WHO: COVID-19 mRNA vaccine technology transfer hub, magpapalakas sa global manufacturing ng bakuna

0
503

Hangad ng WHO at mga kasosyo nito na palawakin ang kapasidad ng mga low-and middle-income na bansa (LMICs) na gumawa ng lokal na bakuna at palakasin ang manufacturing nito, pataasin ang global pag-access upang makontrol ang pandemya.

Ibinalita ng Afrigen na bahagi ng mRNA consortium noong nakaraang linggo na nakabuo na ito ng sariling bersyon ng mRNA shot, batay sa pampublikong datos sa komposisyon ng Moderna Covid-19 vaccine na susubukan na sa tao sa susunod na buwan, ayon sa mensahe ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang press conference kagabi.

Ang pangunahing layunin ng proyekto ay upang makapagtatag ng pasilidad ng pagsasanay kung saan ang teknolohiya ng mRNA ay bubuuin para sa mass production ng Covid-19 vaccine kasunod ng full package ng technology na maipapasa sa maraming low at middle income na mga bansa.

“We expect clinical trials to start in the fourth quarter of this year, with approval expected in 2024. The Medicines Patent Pool will manage the intellectual property, and where necessary issue licences to manufacturers,” ayon kay  Ghebreyesus.

Ang mRNA global hub ay idinisenyo upang tulungan sa mga LMICs at bigyan sila ng kapangyarihan hindi lamang sa paggawa ng sarili nilang bakuna kundi pati na rin sa pagdedesisyon sa kung anong bakuna ang nais nilang gawin.

Hinihikayat ng WHO ang mga manufacturers  mula sa LMICs na magpahayag ng interes upang mabigyan sila ng pagsasanay, paglipat ng teknolohiya at mga kailangang lisensya. Ang WHO at mga kasosyo nito ay maghahatid ng kaalaman sa produksyon, quality control at mga kailangang lisensya sa isang single entity upang padaliin ang proseso at mapabilis ang paglilipat ng teknolohiya sa maraming benepisyo.

Ang inisyatiba sa paggawa ng bakuna ay initulak ng isang consortium kabilang ang Medicines Patent Pool, Biovac, Afrigen Biologics and Vaccines, Department of Science and Innovation ng South Africa, ang South Africa Medical Research Council (SAMRC), isang network ng mga unibersidad at ang Africa Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Naniniwala ang mga pamahalaan ng South Africa at France na pabibilisin nito ang manufacturing ng bakuna sa Africa.

“Covid-19 has demonstrated the importance of investments in science, technology and innovation. Therefore preparing for future pandemics is key and so the WHO mRNA global hub is a critical building block to ensure that South Africa and the whole continent has the production capacity that is essential for equitable vaccine rollout. The mRNA technology is not only for COVID-19, we hope it can be adapted to help us in the fight against HIV, tuberculosis and malaria, which is why we’re investing heavily, alongside international partners, in this initiative,” ayon kay Dr Blade Nzimande, Minister of Higher Education, Science and Technology of South Africa. 

Sinasabi ng WHO na ang mga transfer hub ay magbibigay-daan sa teknolohiya ng mRNA na maitatag sa industrial scale na may pagsasanay kasama ang mga kailangan dokumento at  lisensya na ibibigay sa mga lokal na manufacturer.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.