WHO: Malaking volume ng Covid-19 waste, nagbabanta sa kalusugan

0
375

Libo libong tonelada ng medical waste ang naipon sa loob ng dalawang taon ng coronavirus pandemic sa buong mundo.

Ang napakaraming basura na naipon bilang bahagi ng mga pagsisikap na harapin ang pandemya ng COVID-19 ay nagdudulot ng banta sa kalusugan ng tao at kapaligiran, ayon sa babala ng World Health Organization (WHO).

Ang mga itinapon na syringe, ginamit na mga test kit at mga lumang bote ng bakuna ay nakatambak at lumikha ng libo libong tonelada ng medical waste, na naglalagay ng malaking strain sa mga healthcare waste management system, ayon sa United Nations health agency noong Martes.

Ayon sa 71-pahinang dokumento, ang malaking bahagi ng 87,000 tonelada ng personal protective equipment (PPE) na inorder sa pamamagitan ng isang portal ng UN mula noong Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021 ay naging basura na.

Bukod pa rito, mahigit 140 milyong test kit ang naipadala, na may potensyal na maka ipon ng 2,600 tonelada ng plastic at chemical waste na makakapuno ng one third ng isang Olympic size na swimming pool.

Tinatantyang nasa walong bilyong dosis ng bakuna na ginamit sa buong mundo ang nagdulot din ng karagdagang 144,000 tonelada ng basurang mga glass vial, syringe, karayom ​​at safety box.

Bagama’t hindi inirerekomenda ng WHO ang paggamit ng mga gloves para sa mga iniksyon ng bakuna, sinabi sa report na ito ay tila karaniwang nakasanayan na. Binanggit sa report na sa United Kingdom bilang isang halimbawa, tinatantya na ang bawat health worker ay nagtatapon ng average na 50 pares ng guwantes bawat linggo sa general waste system.

“It is absolutely vital to provide health workers with the right PPE. But it is also vital to ensure that it can be used safely without impacting on the surrounding environment,” ayon kay WHO emergencies director Michael Ryan.

Kaugnay nito, nananawagan ang UN health body para sa reporma at karagdagang pamumuhunan, kabilang ang pagbabawas sa paggamit ng packaging, makatwirang paggamit ng PPE at pamumuhunan sa non-burn waste treatment technology.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.