CALAMBA CITY, Laguna. Inalis sa puwesto ang sampung hepe ng pulisya kasunod ng “major reshuffle” na isinagawa ng Calabarzon Police sa rehiyon.
Ayon sa mga ulat, naapektuhan ng balasahan ang 9 na chief of police sa Batangas at 1 sa Laguna sa unang bugso ng realignment ng Calabarzon Police.
Ang realignment ng rank position para sa chief of police at ang istriktong pagpapatupad ng “one-strike policy” ng Calabarzon Police ang mga pangunahing dahilan ng pagtatanggal sa puwesto ng 10 hepe ng pulisya. “The turnover is not just a change in leadership but an opportunity to renew our commitment to the people of Batangas and we are confident that the new Chiefs of Police will bring fresh perspectives and innovative approaches to ensure the safety and well-being of our communities,” ayon kay Col. Jack Malinao, Batangas police director.
Ang mga bagong papalit na hepe ng pulisya sa Batangas ay magmumula sa mga munisipalidad ng Calaca, Nasugbu, Padre Garcia, San Luis, San Nicolas, Sta. Teresita, Tingloy, Ibaan, at San Pascual.
Sina Lt. Col. Radam Ramos at Ruel Lito Fronda ay nagsimula nang umupo sa kanilang puwesto bilang Chief of Police ng Calaca at Nasugbu, ayon sa pagkakasunod. Sina Majors Raymon Dayagan (Padre Garcia), Josep Morales (San Luis), Julius Almeda (San Nicolas), Richard De Guzman (Sta. Teresita), Emil Mendoza (Tingloy), Eugenio Solomon (Ibaan), at Ricky Fornolles (San Pascual) ang mga bagong hirang na hepe ng pulisya.
Magugunitang kamakailan lamang ay sinibak si Lt. Col. Milany Martirez ng Calamba City police dahil sa pagtaas ng crime rate sa kanyang nasasakupan. Siya ay pinalitan ng kanyang partner na si Lt. Col. Titoy Casidsid Cuden bilang bagong hepe ng Calamba City police.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.