1 pang motor tanker lumubog sa Bataan, PCG sa umaaksyon sa oil spill

0
179

MAYNILA. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may isa pang motor tanker na lumubog sa dagat ng Bataan noong Sabado, Hulyo 27. Ayon kay PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, ang motor tanker na MTKR Jason Bradley ay lumubog sa bahagi ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.

Ang paglubog ng MTKR Jason Bradley ay nakumpirma ng PCG bandang 5:00 ng hapon ng nasabing araw. Sa unang underwater assessment, nakita ang manipis na bakas ng langis, kaya agad silang naglagay ng spill boom upang maagapan ang pagkalat nito.

Nauna dito, lumubog ang oil tanker na MT Terra Nova noong Huwebes, Hulyo 25, 7 kilometers sa east ng Limay, Bataan, na nagdulot ng pagkasawi ng isang tripulante at malawakang na oil spill. Ayon sa PCG, sinimulan na noong Sabado ang pagsipsip sa industrial fuel oil mula sa lumubog na tanker sa Limay, at inaasahang tatagal ang operasyon ng isang linggo.

Sinabi ni Rear Admiral Balilo na, “Pinaka-ultimate dito yung matanggal yung langis sa ilalim… Nandoon na yung salvage operator, magsisimula sila today (Linggo).” Ipinahayag din niya na ang pagkuha ng langis mula sa lumubog na MT Terra Nova ang pinaka-epektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng langis sa Manila Bay.

Nilinaw ni Balilo na ang PCG ay naglagay na ng dispersants at booms sa lugar upang mapigilan ang oil spill. Ayon sa kanya, kakaunti lamang ang tumatagas na langis dahil hindi naman nabutas ang tangke ng motor tanker.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo