan o sobrang kahinaan o pagkamahiyain.
Tama ang mangarap nang mataas. Indikasyon ito ng pinatataas na pamantayan sa sarili at sa kapwa.
Ang ekonomistang si Paul Samuelson ang nagsabing the ultimate goal of economics is to improve the living conditions of people, especially the poor.
Ibig sabihin, huwag tayong manatili sa ganitong kalagayan; instead of more of the same, more for His name. Not more of the same, but rather, we genuinely desire to have a decent, disciplined, structured fame. Uy, DDS yun. Decent, disciplined, structured greatness or fame.
Hindi dahil malaki ka na at tapos ka na ng high school, hindi ka na pwedeng sabihang maging magalang. Mas lalong dapat kang makinig sa mga pangaral. Paggalang sa mga institusyon at mga indibidwal, matatanda man o kapwa kabataan. Ito pa naman ang panahon ng samo’t saring problema sa komunikasyon. Pinapalakpakan ang mga bastos, binabalewala ang mga edukado. Napaliligiran ng troll armies ang matitinong social media accounts, pinauulanan ng napakaraming “haha” react na wari’y wala sila sa katinuan. Pero ang totoo, sila ang critical thinkers, kaya lamang ay napa-project sila ng mga pabrika ng troll, disinformation, hate speech. Yung lutang o utak-lugaw umano ay siya mismong matalino at konkreto ang mga naitutulong sa mga nangangailangan at hindi palapatol sa mga paninira.
Huwag din tayong lumugar sa walang kinikilingan o tumatameme sa kabulukan, pang-aabuso sa kapangyarihan, paghahari-harian, kasama na ang political dynasties na ipinagbabawal ng Saligang Batas.
Sa panahon ng pagkakaisa, pandirihan natin ang mga kurakot, labanan ang mga bastos sa mga salitang nakapagpapabago, nakapagpapaunawa, nakapagpapalutang ng tamang naratibo.
Sa panahon ng pagkakaisa, ulit-ulitin natin ang kwentuhang merong diwa ng pagmamahalan ng ating mga ninuno, lalo na sa puntong pinaghirapan nila kung anong kaginhawaan, kalayaan, karapatan ang meron tayo ngayon. Kabilang diyan ang tamang paggamit ng kapangyarihan sa pagpili ng mga susunod na halal na pinuno.
Naturingang eleksyon, huwag tayong magpakonsumisyon sa mga trapo ngunit sa oras ng tapat na pamumuno, doon tayo pumanig. Hindi tayo palilinlang. Pagkaisahan natin ang paggawa ng tama. Tuldok. Doing good. Period. Kasi ang nangyayari, pinapayagan natin ang mga taong gumagawa ng kabalbalan, kabulukan, kapalpakan, minsan pa’y karahasan, ngunit panay naman ang luklok sa kanila, pumapalakpak sa kanila kapag umaakto silang matulungin. Hindi pinagsasabay ang “kurakot nga siya, pero matulungin.” Kurakot siya. Tapos. Period. Kurakot na matulungin? Ang labo. Tinutulungan mo lang siyang lalong maging kurakot at hindi mo natutulungan ang bagong henerasyon sa kinakailangang pagbabago.
Public office is a public trust; at dagdag pa ng Konstitusyon: “Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.” Diba, at all times accountable sila? So bagsak ang pamantayan mo – kasi naman panatiko ka – ng kurap na matulungin. Isuka mo na siya sa balota, at i-shoot mo siya sa basurahan; ehem, ahhhm, hindi siya kundi yung mga mamahalin at pinagkagastusan niyang polyeto na nagkalat lamang, eyesore lamang.
‘Pag may kurap, huwag kukurap; iyan ang dapat nating pagkaisahan. Nakalusot sila kina lolo, lola. Sa susunod, hindi na makalulusot kina tatay, nanay. At sa susunod na henerasyon, maiibalik na natin ang tiwala ng publiko sa mga taong gobyerno.
Ganyan sa pagpaplantsa. Sa kainitan nito, hagod lang nang hagod. Habang may lumalaban, makidagdag ka sa mainit na pakikipaglaban sa tama. ‘Pag dumating ang bagong henerasyon, Diyos ang magsusukli sa iyo ng mga pagpapala o baka nama’y natatamasa mo na ang mga pagpapala at dumadaloy pa sa iyong pamilya, at patuloy pang dadaloy sa mga anak at apo ng iyong mga anak.
Huwag kalimutan sa okasyon ngayong Abril kung paano ka itinawid ng nanay at tatay mo, o guardians mo para makatapos ka ng pag-aaral. Ibinigay sa iyo ang comfort. O kaya naman, nahirapan ka nga, nariyan siya, sila sa pag-agapay sa iyo; sapagkat sa huli, may natututunan ka naman at iyon ang leksyon ng pagiging matatag sa hamon ng buhay.
Kung ubos ang oras mo sa gadget, ipasok mo sa kukote mong tinatalo ka niyan. Kailangang pagtagumpayan mo ang tamang paggamit niya sa iyo, este tamang paggamit mo sa gadget na iyan. Gadget? Don’t get it! Gadget? Don’t get it! Ganoon.
Huwag kalimutan sa okasyon ngayong Abril na may tumayong pangalawang magulang. Si sir, si ma’am. Sila yung sinasabi ng isang attorney na, teacher pa at nurse pa, na ganito, well, tanong niya, sagot niya. Pero mapanghamon. Dahil makatotohanan, masarap pakinggan. Aniya:
“Why do Filipino teachers bother teaching?
“Because clearly, in the Philippines, they’re not doing it for the money.
“They’re not doing it for the recognition, either.
“And definitely not for the easy life — because teaching is anything but easy.
“They’re doing it because they believe.
“In their students.
“In the power of knowledge.
“In the dream of a better future, one learner at a time.
“But let’s be honest: teachers are some of the most underappreciated people in our country.
“They’re expected to be educators, counselors, second parents, content creators, tech experts, event organizers — all while being underpaid and often overworked.
“And yet, without teachers, there would be no lawyers.
“No doctors.
“No engineers.
“No nurses.
“No leaders.
“No change-makers.
“Every professional you admire today?
“A teacher once believed in them — guided them, challenged them, uplifted them.
“Teachers build the nation silently.
“But why are they treated as if their role is small?
“Why do they have to spend their own money on class supplies?
“Why do they have to work overtime, check papers at midnight, and still be cheerful the next morning — all for a salary that doesn’t match the magnitude of their impact?
“If this country really wants to grow, we need to stop treating education like an afterthought.
“We should be paying our teachers like the nation-builders they are.
“Because they are the foundation. The first spark. The lifeline of every dream.”
Iyan ang bahagi ng social media post ni Atty. Race Del Rosario, RN, noong nakaraang linggo.
Hindi natin inaangkin. Muli, mula iyon kay Atty. Race Del Rosario. Kapag nagustuhan mo ang mensahe, ginamit mo, i-credit mo sa kanya. Aking mga mahal na guro, Ma’am Emely, Sir Aquino, Ma’am Antonio, mga kaibigan kong guro gaya nina Ma’am Allen, Sir Carmelito, alam po ninyo, lagi na lang po akong merong plagiarist-student kada semestre. Hindi ko pinagsasawaan ang ituwid sila, paalalahanan sila at turuan to give credit where credit is due, ika nga. Nai-lecture ko rin po ang AI o artificial intelligence at ang etika ng paggamit nito sa pagtuturo at pamamahala ng mga paaralan nang magpaturo sa akin ang mga guro, punong guro, mga librarian, at mga supervisor sa SDO or Schools Division of the City of Santa Rosa, Laguna noong nakaraang buwan.
Kayong mga estudyanteng puro copy-paste ang ginagawa sa internet at panay ang pagawa kay ChatGpt, may hangganan iyan. Baka huli na ang lahat, nasanay ka na sa academic dishonesty. Sa kapapasa mo ng assignment na hindi mo gawa, baka wala ka nang kayang gawin. Ni hindi ka makakapag-board exam, dahil bored ka coursework mo pa lang. Uulitin natin: Hindi pa huli ang lahat, magpakahusay sa natural, hindi sa artipisyal. Pero hindi ibig sabihing iiwasan mo na ang AI ha. Panahon na ng AI integration sa edukasyon, medisina, agham at sining. Tandaang may etika sa paggamit nito, kung hindi ay hindi ka makakawala sa academic dishonesty at sa consequence nito, dinadaya mo ang sarili, kapwa, bayan, at mundo mo.
Sa sama-sama nating pagtutulungang ilunsad ang tema at tunay na diwa ng pambansang pagkakaisa sa bawat araw, lumilikha ito ng nakakahawang ngiti. Gumugihit ng larawang kumupas man, meron pa ring ambag sa susunod na henerasyon. Nakapapawi ng lumbay dahil merong tunay na umaagapay.
Kung gayon, para lalong ma-inspire, kailangang maramdaman ang masarap na pakiramdam ng pagiging mga tunay na kaagapay (partners) ng kapwa at ng bansa.
Your challenge is to proficiently assist in achieving common goals and addressing national and even international challenges by fostering collaborative relationships deeply involving yourselves in the academe, public and private sectors, and civil society organizations.
Ending the learning crisis, sustaining development, and promoting social well-being would be the expected outcomes of your commitment to partner with people inside and outside of government.
All parties share emotional, spiritual, ethical, and even constitutional liability in the general sense of partnership. All parties bear personal responsibility for each other. There would come a time that you would need to rectify the wrongs committed in that partnership instead of living in those wrongs. Subsequently, you would need to reject evil compromises. You would need to maintain what is right and what is just.
Since you have known each other for years, please face your classmates, challenge yourselves, and tell this from the heart, “We should decide to mature early.” At that age, you can all be reasonably expected to have a high level of partnership for us to help build a prosperous, blessed Philippines. Just like the love you feel at your second home, Cuyab Integrated National High School, and the feeling of love that abounds every time you go back to your respective homes, this is real. The love. The partnership. The unity and harmony. They are not abstract ideas. Hindi puro drawing. You feel them, and you thank God for that reward.
Class 2025, mabuhay!

DC Alviar
Professor DC Alviar serves as a member of the steering committee of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He was part of National University’s community extension project that imparted the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities in a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with a master’s degree in development communication from the University of the Philippines Open University in Los Baños. He recently defended a dissertation proposal for his doctorate degree in communication at the same graduate school under a Philippine government scholarship grant. He was editor-in-chief of his high school paper Ang Ugat and the Adamson News.