1.5M na shabu kumpiskado, 2 suspek arestado sa buy-bust ops ng Cabuyao PNP

0
256

STA. CRUZ, Laguna. Dalawang suspek, kabilang ang isang High Value Individual (HVI), ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Cabuyao City Police Station (CPS) at nasamsam ang sa kanila ang halagang P1.5-M na shabu.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. SIlvio, Acting Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office, ang mga suspek na sina alyas Bacolod at Acmad, na naninirahan sa Quezon City.

Base sa ulat ni PLTCOL Jack E. Angog, hepe ng Cabuyao CPS, nagsagawa sila ng anti-illegal drug buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Banlic, Cabuyao City, Laguna. Nagresulta ang operasyon sa pagka aresto sa mga akusado matapos magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang police poseur buyer.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 300 gramo at nagkakahalaga ng Php 1,500,000.00. Kinumpiska din sa kanila ang isang Toyota Vios at mga cellphone

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cabuyao CPS ang mga inaresto at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” 

“Bilang pagsunod sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN Carlito M. Gaces, at Chief PNP, PGEN Benjamin C. Acorda JR, ang Laguna PNP ay patuloy na nagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga. Ang pagkahuli sa mga High Value Individuals (HVI) na ito ay dahil sa tuloy-tuloy na kooperasyon ng mga mamamayan sa ating mga pulis upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna,” ayon kay SIlvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.