10-oras na pagyanig sa Taal Volcano naitala, PHIVOLCS nagbabala

0
309

MAYNILA. Isang volcanic tremor na tumagal ng 10 oras at 30 minuto ang naitala sa Bulkang Taal noong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Bagama’t mas kalmado ang Taal noong Linggo ng umaga kumpara sa mga nakaraang araw, ayon kay PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol, walang naganap na phreatic o phreatomagmatic eruption sa nakalipas na 24 oras.

“For the past 24 hours, wala po tayong volcanic earthquake na naitala sa Taal Volcano and nasa Alert Level 1 pa rin ang Taal Volcano,” ani Bacolcol sa isang panayam.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi pa rin ligtas ang sitwasyon dahil posible pa rin ang mga phreatic at phreatomagmatic eruptions. Dahil dito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, na itinuturing na Permanent Danger Zone.

Nanatiling nakaantabay ang mga awtoridad para sa anumang pagbabago sa aktibidad ng bulkan. Ang PHIVOLCS ay patuloy na nagmamanman at nagbibigay ng paalala sa publiko na maging alerto at sundin ang mga rekomendasyon para sa kanilang kaligtasan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo