1 sa 6 suspek sa Cavite resto holdup, tiklo sa Pasay

0
492

CALAMBA CITY, Laguna. Nahuli ng mga awtoridad ang isa sa anim na suspek na sangkot sa isang holdapan sa isang restawran sa Imus City, Cavite, sa isinagawang follow-up operation sa Pasay City nitong Martes ng hapon, ayon sa ulat na isinumite kay PBGEN. Carlito M. Gaces, direktor ng Police Regional Office Calabarzon.

Kilala ni Col. Christopher Olazo, direktor ng Cavite Provincial Police Office ang naarestong suspek na si Mel John Rutaquio, 34 taong gulang, at naninirahan sa Brgy. 133, Pasay City. Ayon sa ulat, hindi nag-resist si Rutaquio nang mahuli siya ng tracker team sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. 133, Pasay City.

Si Rutaquio ay isa umano sa tatlong rider na sakay ng tatlong motorsiklo na ginamit sa nangyaring holdapan sa Imus City. “Ang mga damit ni Rutaquio na itinalaga bilang isa sa anim na suspek na nakita sa footage ng close circuit television camera sa oras ng holdapan ay tugma,” ayon kay Olazo,

Natukoy na isa sa mga motorsiklong ginamit sa operasyon ng mga suspek, isang itim na Honda click (540 UDM), na narekober mula kay Rutaquio.

Ayon kay Col. Olazo, matapos hulihin si Rutaquio, nagsagawa siya ng mga pagsisiyasat upang matukoy ang iba pang mga kasamahan nito sa panghoholdap. Kinilala nila ang lider ng grupo na si Mark Randolph Cruz, kilala rin bilang “MacMac” at “Kram-Kram,” pati na rin ang isang alias na “Rudy” at “Onyok.”

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.