10 pasahero ng nasirang motorbanca sa Romblon sinagip ng PCG, MDRRMO

0
100

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) ang sampung pasahero ng nasiraang motorbanca sa karagatan sakop ng Barangay Agojo, Looc, Romblon.

Ayon sa PCG, patungong Caticlan Port sa Malay, Aklan ang MBCA Jedidiah 2 mula sa Looc Pier nang mabali ang propeller shaft na naging dahilan upang tumigil ang makina nito at maanod kamakalawa.

Matapos makatanggap ng tawag kaugnay sa insidente, agad na naglunsad ng search and rescue operation ang PCG at MDRRMO.

Tiniyak ng dalawang ahensya na ligtas ang lahat ng pasahero kasama ang boat operator habang hinila ng MB Gezel Kelvin ang nasiraang motorbanca patungong Looc Pier para sa kinakailangang pagkukumpuni.

Sa ngayon, sinabi ng PCG na nakabalik na sa kanilang pamilya ang lahat ng mga nasagip na pasahero nang nasa maayos na kondisyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo