Walang Pinoy na nasaktan o nasugatan sa magnitude 7.5 na lindol sa Japan

0
535

Wala pa silang natatanggap na ulat ng nasaktan o nasugatan na mga Pilipino sa lindol sa Ishikawa Prefecture, ayon kay Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano.

Sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo, ibinahagi ni Albano na ang kanilang impormasyon ay nagmumula sa mga Filipino communities sa apektadong mga lugar kung saan may mga residenteng nagtungo sa mga evacuation center at sa city hall upang maging ligtas sa posibleng tsunami.

Sa kasalukuyan, tinatayang may 860 na Pilipino sa Yamagata at mahigit na 1,000 naman sa Ishikawa Prefecture. Bagaman at naglabas ang Meteorological Agency ng babala hinggil sa “large tsunami,” wala namang iniulat na malalaking alon.

Dagdag pa ni Albano, tinatayang 33,500 na residente ang apektado sa epicenter sa Toyama, Ishikawa, at Niigata prefectures. Ang mga nabanggit na lugar ay kasalukuyang walang suplay ng kuryente matapos ang malakas na lindol noong Lunes, na nagresulta sa pagkamatay ng 30 katao.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo