1.1M customer ng Meralco ang nawalan ng kuryente dahil kay Paeng

0
236

Inireport ng Manila Electric Company (Meralco) kanina na 1,143,499 na customer sa mga franchise area nito ang nakaranas ng panandalian at tuluy-tuloy na pagkaputol ng kuryente dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

Hanggang alas-11 ng umaga, bumaba na sa 101,516 ang mga apektadong customer, karamihan sa mga ito ay nasa bahagi ng Batangas at Quezon provinces at sa ilang bahagi ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, ayon sa ulat ng Meralco sa isang Viber message.

Idinagdag ng kumpanya ng distribution utility ang target ng mga crew nito na maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar “at the soonest possible time”.

Ang mga customer ng Meralco ay maaaring magreport ng pagkawala ng kuryente at iba pang alalahanin sa pamamagitan ng Facebook at Twitter account nito o sa pamamagitan ng 0920-9716211 at 0917-5516211.

Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines sa kanilang Twitter account na nagkaroon ng unscheduled power interruptions kanina dahil sa tripping ng transmission lines.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga lalawigan ng Quezon, Batangas, at Pangasinan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.