10 suspek sa anti-hazing law sa Laguna, nahuli na

0
821

Camp Vicente Lim, Laguna. Nalambat na ng mga elemento ng Laguna Intelligence Unit at Kalayaan Municipal Police Station ang sampung miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity na tatlong buwan nagtago matapos umanong mapatay ng mga ito sa hazing ang isang 18 anyos na estudyante na dumaan sa initiation rites ng noong Marso 20 ng taong kasalukuyan.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCol. Cecilio Ison Jr,, kinilala ang mga dinakip na sina: Leo Sandro Dueno, 20; Paulo Lacaocao, 23; Kevin Perez, 23 anyos ba construction worker; Jerwin Caraig, 25; Osama Sotomayor, 24; Johndel Ponce, 23 anyos na construction worker; Art Jay Nadal, 19; Wilson Maestrado, 21; Kris Jairo Cabisuelas, 25 at Kirby Galero.

Ayon kay.Ison, inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court branch 28 ng Sta Cruz , Laguna sa kasong paglabag sa anti-hazing law. Nauna dito, si Raymarc Rabutazo, isang grade 12 senior high school student ay namatay matapos itong sumali sa initiation rites ng Tau Gamma noong ika- 20 ng Marso kung saan una itong napabalita na nalunod sa isang resort sa Barangay San Juan, Kalayaan sa Laguna.

Sa isinagawang autopsy sa bangkay ng biktima nakita ng mga forensic pathologists na maraming pasa sa dibdib, kamay at paa at isang malaking sugat sa ulo na hinihinalang sanhi  ng pagkakahampas gamit ang isang matigas na bagay.

Ayon sa ulat ng pulisya, Si Kevin Perez ang tumayong lead initiator sa naganap na hazing na isinagawa ng grupo sa bulubunduking bahagi ng Twin Falls kung saan iniwan ng mga suspek ang nag-aagaw buhay na biktima.

       Noong ika- 4 ng Mayo, sina Simeon Rubin Mercado, Richard Dimaano Jr, at Vermon Rabutazo, pawang mga opisyal ng Tau Gamma Phi  Fraternity sa Kalayaan Laguna ay nauna ng kinasuhan sa piskalya hinggil sa naturang kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.